Halina't makisayang muli sa aming paglalakbay. At isa sa pinakamagandang lugar na aming napuntahan ay ang isala ng Catanduanes sa Bicol. Kilala ito bilang "The Land of the Howling Winds" dahil madalas itong bisitahin ng bagyo. Pero kahit ilang beses pa ito daanan ng bagyo ay nananatili ang kagandahan ng lugar, ang luntiang tanawin at ang mainit na pagtanggap ng mga tao dito.
Ang pinakaaabangang pasiklaban ng makukulay na sayawan ay muling idinaos sa taunang Aliwan Festival noong ika-10 ng Abril, 2012 sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Ito ang ika-sampong taon ng pagdiriwang kung saan nagsasama sama ang iba't ibang mananayaw sa iba't ibang probinsya ng Pilipinas upang ipakita ang kanilang kultura at itaguyod ang kanilang lugar sa pamamagitan ng sayaw. Ang Aliwan Festival 2012 ay inorganisa ng Manila Broadcating Company at ng Cultural Center of the Philippines sa tulong ng lungsod ng Maynila at Pasay.
Tuwing Abril o Marso, ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang Semana Santa. Ang Pilipinas, bilang isa sa bansang Kristiyano ay isa ito sa pinakaimportanteng bagay na idinadaos taon taon. Ito ang panahon para gunitain ang pagsakripisyo ni Hesukristo at pagsalba nya sa sambayanan sa kanilang mga kasalanan. Panahon din ito para humingi ng kapatawaran, pagsasakripisyo at paggawa ng kabutihan sa paniniwalang sa ganitong paraan ay mababawasan ang ating mgakasalanan.
Matagal tagal na rin kami hindi nakabalik ng Baguio para magbakasyon. Kaya ngayong malapit na ang summer, at sakto upang makita ang makulay na pagdiriwang ng Panagbenga Festival, naisipan namin muling bisitahin ang City of Pines at tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas! Tara na at magpalamig muna tayo mga Tripapips!
Isang masayang food trip na naman ito mga katripapips! Syempre, kung saan ang may pagkain, naandon din kami! Ika nga, hindi kami papahuli sa mga eksena! Kaya dumalo kami sa nakaraang Summer Food Fair, ang Best Food Forward sa NBC Tent, Taguig City upang malasahan ang ibat ibang klase ng pagkain na ibinida ng mga kalahok.
Galing kami sa Tokyo….Tokyo. Can you imagine, uso na rin pala sa kanila ang burger na madalas lang natin kainin sa mga food chains na iba’t-ibang burgers ang pambato? Kumbaga, maiisip mo bang ang burger ay magiging patok rin pala sa panlasa ng mga hapon?
Nagutom kami sa trapik habang papunta kami sa Tokyo Tokyo. May ilalabas kasi silang mga burgers na siguradong papatok sa panlasa ng lahat. Well, swak na swak agad samin kasi bukod sa gutom na kami at pagdating sa kainan ay hindi pahuhuli, pamatay sa sarap yung mga burgers na natikman namin. Tatlong iba’t-ibang burgers ang talagang bago sa panlasa namin ang tinikman namin sa Tokyo Tokyo.
28, February 2012, Intramuros - Art Republik, the 30-minute TV program that profiles the Filipino artists on Knowledge Channel, has been launched at the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) simultaneous to the to the maiden airing of its pilot episode at 8:40 p.m. on the cable channel. The first episode titles "Siblings in Art" features sisters Sari, Aba and Kiri Lluch Dalena and brothers Roxlee and Romeo Lee.