Ang Masjid Bandaraya ay isa sa pinakamaling moske sa Kota Kinabalu, Malaysia. Matatgpuan ito sa Jalan Pasir, Teluk Likas at pangalawa sa pangunahing sambahan ng mga Muslim dito. Naging isa ito sa mga lugar na maaring puntahan sa KK ng binuksan ito noong Pebrero 2000.
0 Comments
Pula, dilaw at berde ang kulay na nangingibabaw sa isang lugar sa Sabah, Malaysia at ito ang Tadika Peak Nam Toong. Hindi man gaanong napupuntahan ng mga turista dahil sa tago ang lugar, isa pa rin ito sa mga dapat bisitain kapag pumunta sa Kota Kinabalu. Ang Peak Nam Tong ay isang Buddhist temple na matatagpuan Ridge Zone, Kepayan. Ngayong may passport ang Tripapips nating si Jong ay kailangan na itong matatakan agad-agad kaya nagplano kami ng isang trip patungo sa labas ng Pilipinas. Hindi kami nagpaawat pa at aming binisita ang isa sa pinakamagandang lugar sa Asya, ang Kota Kinabalu, Malaysia, kilala bilang tahanan ng naggagandahang karagatan, mga malaparaisong isla, tropical rain forests, virgin coral reefs at ang tanyag na Mount Kinabalu. |