Buong puso kong ipinagmamalaki ang probinsya kung saan ako isinilang at lumaki - ang isla ng Catanduanes dahil sa mga taglay nitong naggagandang tanawin, masasarap na pagkain at lalong lalo na ang mapagmahal na mga tao.
7 Comments
Sa isang baryo sa San Andres, Catanduanes ay buhay na buhay ang kwento ng isang misteryosong bato na kung tawagin ay "Batong Paloway." Sa katunayan, kabilang na ito sa kasaysayan ng mga lokal na tao sa San Andres. Sa ngayon, isa ito sa mga sikat na simbahan at isang destinasyong dinadayo ng mga turista sa isla. Tanyag ang bayan ng Bato, Catanduanes dahil dito matatagpuan ang makasaysayang Bato Church. Ngunit maliban dito, sa Bato nyo rin makikita ang mga naggagandahang talon na ipinagmamalaki ng bayan. Malamig na tubig, preskong hangin at magandang tanawin ay ilan lamang sa mga katangiang taglay ng Maribina Falls, ang pinakasikat na talon sa Bato. Isa sa dapat puntahan sa Catanduanes ay ang kilalang tourist spot, ang Luyang Cave. Kilala ito dahil sa naggagandahang rock formations at sa malamig na simoy ng hangin sa loob nito. Sa kasalukuyan, matatagpuan ang isang groto sa loob nito na pinaniniwalaang misteryoso. Matatagpuan ito sa Barangay Lictin, San Andres, Catanduanes. Maliban sa mga lumang simbahan at magagandang beach resorts ay may mga kakaiba ring mga tourist destinations ang maari mong puntahan sa Catanduanes. Narating namin ang isa sa paboritong dayuhin ng mga turista dahil sa kakaibang itsura nito, ang "Buto ni Kurakog". Isa sa pinagmamalaki ng Catanduanes ay ang Twin Rock Beach Resort. Kaya hindi na namin sinayang ang oras para bisitahin ang lugar na hindi kami binigo sa kagandahan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sobra kaming nag-enjoy sa isla ng Catanduanes. Painit ng painit ang panahon. Ngunit, hinding hindi kami magpapatinag dito! Sinulit namin ang summer para libutin ang isla ng Catanduanes. Dito namin nakilala ang isang beach resort na tamang-tamang pasyalan ngauong tag-init. Ito ang Amenia Beach Resort sa Palawig sa bayan ng Virac. |