TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

How to Cook Chicharong Bulaklak

2/8/2013

16 Comments

 
Picture
Sawa ka na ba sa Boy Bawang bilang pulutan? Bakit hindi subukan ang isang sikat na pagkaing Pinoy na kilala bilang masarap na pulutan o pwede rin gawing ulam. Ito ay ang chicharong bulaklak na nagmula sa bituka ng baboy at prinito hanggang sa maging malutong ito. 

O anong sarap na marinig ang lutong nito habang nginunguya mo ito sa iyong bibig! Huwag kalimutang isawsaw ito sa maanghang na suka habang umiinom ka ng isang malamig na beer... pero tama na ang imagine mga Tripapips! Masmabuti pa ay gawin mong makatutuhanan ang iyong paglalaway sa chicharong bulaklak! Siguradong magugustuhan mo ito dahil bukod sa masarap ito ay isa ito sa mga pinakamadaling lutuing pagkaing Filipino swak ihain sa pamilya at barkada!

INGREDIENTS:

  • 1 kilo Chicharong bulaklak/bituka ng baboy
  • 3 kutsarang asin
  • tubig
Picture
Bago lutuin ang chicharong bulaklak, siguraduhing ito ay nilinis ng maayos. Maaari itong hugasan sa dumadaloy na tubig sa loob ng 10 minuto. 

cooking procedure:

Picture
Picture
Picture
1. Hugasang mabuti ang chicharong bulaklak bago ito lutuin. Pagkatapos ay budburan ito ng asin at pakuluan sa isang kaldero.

2. Hayaan lamang ang bituka ng baboy hanggang kumulo at mawala ang tubig. Kadalasang tumatagal ito ng 30 minuto hanggang 45 minuto. 

3. Hinaan ang apoy kapag lumalabas na ang mantika mula sa (chicharong bulaklak) bituka ng baboy. Ang mantikang ito ay ang syang gagamitin sa pagpiprito. Hayaang maprito ito sa loob ng 10 - 15 minuto.

4. Hinatayin hanggang maggolden-brown na ang chicharong bulaklak. Tanggalin sa mantika at ilagay sa paper towels para mahigop ang sobrang mantika.

5. Ihain!
Maari mo ring lagyang ng flavor ang iyong chicharong bulaklak. Maglagay lamang ng pininong bawang habang ito ay piniprito para maging garlicy ito. Ngunit ang importante sa lahat ay huwag na huwag kalimutang maghanda ng sawsawan. Maghalo lamang ng suka at dinikdik na bawang at siguradong solve na solve ka!
Picture
16 Comments
TheFoodTechie link
2/16/2013 01:18:50 pm

Ang akala ko ay mahirap iluto itong chicharong bulaklak. Hindi ako sanay magluto ng bituka ng baboy dahil mahirao linisin.

Reply
Franc Ramon link
2/16/2013 01:21:19 pm

Paborito ko din itong chicharong bulaklak. Msarap nga syang pulutan.

Reply
Jonas Labagala link
2/16/2013 01:43:19 pm

Di pa ako nakatikim ng chicharong bulaklak but if this is served, I would be glad to taste it!

Reply
Algene link
2/16/2013 02:06:23 pm

My friend, who loves chicaron bulaklak more than anything else (no exaggeration), will surely love this post! Hahaha

Reply
Aldous Calubad link
2/16/2013 02:07:14 pm

Madalas ay namimiss ko itong Chicharong Bulaklak

Reply
jane link
2/16/2013 03:44:11 pm

now i am totally craving for this one! very easy to make! one of my faves back in philippines! xx

Reply
Joshua
2/16/2013 08:59:52 pm

I like the very detailed way you described the preparation for chicharon. Masarap yan!

Reply
Jam
2/16/2013 11:29:16 pm

saraaaap! ito yung inulam ko kanina plus toyo sa kanin! di ko trip ulam namin kanina eh. haha

Reply
Anneille07 link
2/17/2013 02:43:01 pm

wow! sarap nman, kayalang pampabata yan! super lakas sa cholesterol and uric acid! :)

Reply
Ron Leyba link
2/18/2013 12:30:51 am

Thanks for the Pinoy or Tagalog version of your recipe! Great!

Reply
MAL
3/12/2015 10:05:58 am

Wow. First to see this way of cooking Chicharon Bulaklak. Halos lahat A.Clean B Boil C Deep Fry. So bale parang pagluto lang ng crispy bacon? Frying it its own oil after na Malaga sa konting tubig? So di na po tinatanggal sa kawaling pinaglagaan yung bituka hanggang magolden brown po?

Reply
Myztique
1/28/2017 01:06:24 am

Pano po ba linisin ang bulaklak ng baboy?at ano po ginagamit para linisan sya

Reply
Alain Villagracia
8/13/2018 06:01:53 am

Nagluluto ako ngayon. . Hehe

Reply
Juanelena
9/2/2018 09:59:25 pm

Paano po siya mapapanatili ang lutong

Reply
Adrian Dumawal
9/10/2018 01:23:49 am

binabasa ko pa lng sumasakit na batok ko

Reply
South Carolina link
2/23/2021 01:46:00 am

Nicce share

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.