Related Article: 9 Weird food you should try in Catanduanes
Ngunit maliban dito, nakikilala rin ang Catanduanes dahil sa mga masasarap na pagkaing Bicolano. Kaya sa pagkakataong ito, hindi muna ang mga tourist spots ang aking sinadya dito kundi ang ilan sa mga pambihirang restaurants na bumibida ngayon sa isla. Ilan sa mga ito ay aking binisita para matikman ang mga pinagmamalaki nilang putahe. Anu-ano nga ba ang mga pagkaing ito at saan matitikman?
Cafe de Au
Nangunguna sa listahan ang Ala Nachos na tinaguriang signature dish ng Cafe de Au. Naging patok ang pagkaing ito dahil hindi tulad ng ordinaryong nachos, imbes na tortilla chips ay pinalitan ito ng prinitong molo wrapper na talaga namang ramdam ang lutong sa bawat kagat. Swak sa panlasa ang giniling na karne sa ibabaw nito na hinaluan pa ng sariwang gulay at napakaraming keso. At hindi lang ito, pinapasyalan ito ng maraming tao at maging mga turista dahil sa kanilang mga pinagmamalaking kape.
Dahil sa malinis at maayos ang paligid nito ay mainam itong lugar sa mga nagnanais magchill o kaya makipagchikahan lang sa barkada habang nilalasap ang masasarap na pagkain dito. Matatagpuan ang Cafe de Au sa Barangay Salvacion, Virac.
Carrie's Resto
Isang patunay naman nang pagkamalikhain ng Catandunganon pagdating sa pagkain ay ang Sisig Pasta sa Carrie's Resto. Sino nga pa naman ang mag-aakala na ang isang ulam ay maaaring gawing ekstra-ordinaryong pasta meal. Siguradong hindi ka bibiguin ng pagkaing ito dahil kuhang kuha ang lasa ng sisig na lalong pinatindi kapag pinatakan mo na ito ng kalamansi.
Maliban dito, nakilala rin sila dahil sa iba't ibang flavors ng pizza at isa sa mga dapat ninyong matikman ay ang Shawarma Pizza. Huwag kalimutan bisitahin ang restaurant na ito sa Barangay Gogon, Virac.
Sunday Blossoms
Kung masasarap na pagkain ang pag-uusapan, hindi papahuli ang "Blossoms" dahil sa malakrema at kumpletong sangkap ng kanilang Special Halo-halo. Noon pa man, ang makulay na pagkain na ito ang binabalikbalikan na lalo pang pinaispesyal dahil sa malaking piraso ng leche flan sa ibabaw.
Kumpara noon, maspinaganda ang itsura ng restaurant na ito na nagmistulang isang tradisyunal na mansyon na may iba't ibang naggagandang disenyo at palamuti. Makikita ang makalumang istilo mula sa mga bintana, mga upuan hanggang sa mga nakasabit na abubot sa pader. Sa pagbabago ng lokasyon at konsepto ng restaurant, nanatili pa rin ang saya ng dulot ng kanilang mga putahe sa panlasa ng mga Catandunganon. Dagdag pa sa mga ibinibida nila ang iba't ibang fruit shakes at pasta meals na siyang hinahanaphanap ng mga customers dito. Kung nais ninyo subukan ang kanilang mga putahe, bisitahin sila sa Barangay Salvacion, Virac.
Comfort Zone
Ang pinakabaong foodie spot naman ngayon na kung tawagin ay Comfort Zone ay sumisikat dahil sa kanilang malinamnam na Crispy Chicken Burger. Sino ba naman ang hindi matatakam dahil ang dalawang paboritong pagkain na burger at fried chicken ay pinagsama at pinag-isa sa putaheng ito. Sa bawat kagat ay malalasahan mo ang malinamnam at malutong na prinitong manok na sinamahan pa ng preskong gulay at keso.
Sa pagpasok pa lamang ay kitang kita na bago pa ang lugar na ito. Siguradong matutuwa rin kayo sa bilis ng libreng wifi connection dito. Matatagpuan ito sa Barangay San Roque, Virac.
Sea Breeze
Kung nais mo naman ang sari-saring pagpipilian ng pagkain, siguradong ang Sea Breeze ang saktong lugar para saiyo. Isa ito sa mga paboritong puntahan ng magbabarkada o maging ng buong pamilya dahil sa malawak na pilian ng masasarap na putahe. Ilan sa mga maari mong pagpilian ay ang kanilang fried chicken, sisig at iba't ibang luto ng seafood.
Maliban sa masasarap na pagkain, taniyag din ito dahil sa kumportableng lokasyon nito. Mga nakapilang kubo sa gilid ng dagat ang babati saiyong pagdating. At habang nilalasap mo ang iyong pagkain ay nag-ienjoy ka rin sa nakakarelax na tunog ng hampas ng mga alon at ng sariwang hangin. Ito ay maaring bisitahin sa Barangay Salvacion, Virac.
- Kemji’s Resort & Restaurant, San Isidro Village, Virac
- Virac Hometel, Virac Diversion Road, Virac
- Le Grill Foodtrip, San Jose, Virac
- The Fin Bar & Grill, Virac Center Mall, Sta. Cruz, Virac
- Taste Buds, Sta Elena, Virac
- Elite Cafe, Sta Elena, Virac
How to get to Catanduanes:
If your going by plane to Catanduanes, direct flights are serviced by Cebu Pacific from Manila and travel time is 1 - 1.5 hr.
Numerous bus services travelling from Manila to Tabaco are also available. Regular ferries connect Virac to the port of Tabaco. From the seaport of Tabaco, hop on either at MV Calixta or MV Eugene Elson to reach the island of Catanduanes via San Andres or Virac seaport.
More info: How to Go to Catanduanes