TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

IshiAya's Garden Bistro: Albay's newest foodie spot

10/14/2014

1 Comment

 
Picture
From a sexy star to a restaurateur, Aya Medel owns the newest foodie spot in her hometown Tabaco City, Albay called IshiAya's Garden Bistro. It serves international cuisines, authentic Japanese Yakiniku food and Bicolano's native dishes. 


Ang IshiAya ay isang restaurant sa Tabaco, Albay na kilalang tinutungo ng mga tao dahil sa kaaya-ayang disenyo ng lugar at masasarap na pagkaing kailangan ninyong maitkman. Mula sa pinagsamang kultura ng Hapon at Filipino ang buong tema ng kainan na ito. Kaya kung Pinoy ka at napakahilig sa Japanese food, ito ang prepektong lugar para sa iyo. Matatagpuan ito sa Corner Villaruel and A. Luna St. Tabaco City, Albay.


Related Article: 9 Weird foods you should try in Catanduanes
Picture
Ang IshiAya ay nagmula sa pinagsamang pangalan ni 'Aya' at ng kanyang anak na si 'Ishi'. Ang kanyang hilig sa pagluluto ang nagtulak sa kanya para simulan ang restaurant na ito. Maliban dyan, nagtapos din si Aya ng kurso sa Culinary Arts. Sa ngayon, isa na ito sa patok na patok na kainan na dinarayo sa Albay dahil sa mga pagkaing pang-internasyonal ngunit hindi nililimutan ang tradisyon at panlasang Pinoy.

Nahahati sa dalawang bahagi ang IshiAya's Garden Bistro. Ang una ay sa isang malawak na hardin na may mala-kubong nakapaikot kung saan doon nakapwesto ang mga mesa at upuan. Dito ay maari kang mag-ihaw at magluto. Inayon sa Hapon ang tema nito na kitang kita magmula sa mga disenyo ng dingding maging sa mga naghahain ng pagkain na nakasuot pa ng "Kimono" o ang tradisyunal na kasuotan sa Japan. Ilang disenyo rin dito ay ang mga boteng makukulay na nagmimistulang alitaptap tuwing naiilawan sa gabi. Napapalibutan din ang buong lugar ng mga lampara kaya nagiging romantiko ang buong paligid.
Picture
Kung nais ninyo naman ang maskomportableng lugar, maari kayong pumasok sa sa isa pang bahagi ng retaurant dahil ito ay airconditioned. Pinoy na pinoy naman ang palibot nito dahil ang mga waitress ay nakasuot ng "saya". Sa bawat dingding din ay nakapinta ang iba't ibang sikat na lugar sa Bicol tulad ng Mayon Volcano, Cagraray at San Miguel Islands kaya nagmimistulang isang buhay na buhay na tourist spot ang buong restaurant. At syempre, dito binibida ang mga tradisyunal na pagkaing Bicolano.
Picture
Pinili naming umupo sa labas na bahagi ng restaurant para masubukan ang pinagmamalaki nilang Yakiniku. Sa bawat mesa ay mayroong lutuan o kaya ihawan. Maganda ang tanawin sa labas ngunit hindi ganoon kakomportable dahil sa init ng hangin dito. Maaring dahilan ito ng mga usok na nagmula sa pag-iihaw. Pero dahil sa ninais namin maranasan ang kakaibang pamamaraan ng pagluto na ito, pinili naming manatili dito. Mabuti na lamang at inabutan kami ng electric fan para maging mapresko ang paligid.
Picture
Sinubukan namin ang kanilang Yakiniku, ang tawag sa paraan ng pag-iihaw ng mga Hapon. Nagkakahalaga ito ng 750.00 pesos para sa karne ng baboy at baka, isda at gulay na iihawin. Matapos maluto ang mga ito, may apat na malinamnam na sawsaw ang pwedeng pagpilian na siyang nagbibigay lasa sa buong pagkain. Talaga namang masasarap ang mga ito ngunit iilang piraso lamang ang laman ng isang set ng kanilang Yakiniku at hindi ito magkakasaya sa apat o lima na taliwas sa nakalagay sa kanilang menu. Ngunit, kakaiba ang karanasan na ibinigay ng pagkain na ito lalo na sa mga hindi pa nasubukan ang ganitong pamamaraan ng pag-iihaw. 
Picture
Ang IshiAya's Delicious One-pot ay isa rin sa dapat masubukan dito. Isang kumukulong tubig/sabaw naman ang paglulutuan ng mga karne, seafood, noodles at gulay. Ang isang set naman nito ay may presyong 800.00 pesos, tamang tama sa isang grupo ng apat o kaya lima lalong lalo na sa malamig na panahon. Ito ang aming paborito sa gabing iyon. Makikitang preskong presko pa ang lahat ng sangkap kaya sulit na sulit ang inyong babayaran. 
Picture
Maliban sa mga pagkaing ito, maari ninyo ring tikman ang iba pang Japanese food tulad ng Ramen na nagkakahalaga mula sa 145.00 hanggang 175.00 pesos. Ang Funamori naman ay nagkakahalaga ng  999.00 ang 60 na piraso. 

Ilan din sa mga pagkaing Bicolano ang aagaw pansin sainyo sa pangalan pa lang nito. Bakit hindi subukan ang Mayon na kung saan pinagsama sama ang Bicol Express, Balaw at Laing sa iisang pagkain sa halagang 135.00 pesos. Siguradong nanaisin ninyo rin tikman ang Stuffed Pili sa halagang 145.00, ang laman ng pili ay nilagyan ng giniling na karne sa loob. Kung sa panghimagas naman, lasapin ang Pagkamoot sa halagang 95.00 pesos. Ito ay isang Creme Brulee na binudburan ng pili nuts.
Picture
Ooooppsss! Nakuha rin naming magpapicture kay Aya Medel, ngunit hindi naman daw ito bibihirang pagkakataon dahil parati naman siyang nagungumusta sa mga customers dito. Ayos di ba?! Maging ang chef at may-ari ng IshiAya ay makikilala ninyo rin. 
Picture
Masayang nagtapos ang gabing iyon dahil sa mala-Japanese na experience namin at masasarap na pagkain ngunit marami-rami pa rin ang kanilang kailangan pagbutihin para sa mas sulit na food trip na tunay na babalikbalik ng mga tao. Isa sa mga ito ay ang gawing masmaaliwalas at presko na kapaligiran sa labas. 

How to get there: 

From Legazpi City to Tabaco City

Maaring sumakay ng jeepney, bus o kaya van patungo sa Tabaco City proper sa loob ng isang oras na byahe. Pumara sa may simbahan ng Saint John the Baptist at mula doon ay maari nang lakarin patungo sa sa IshiAya. Huwag mahiyang magtanong ng direksyon. :)
Picture
IshiAya's Garden Bistro
Corner Villaruel and A.Luna Sts. Tabaco City, Albay
Phone: +639164667049 / 0522030071 
Email: sapatong@yahoo.com.ph
Picture
1 Comment
Dale link
6/15/2022 04:37:14 pm

Hi great readiing your blog

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.