Related Article: 8 Types of people you DON'T want to travel with (at dapat iniiwan sa byahe)
Sa araw-araw nating pagsakay rito, marami rin tayong mga nakakasalamuhang kapwa pasahero. Iba't ibang uri ng tao ang iyong makikita sa loob ng isang jeepney. Samantalang ang iba ay steady lamang sa kanilang mga kinauupuan, meron ding ibang pasaherong kapuna-puna dahil sa kanilang mga kakaibang kinikilos. Wala nga namang basagan ng trip, ika nga. But some of these types of passengers are just inconsiderate, nakakabadtrip, nakakastress at minsan nakakasira ng araw. Kailangang intindihin o kaya pagpasensiyahan ngunit ang iba nga lang talaga ay sobra na at hindi na natin maiwasang hindi mabadtrip, lalo na kapag hindi rin maganda ang simula ng iyong araw. :)
Sinu-sino nga ba ang mga pasaherong ito na gugulo sa iyong d̶a̶t̶i̶ ̶n̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶g̶u̶l̶o̶n̶g̶ itsura, magpapainit sa iyong ulo a̶t̶ ̶m̶a̶g̶p̶a̶p̶a̶u̶s̶o̶k̶ ̶n̶g̶ ̶i̶y̶o̶n̶g̶ ̶t̶e̶n̶g̶a̶ at lalong sisira sa saiyong h̶i̶n̶d̶i̶ ̶k̶a̶g̶a̶n̶d̶a̶h̶a̶n̶g̶ araw? Ilan sa mga pasaherong ayaw ninyong makatabi sa jeep ay ang mga sumusunod:
1. The Hairrific - Okay! Unang una, wala kaming pakialam sa long, soft and shiny hair mo at kung kayang sumunod neto sa galaw mo. Eh di wow! Ang saamin lang ay huwag mo naman itong hayaang makagambala sa mga katabi mong pasahero. Ito yung tipong "long hair, don't care." Kumbaga, long hair sya at don't care sa katabi nya. Halos pinaparamdam nya ang bawat hibla ng buhok nya na sinasampal ang buong mukha mo, minsan dumidiretso pa sa bunganga mo at minsan nakakapuwing din sa iyong mata. Ate, hindi naman ata eat-all-you-can ang buhok mo at pagpipiyestahan namin yan hanggang makalbo ka.
2. The Dedmasahe - As in dedma sa pamasahe at ayaw mag-abot sa drayber ng pamasahe ng iba kahit pa makisuyo ka. Minsan kunwaring walang naririnig, nagtutulugtulugan o minsan naman ay sadyang wala lang talagang pakialam. Medyo mahirap siya i-approach na kung minsan ay ipapasa mo pa sa ibang masmalayong pasahero para makapagbayad ka lang ng pamasahe. Kapag kinalabit mo ito para makisuyo, dedma o kaya galit.
3. The Tulog-laway - Tulog na, tumutulo pa ang laway. Unang una, hindi kayo close pero parang shoulder-to-lean-on an peg nya dahil kung makasandal sayo ay wagas. Ito ang mga pasaherong kulang sa tulog at sa jeep bumabawi pero okay lang naman matulog talaga sa jeep, ang point lang ay hindi kami nagbayad ng pamasahe para sandalan ng mabigat na ulo at saluhin ito tuwing nahuhulog. Kahit hindi ka na komportable sa posisyon ay nahihiya kang gumalaw at baka magising ang natutulog mong katabi. Awkward to, promise!
5. The Immovable - Ito naman ang pasaherong ayaw magpaupo, ayaw umusog o kung makaupo akala mo ay inarkila ang buong jeep. Kahit nakikita niyang iisang pisngi na lamang ng pwet mo ang nakalapat sa upuan ay hindi pa rin siya uusog para paupuin ka kahit alam niyang may space pa. Ito yung galit pagnapagalaw mo sa kanilang upuan o kaya sisisihin ka na masikip na nga, naniniksik ka pa.
6. The Magjowang pabebe - Palakpakan sa magboypren at girlpren na ginawang private room ang jeep dahil sa todo ang landian at lampungan na akala nila ay walang ibang taong nakakakita sakanila. Kumbaga, naaagaw nila ang pansin ng mga tao sa loob ng jeep dahil hindi akma ang kilos nila sa lugar dahil sa masyado silang magaslaw at minsan ay sobrang mga pabebe sa isa't isa. Meron pang nalalamang pagbaby-talk. Ok lang naman na sweet kayo sa isa't isa at wala kaming magagawa pero huwag naman sanang sobra ang paghaharutan na parang hindi na nakakarespeto sa ibang pasahero. Magsitigil nga kayo! #Walangforever
7. The DJ - Nakaheadset, naghiheadbang at kung sumabay sa pinapakinggang kanta ay napakalakas at feel na feel na akala nya walang ibang tao sa palagid. Dahil sa lakas ng pinapakinggan niyang music sa kanyang headset, hindi niya namamalayan na napapalakas na pala ang pagsabay nya sa kanta hanggang mabubulabog na ang buong jeep. Okay lang naman sana kung maganda ang boses pero kadalasan sa ganito ay sintunado at hindi kaaya-aya ang pagkanta. Ito yung pagnakatabi mo ay dinadasal mong sana ay lumagpas sa kanyang bababaan. Aminin niyo yan!
8. The Pamsimpleng nambabasa ng message sa cellphone ng iba - Pasimple lang ang galawan neto pero magaling magninja moves pagdating sa pakikipag-usyoso sa iyong tinatype habang busy ka magtext sa iyong cellphone. Alam nya ang usapan nyo ng iyong katext. Hindi halata pero nagbabasa sya ng palitan ng inyong mga mensahe. Kapag nagchicheck ka rin ng FB mo sa cp, alam na alam din niya ang trending sa wall mo. At, kapag nahuli mo siyang naninilip ng iyong message sa cellphone, pasimple rin siyang titingin sa iba na kunwari ay walang alam.
9. The Foot wrecker - Ito yung pasaherong nagmamadaling makapasok sa jeep at walang pakialam sa mga matatapakan niya lalong lalo na ang iyong paa. Mapapa-arrraaaayyy ka na lang kapag saktong mga daliri ng paa mo ang naapakan nya.
10. The Snatcher - Aba! Sino ba naman ang gustong makasama ang isang magnanakaw sa loob ng jeep? Mahirap ma-identify ang ganitong uri ng pasahero sa jeep dahil tahimik lang sila at hindi nagpapahalata. At kung ikaw ang katabi nito, malamang ikaw din ang gustong biktimahin. Malas mo! Sa huli mo na malalaman na ang minsan mong nakatabi sa jeep ng ilang sandali ay ang nagnakaw ng cellphone o di kaya ay wallet mo. Iba't iba ang modus ng mga ito kaya kailangan ng ekstrang alerto at pagmamasid kahit sino man ang inyong katabi.
O ano? May ganito ba kayong karanasan sa jeep o kaya may maidadagdag ba kayo sa mga uri nang pasaherong nakakairita at hindi nyo gustong makatabi? Share nyo at huwag kalimutang magcomment sa ibaba. :)