Caramoan is one of the most visited beaches in the Philippines due to its array of majestic natural wonders where you can get up close with the nature. Other than the beautiful islets here, Guinahoan Island is a hidden paradise yet to be discovered.
Isa sa pangunahing dinadayo sa Caramoan, Camarines Sur ay ang naggagandahang mga isla nito. Siguradong hindi mo palalagpasin ang island hopping kung ikaw ay mapaparito upang maabot at malibot ang mga sikat na isla tulad ng Lahuy, Pitogo, Minalahos, Matukad, Gota at marami pang iba.
Hindi papular sa karamihan ang gandang taglay ng isang isla dito na kung tawagin ay Guinahoan. May kalayuan ito sa Centro kaya madalang itong nabibisita ng mga turista. Ngunit kung kayo ay patungo ng Cotivas Island ay maiging bisitahin ninyo na rin ito dahil magkalapit lamang ito sa isa't isa.
How to get there:
Travel Guide on how to Go to Caramoan Group of Islands, Camarines Sur
Hindi aabot sa 20-30 minutos ang byahe dito lulan ng bangka. Iilang mga kabahayan lamang ang sasalubong sainyo dito at kadalasan ay yari lamang sa pawid. Simula dito ay may 45 minuto hanggang isang oras din ang gugugulin upang maakyat ang tuktok ng isla na kung saan ay makikita ang isang malahiganteng parola.

Ang puting parolang ito ang pangunahing binibisita sa Guinahoan Island. Isa itong modernong parola na siyang nagsusubaybay sa pagpasok ng mga sasakyang pangkaragatan na dumadaan dito. Ngunit maliban doon, ang buong isla ay may gandang hinahalintulad sa Batanes o kaya New Zealand.
Nakatirik ang araw at walang masisilungan dito kaya kung kayo ay gagawi rito ay magdala kayo ng panangga sa init ng araw. Walang punong makikita sa paligid kaya maging kami ay nahirapan maghanap ng maaaring pagpahingahan.
Related Article: 9 more things to do in Caramoan Islands other than island hopping

Hindi nga naman ganoon kadali ang pagtuntong dito. Ngunit hindi kami binigo ng gandang taglay nito. Napakasarap pagmasdan ng kapaligiran dahil napapalibutan ito ng mga nagluluntiang mga damo. Sa kalayuan ay matatanaw mo na ang parola, ngunit habang palapit na kami sa ito ay matatanaw mula sa itaas ang malawak at bughaw na Karagatang Pacifico na nakapalibot sa buong Caramoan at nagdudugtong sa mga isla nito.
Damang dama namin ang pagaspas ng preskong hangin at ang hampas ng mga alon na nagmimistulang bulak sa puti tuwing tatama ito sa mga isla.
Damang dama namin ang pagaspas ng preskong hangin at ang hampas ng mga alon na nagmimistulang bulak sa puti tuwing tatama ito sa mga isla.
Ito ang perpektong lugar para matanaw mo ang buong kagandahan ng mga kalatkalat na isla ng Caramoan. Maging sa nakapalibot na tabing-dagat ay mabibighani ka rin tulad Liwan Beach at ang mapuputing buhangin nito na makikita sa ibaba lamang ng isla. Naiiba rin ang Guinahoan Island dahil hindi tulad ng ibang isla sa dito na pawang yari sa limestones, ito ay binubuo lamang ng lupa kaya maraming halaman ang tumutubo rito. Sa katunayan, ang ilan sa mga naninirahan dito ay pagtatanim din ng gulay ang kinabubuhay.
Ilang grupo rin ng mga hayop tulad ng baka at kambing ang masisilayan. Kadalasan dito sila pinapastol dahil sa dami ng mga malulusog na damong tumutubo ay siguradong hindi sila mauubusan ng biyaya.
Hindi na kami tumagal pa dito. Isa lamang ito sa mga lugar na makikita tuwing kayo ay papatungo sa Caramoan. Hindi mo na kailangan magtungo ng ibang bansa upang makakita ng ganitong uri ng tanawin. Siguradong pasasalamatan ninyo ang Maylikha sa gandang taglay ng islang ito.
Ang ilang minutong pananatili ay sapat na upang tumbasan ang aming mga pagod at pawis na ginugol sa pagtungo dito. Ang sandaling pagkakataon na ibinigay saamin upang masilayan ang kagandahan ng ating kalikasan ay aming pinapasalamat at sana mapanatili ito para sa mga susunod na henerasyon na nais rin maglakbay.