Related Article: 10 Best ways you can do to travel cheaply at walang problema
Mula sa Maynila, bumyahe kami ng mahigit sa tatlo hanggang apat na oras upang makarating sa Barangay Calayo sa Nasugbu at dumiretso kami sa Sand Bar Resort. Mula naman dito, bumyahe kami lulan ng isang bangka patungo sa Fortune Island ng halos isang oras. Ang bilis ng byahe ay dumidepende sa lakas ng dagat, kung malakas ay aabutin ng isa't kalahating oras hanggang dalawa. Mabuti na lamang sa oras na iyon ay sumang-ayon saamin ang panahon at malumanay ang alon ng dagat.
Maskilala ang islang ito bilang "puting buhangin" na siyang tawag ng mga lokal dito. Isa itong dating luxury resort na pinupuntahan ng mga kilalang personalidad. Ngunit noong 2006 ay nagsara ito dahil nasira ng bagyo ang mga atraksyon at mga kagamitan dito. Muli itong binuksa noong 2013 at ngayon ay kilalang pinupuntahan ng publiko.
There are 9 things that you should consider before going to Fortune Island. Ito ay para magabayan kayo sa mga bagay na inyong dapat isaalang-alang sa islang ito. Masmabuti nang alam ninyo ang mga bagay na ito upang mapaghandaan ninyo ang inyong pananatili rito.
Misfortune No 1: No rooms, cottages, etc...
Isa sa maaring maging problema sa pagbisita dito ay ang kawalan ng pagtutuluyan, walang hotel o kwarto o cottage ang maaring pagtuluyan dito. Dahil tirik ang araw at matindi ang init ng panahon dito, kinakailangan mayroong pwedeng pagsilungan bilang protekta sa ating mga sarili. Sa ngayon, ang dating mga imprastraktura na nasira ng Bagyong Glenda ang nagsisilbing tuluyan ng mga bisita subalit hindi na maayos ang kondisyon nito at mapapansin na hindi malinis ang lugar na ito. Ilan sa mga haligi nito ang nasisira na at delikado na baka magdulot ng pinsala kung ikaw ay mananatili dito.
Isang malaking problema rin ang kawalan ng malinis na banyo at gumaganang mga kubeta. Wala ring gripong umaandar sa anumang palingkuran at problema rin ang mga baradong lababo. Mahirap ito lalo na sa mga oras na tinatawag ka ng kalikasan. Hindi madali ang magpigil ng nararamdaman lalong lalo na kapag puno na ang inyong imbakan.
Asahang walang bukal, gripo o ano mang maaaring pagkuhanan ng sariwang tubig sa isla. Maliban sa matinding uhaw, problema ito sa pagluluto ng pagkain. Walang tindahan dito o kaya restaurant upang mabibilhan ng pagkain o kaya tubig. Tanging ulan lamang na naipon sa dating swimming pool ang pinagkukunan ng preskong tubig.
Solution: Upang hindi maranasan ang problemang ito, mabuting magdala ng sapat na inuming tubig. Siguraduhing ito ay kasya para sa konsumo sa inumin at pagluluto. Kung nais naman maghugas ng mga pinagkainan o ibang bagay, maaring gumamit ng tubig-dagat para rito. Magdala rin ng sapat na pagkain, mga delata o mga pagkaing madadaling ihanda upang hindi na mamrublema sa pagluluto.
Unang una mong mapapansin sa isla ang mga nakakalat na kumpol kumpol na basura. Maliban sa kakulangan ng basurahan dito, napansin din namin ang nakakalat na mga basag na bote na nagbuhat ng saamin ng pag-aalala sa seguridad dahil maaari itong makaaksidente. Ilang plastik na basura rin ang makikita na maaring makapinsala ng karagatan at dahilan ng pagkalason ng mga buhay sa dagat.
Misfortune 5: No electricity is available.
Asahang walang kuryente sa islang ito. Sa gabi ay asahang mababalot sa dilim ang isla lalo na kapag hindi nagpakita ang buwan at mga tala. Wala ring pagsaksakan ng mga gadgets o pang-charge ng cellphone kung sakaling kailangan.
Misfortune No 6: The sand can hurt you.
Sa unang tingin ay kamanghamangha ang malawak na puting ngunit habang unti-onti mong nilalapat ang iyong mga paa sa buhangin ay tila mag-iiba ang iyong pananaw. Hindi tulad ng aming inaasahan, ang bungahin sa islang ito ay matutulis at masasakit sa paa. Ilang basag na bote, corals at mga bato rin ang makikita rito. Maging mapanuri sa bawat inaapakan upang maiwasan ang pagkasugat sa paa.
Misfortune No 7: Going there is quite expensive.
May kamahalan ang pagpunta sa Fortune Island. Maliban sa pamasahe sa bus at tricycle patungo sa Barangay Calayo, kinakailangan din ang karagdagang gastos para sa pamasahe sa bangka. Mula sa baybayin ng Nasugbu, nagkakahalaga ng 4000.00 - 5000.00 pesos ang bangka patungo sa Fortune Island. Kailangan din magbayad ng 400.00 ang bawat tao bilang entrance fee sa isla. Ito ay may kamahalan lalo na kung maliit na grupo kayong tutungo.
Misfortune No 8: You should worry about the dangers.
Paano kung may mangyaring masama? Iyan ang unang laging tinatanong ng mga nais pumunta rito. Sa totoo lamang, kinakailangan ng ekstrang paghahanda at paniniguro kung nais mong pumunta dito. Mula sa byahe sa dagat, maaaring magdulot ng panganib ang malalaking alon. Dahil malayo rin ang isla sa centro, walang malapit na lugar para pagkuhanan ng pangunahing lunas o kaya tulong kung sakaling may mga hindi kanais nais na pangyayari. Mahirap matugunan ang mga aksidente dahil sa kawalan ng pasilidad dito.
Misfortune No 9: There is nothing but dilapidated pillars.
Sa malayo pa lamang ay mapapalundag ka sa ganda ng mga posteng nakatayo sa mataas na bahagi ng isla ngunit noong ito ay nilapitan namin ay masusuring hindi na maayos ang bawat poste dito. Tila namamalat ang mga ito at unti onting nahuhulog ang ibang bahagi. Sira sira na rin ang mga nakapalibot na mga rebulto dito. Nakakatakot na baka bigla na lamang ito mabuwal sa kinakatayuan at maging dahilan ng aksidente sa turista. Sa totoo, nangangailangan na ito ng renobasyon o pagsasaayos upang hindi na lumala pa ang mga pinsala.
Ilan lamang iyan sa mga dapat isaalang-alang kung kayo ay nagbabalak pumunta sa Fortune Island. Ika nga, "Don't expect too much," para hindi rin kayo madismaya. Anu pa man, you can totally enjoy everything here as long as you know how to handle these kinds of situation. Ito ay ibinabahagi namin para maging handa kayo sa pagpunta ninyo rito.