Kapag ang tinanong mo ang isang Pinoy kung saan kakain, ang isasagot niya ay "Kahit saan." Pahirapan magdesisyon lalo na kung biglaan lang kayong nagutom at walang specific na restaurant o kaya pagkain ang nasa isip.
Naranasan ninyo na ba ang ilang minutong nakatayo sa counter ng isang fast food chain dahil hindi makapagdecide kung ano ang oorderin? Madalas ito mangyari sa mga restaurant na kakaiba ang pangalan ng pagkain at first-timer siya rito o kaya sadyang ganun lang talaga siya. Ilang minuto muna ang gugugulin kakatingin sa menu ngunit kapag nagtanong na kung ano ang kukunin ninyong pagkain ay may sasagot ng "kahit ano! ikaw na bahala!"
Kung minsan, ang mga sagot na ito ay hindi nakakatulong at minsan ay lalong nakakapagtagal sa pagdedesisyon. Ilan sa mga karaniwang sagot ng isang Pinoy kapag tinanong mo ito ng "Anong gusto mong kainin?" ay ang mga sumusunod:
"Anong gusto mong kainin?"
1. Kahit ano. - Ito ang kadalasang sagot kapag tinanong mo ang isang Pinoy kung anong nais niyang kainin. Kaya mo nga tinanong para malamang ang gusto niya pero wala ka namang nakuhang makabuluhang sagot. Minsan naman kasi nakakapressure magdecide lalo na kung para sa buong grupo ang pipiliin ninyong pagkain. O baka naman, hindi alam ng tinanong mo ang mga pagkain sa restaurant kaya sasabihin niya na lang na "Kahit ano!" Ang problema ay walang "Kahit ano!" sa menu. Hindi naman pwedeng magturo ka lang ng kahit anong pagkain at baka sa huli ay magsisi.
Related Article: 5 Best-tasting meals for P99.00 or less at Chubs Steak at Manok
"Anong gusto mong kainin?"
2. Ikaw na bahala. - Dahil hindi siya makapagdesisyon, sayo na ang responsibilidad na pumili ng kakainin. Nasa sayo na ang powers upang maghanap ng pinakamasarap na pagkain sa listahan. Ngunit kapag hindi niya nagustuhan ang pinili mo, magrireklamo siya dahil hindi niya gusto ang lasa o kaya may masgusto siya tikman. Dito mo na maririnig ang, "Dapat kasi yung ano na lang inorder natin." Facepalm.
"Anong gusto mong kainin?"
3. Kung ano gusto mo, yun na rin akin. - Kadalasan, iisang uri na lang ng pagkain ang nau-order ninyo. Hindi na kayo nakakapag-explore ng iba't ibang pagkain dahil kung ano ang inorder mo, yun na rin ang oorderin niya. Nagmumukhang feeding program ang foodtrip niyo dahil pare-pareho pagkain ninyo.

4. Ano ba sayo? - Tinanong mo siya tapos sasagutin ka rin ng isa pang tanong. Kaya minsan ang sagot mo rin ay, "Ikaw ba?". Tapos sasagutin ka ng, "Sige. Ikaw muna". Kailangan muna ng taong itong malaman ang order ng isa bago makapagdesisyon. Sarap kutusan sa ulo! Ayaw siguro ng magkakaparehong pagkain kaya tinatanong niya muna ang iba o kaya naman para malaman niya kung ano ang pinakamasarap sa pamamagitan ng magsisurvey sa mga kasama.
"Anong gusto mong kainin?"
5. :) ... (Ngiti lang ang sagot o dedma) - Baka nahihiya lang, undecided o kaya pipi o mabaho hininga. Try mo magsign language baka sumagot sayo. O kaya hayaan mong magutom siya hanggang mamilipit sa sakit ng tiyan at tingnan kung makaka-ngiti pa. Minsan, hindi mo alam kung ano ang ipinapahiwatig ng ngiti nya, kung gusto niya ba kumain, nahihiya, nang-aasar o nagpapa-sweet lang. Kaysa sa ngumiti lang, bakit di na lang diretsuhin ka ng sagot di ba?
"Anong gusto mong kainin?"
6. Basta! - Kailangan manghula? Ayaw magshare? Bawal gayahan? Secret lang talaga?
"Anong gusto mong kainin?"
7. Yan na lang. - Sabay turo lang ng kahit ano. Ayaw niya na mag-isip o pahirapan ang sarili sa kung ano kakainin kaya kung anong unang makita, yun na lang pipiliin. Walang kahirap hirap sa pagdesisyon at hindi na umuusisa. Baka gutom na gutom lang at nagmamadali. Sabagay, aksaya nga naman ng oras ang paghanap ng pagkain sa menu at pahirapan sa hindi marunong magbasa ng order. At sa huli sasabihin niya, "Ay. Hindi masarap no?"
"Anong gusto mong kainin?"
8. Kung anong masarap dyan. - Duh! Syempre naman ayaw natin kumain ng hindi masarap di ba? Eh pano kung lahat yan masarap? Lahat oorderin? At baka kung anong masarap sayo ay hindi masarap sa kanya. Iuwi mo na lang kaya buong retaurant at baka makapagdecide ka kinabukasan kung ano ang masarap!