Gawing maskumpleto ang pamamasyal sa Dagupan at Calasiao sa pamamagitan ng nakakabusog na foodtrip. Habang naglalakbay, samahan ito ng pagtikim sa iba't ibang pagkain na matatagpuan dito. Hindi mo na rin kailangang tumungo pa sa mga restaurants at gumastos ng mahal dahil sa mismong daan ay maari mo na silang makita. Ang mga sumusunod na pagkain ang talaga namang kukumpleto sa inyong pamamasyal sa Pangasinan:
1. Kaleskes
Ang kaleskes ay isang pagkain Pangasinense na nangangahulugan ng "bituka" na siyang pangunahing sangkap nito. Ang sabaw na putaheng ito ay sinamahan pa ng iba't ibang lamang-loob ng baka tulad ng pale, goto at bato. Maikukumpara ang lasa nito sa hindi mapait na bersyon ng pagkaing "papaitan" ngunit masmayaman ang sabaw nito dahil hinaluan ito ng dugo.
Makikita ang mga nakahelerang kainan o kung tawagin nila ay "Kaleskesan" sa mga kalsada sa Calasiao ngunit ilan sa mga tinutungo ay matatagpuan sa Galvan Street sa Dagupan City. Nagkakahalagang 45-50 pesos ang bawat mangko nito na maaring samahan ng kanin.
Ang Pigar-pigar ay isa sa sikat na pagkain sa Galvan Street sa Dagupan City. Ito ay karneng baka na hiniwa-hiwa sa maliliit na piraso at pinirito na may kasamang gulay. Ang Pigar-pigar ay salitang Pangasinense na nangangahulugan ng "binalibaliktad" dahil sa pamamaraan ng pagluluto nito. Kadalasan na ginagawang ulam ito ngunit mastaniyag ito bilang perpektong pulutan kasama ang beer.
Kinikilo ang bentahan ng pagkain na ito. Mula sa 80-100 pesos ang presyo ng 1/4 kilo nito na pwedeng haluan ng gulay tulad ng cabbage o cauliflower at sibuyas. Iba't ibang bersyon pa rin ang maaring matikman na dumidepende sa restaurant na nagluluto nito.
At syempre hindi maalis sa listahan ang malinamnam na Bangus Dagupan. Iba't ibang uri ng pagluto ang matitikman ngunit sa Rudy-Jing Eatery sa kahabaan ng Nansangaan Road sa Binmaley (kung kayo ay magagawi) ay maskilala ang inihaw na bangus dahil maliban sa presko ito ay talaga namang malinamnam ito. At maliban sa bangus, ang inihaw na hito ang pinipilahan ng marami. Maslalo itong pinasarap dahil sa sawsawang bagoong na nilagyan ng kalamansi at sili. Umaabot ng mula 150-180 ang bawat isang piraso ng hito at bangus depende sa laki nito.
Tuwing Abril ay idinaraos sa Dagupan ang Bangus Festival kung saan masasaksihan ang iba't ibang putahe na ibinibida ang isdang bangus.
Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa putong ito dahil basta bayan ng Calasiao ang pag-uusapan, ito ang unang sasagi sa iyong isipan. Ang Puto Calasiao ay pagkaing mula sa giniling na bigas at binuburo ng ilang araw bago ito lutuin at maging isang masarap na puto. Ang maliliit na bilog na pagkaing ito ay may iba't ibang flavors tulad ng cheese, ube, pandan at maging strawberry.
Kadalasang kinikilo ito kapagbinibenta at nagkakahalaga ng mula 80-100 per kilo at atatatagpuan ang nagkukumpulang tindahan nito sa Pamilihang Bayan ng Calasiao. Kung pasalubong ang hanap, siguradong swak na swak ito.
Maliban sa Puto Calasiao, ilan pa sa mga kakanin at lokal na pagkain ang inyong dapat matikman sa Pangasinan ay matatagpuan sa pamilihang bayan o palengke rito. Isa sa sikat na kakanin dito ay ang "Inkaldit/Patupat" o isang uri ng minatamis na lagkitan na niluto sa gata at binalot sa dahon ng niyog na nilala. Maihahambing ang lasa nito sa biko at ang kanyang itsura sa 'puso' sa Bisaya.
Sa iba pang bahagi rin ng Pangasinan ay kilala ang tupeg, bitso-bitso, binungey at marami pang iba. Ito rin ay perpektong ideya na regalo o pasalubong para sa mga kaibigan.
At syempre, papahuli ba ang Pangasinan pagdating sa mga pagkaing-dagat? Maarami ang mga kilalang restaurant sa Dagupan dahil sa sari-saring seafood na inaahin dito. Isa dito ang Matutina's Seafood's House and Restaurant. Ngunit kung kulang ang budget o kaya nagtitipid, dumayo lamang sa Tondaligan Beach sa Bonuan dahil marami rito ang mga naglalako ng iba't ibang uri ng seafood sa sobrang babang presyo. Mula sa 100-200 ay maari ka na makabili ng ilang plato ng hipon at alimango na nilalako ng mga mangingisda rito.
Mula sa Manila, (Pasay o Cubao), maaaring sumakay ng bus tulad ng Dagupan Bus, Five Star at Victory Liner patunong Dagupan City. Umaabot mula tatlo hanggang apat na oras ang byahe. Mula sa Dagupan, maaring marating ang iba't ibang bayan tulad sa pamamagitan ng mga bus o jeep.