Naranasan nyo na ba ito? Yung plano nang plano ng gala pero sa bandang huli hindi natutuloy? Halos ilang buwan ang ginugol sa pagpaplano pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad. Kumusta na nga ba ang DRAWING nyo, may kulay na ba?
Siguradong nabiktima ka na ng hindi matupadtupad na plinanong gala ng inyong barkada. May mag-aaya ng outing, magpaplano at isiset ang date. Excited ang lahat. Pero pagdating ng araw, walang magpaparamdam, kanya kanyang dahilan at as usual, hindi matutuloy. Bokya! Hanggang sa mag-aaya ulit at ganoon din ang kalalabasan, drawing pa rin.
Related Article: 9 Reasons why traveling with barkada is not complete without a "tanga"
Kung ganito ang kalagayan ng inyong barkada, ilan sa mga dapat isaalang-alang upang bakasakali ay mai-Push na yang laging nauudlot na gala ay ang mga sumusunod:
1. Huwag magbalak kapag may alak
Sa barkada, huwag na huwag mag-aaya ng outing habang tumatagay. Boka lang yan! Usapang lasing kumbaga! Kapag nahimasmasan kinabukasan, limot na ang mga pinag-usapan. Kapag lasing, ang daming gustong trip at kung magkwento, EXAAAGGGGG at O.A.!! Akala nyonaman totoo kaya naniwala naman kayo. Kapag tinanong tungkol sa plano, ang isasagot sayo ay "Sinabi ko ba yun pre? Di ko matandaan." Hanggang baso na lang talaga ang plano nyo guys.
2. Tandaan na masmadalas matuloy ang lakad na biglaan
Sa barkada, walang matinong usapan kung hindi biglaan. Kaya kung mag-aaya ka ng outing ay dapat biglaan din. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mga samu't saring dahilan tulad ng "hindi pinayagan ni Mama, hindi ako sasama kapag hindi kasama si, o kaya masama ang pakiramdam ko" at minsan sa tagal ng date na plinano ay nagkakatamaran na ang iba. Masmabuti pa na magtext ka na may gala kapag nasa kanto ka na at madalas ay masmasaya ang mga unexpected na gala. Yung tipong nagkaayayaan bigla sa Tagaytay para magkape lang o kaya biglang nasa bus na kayo papunta ng Baguio dahil wala lang kayong magawa ng mga oras na yun.

3. Maging allergic sa mga pabebe, talkshit at indian
Shout out sa mga pabebe, maboboka at tokis sa barkada! (Insert Name/s), kayo ang numero unong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay drawing pa rin ang outing ng barkada. Sinabi niyo na sasama kayo pero hindi na kayo nagparamdam at nagpakita. Mga nagmamabida at ang lalakas ninyo magsuggest ng kung anu-ano nung nagmeeting pero kayo rin pala ang hindi sisipot sa outing. Kingina nyo po! Puro kayo paasa! Kaya dapat piliin ang kasama ng mabuti at alamin ang availability ng lahat. Kung hindi naman makakasama, sabihin kaagad ang desisyon para di na makaagrabyado sa plano o o di kaya kaagad magawan ng paraan ang problema. Please lang naman.
4. Walang basagan ng trip
Tama na sa pagiging Negatron at KJ. Matutong makisama. Kung baliw ang mga kasama, magpakabaliw ka rin. Kung trip ng karamihan ang umakyat at magcamping sa Mount Pulag, huwag kang kontra-bida at puro arte na kesyo ganito at kesyo ganyan. Isipin na bihira lang matuloy ang lakad para mambasag pa ng trip ng barkada. Isipin din yung tropa na halos magbuwis ng buong buhay sa pag-u-organize para lang mai-Push ang lakad nyo. Huwag madaming eksena at puro pang didiscourage dahil nakakawalang gana yan sa ibang kasamahan. Dedma sa Nega para matuloy naman kayo, kahit isang beses lang oh.
5. Isaalang-alang ang budget
Pati pamasahe wala? Eh di wow! Kung bente lang ang pera mo, mag Cornetto ka na lang. Mahirap kasi isakatuparan ang mga lakad kung walang budget kaya dapat i-assess muna kung ano ang kaya ng bulsa. Kapag kapos ang pera, ang planong Boracay ay nauuwi sa Puerto Galera. Ang masmalala pa nga, dahil wala pa ring mga budget kaya mapupunta na lang ito sa inuman sa bahay nina (Insert Name ng tropang laging nagpapainom). Suriin ang budget, kung kulang ay matutong mag-ipon o matutuong mag-abang ng Piso Fare.
6. Discuss expectations at huwag masyadong sensitive
Sino sainyo ang oo ng oo sa mga plano pero pagkatapos magusap-usap ay napakarami palang reklamo at kapag hindi nasunod ay magtatampo? Hanggang pagsisimulan na ng isyu, hindi pagkagkakasundo at sa huli ay pagkakansela ng lakad. Huwag matakot magsalita at magsabi ng opinyon at maging bukas para alam ng lahat ang gusto ng isa't isa. Kapag hindi nasunod ang gusto ay huwag magtatampo, alamin kung ano ang masnakakabuti sa grupo. Lahat napag-uusapan. Wag ka tampururot kasi lagot ka, hindi ka na nila isasama sa susunod.
7. Dapat laging isama ang pinakabaliw sa barkada
At kung muli na namang naudlot ang plano ay laging may isang kaibigan ang magpapaalala sainyo na hindi pa tapos ang laban ninyo. Ang pinakabaliw sa barkada ang laging nakakaisip ng mga solusyon o di kaya ng plan B. Kapag hindi natuloy ang Starbucks ay magtitimpla siya ng Nescafe 3-in-1 o Milo para sainyo. Kapag hindi natuloy ang Boracay ay maglalabas siya ng batya para doon kayo magsiswimming. Kahit paulit ulit pang maudlot ang mga plano ninyo, hindi kayo mawawalan ng masasayang trip at ng pag-asa na ipagpatuloy ang mga plano. Sa huli, lahat kayo ay masaya at hinding hindi kayo magsasawang ipagpatuloy ang lakad gaano man ito kasimple o ka-engrande basta makasama lamang ang buong barkada.... at iyon ang importante.
Have you ever planned a trip with friends? Share your advice in the comments below.