The grilling is back! Formerly known as Chubs Steak at Manok, this restaurant is setting everything to the next level and returns under it's new name 'Chubs Chasers'- with new look and menu. Foodies are in for a treat as they are back with bigger, better and more selection of delicious culinary delights!
The long wait is over as Chubs Chasers re-opened their place as they give more flavors to the foodies. Kaugnay dito, maswerte ang Tripapips na isa kami sa naimbitahang makisalo upang matikman ang mga bagong putaheng kanilang ihahain sa publiko.
Simulan natin ang lahat sa bagong anyo ng lugar. Agaw pansin sa labas ang mailaw at makulay na pangalan ng restaurant kaya hindi na ito ganoon kahirap hanapin tulad ng dati. Sa aming pagpasok ay kapansin-pansin din na maraming pagbabago ang naganap sa mga disenyo, mula sa dingding, kisame, palamuti, mga mesa at upuan. Maskumportable ito ngayon at mascreative. Maaliwas ang paligid, malinis at halatang bago pa ito.

Ilang makukulay na plato ang tila nag-hihintay kung saan kami pupwesto. Nakapatong ang bawat plato sa isang pirasong papel, sa isang pahina ng directory na nagsisilbing placemat. Ilang inspirational quotes din ang mababasa sa mesa na talaga namang mapapangiti ka habang binabasa ito, pampa-good vibes kung baga. At habang nag-iisip kami ng aming makakain ay lumapit agad ang isang waiter para alukin kami ng maiinom. Binigyan kami ng tubig na nakalagay sa mga mason jars at iba pang klase ng bote. Mas-creative at mala-DIY ang datingan ng bagong anyo ng restaurant na ito.
At sa pagsilip namin sa kanilang menu, maliban sa steak, porkchop at grilled chicken na dating specialties noon ay marami ang nadagdag na putahe tulad ng Sizzling Bulalo, Crispy Bicol Express, Baked Salmon, Creamy Chicken Gratin, Popped Bangus at Wild Cajun Shrimp. Katakam-takam nga naman ang mga bagong pagkain na ito. Sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo, asahang tumaas ang presyo ng ilan sa mga pagkain. Ito raw ay dahil sa gusto nilang gawing masmarami at restaurant quality ang bawat pagkaing kanilang ihahain.
Related Article: 5 Best-tasting meals for P99.00 or less at Chubs Steak at Manok
Saktong sakto ang aming pagdating para sa merienda kaya pinangunahan na namin ang aming foodtrip ng Kani Pasta (169.00 pesos), isang pasta meal na sa tingin namin ay hinango sa Kani Salad na hinaluan ng pasta. Sa simula, inisip namin na medyo weird pagsamahin ang fresh na gulay at prutas sa pasta pero nang tikman namin ito, it actually went well. Naging okay itong panimula dahil fresh sa panlasa na parang appetizer dahil sa kani, pipino at mangga. Pero kung nais ninyo talagang umorder ng salads meron silang Ceasar Salad o di kaya Mango Salad with Mayo Carrot Dressing na parehong nagkakahalaga ng 129.00 pesos . Mayroon ding Nachos for 246.00 pesos para sa appetizer.

Maliban din sa Kani Pasta, pwede niyo rin subukan ang kanilang Lasagna na nagkakahalaga ng 149.00 pesos at ang signature dish nila na Pesto Malunggay for 129.00 pesos.
Para patunayan ang the bigger and better version ng kanilang steak, umorder kami ng Sexy T-bone Steak. For 199.00 pesos, the steak is served with string beans, roasted tomato, divine gravy at pwede ka mamili kung sasamahan mo ito ng kanin o kaya mashed potato. The chubby version costs 399.00 pesos which has a lot more serving. Kumpara sa dati, masmalinamnam ang steak ngayon, mas-juicy at mas level-up maging sa presentation. Nanatili rin ang kanilang divine gravy na nagpapaangat sa lasa ng karne.

We also tried the Sexy Baby Back Ribs. It was really a big piece of meat on our plate. It costs 249.00 pesos and 459.00 for the chubby version. Tulad ng steak ay maaari ka ring mamili kung sasamahan mo ito ng rice o kaya mashed potato. The meat was so tender, madaling i-slice at naghihiwalay agad yung karne sa buto at yung flavor ay napaka-homey.
While enjoying our food, nakita namin sa kabilang table na may siniserve na umuusok. Tinanong namin yung isa sa mga waiters kung ano 'yun dahil nakakatakam yung itsura at amoy at sinabi na yun daw yung Sizzling Bulalo. Isa ito sa mga main courses, a bulalo cut with utak topped with mashed potato and special gravy, string beans and carrot at nagkakahalaga ito ng 289.00 pesos.
But after all the tastings, the big winner was the Chicken Pandan (chicken fillet with pandan leaves). It was a good dish, very tasty, very tender and complimented well with the Sinamak dip. Nagkakahalaga rin ito ng 189.00 pesos. Wala itong kasamang rice kaya kailangan pa umorder ng extra rice para dito. Wala itong kasamang rice kaya kailangan pa umorder ng extra rice para dito na nagkakahlaga ng 20.00 pesos. Ang extra na side dishes rin ay nagkakahala ng 30.00 pesos para sa Mashed Potato at Corn and Carrots at 50.00 pesos naman para sa Pomme Frites.
And of course, no dish would be complete without a refreshing drink to wash it all down with. Sa panulak, masyado kaming na-curious sa Cucumber Malunggay Smoothies (109.00 pesos) kaya isa ito sa sinubukan namin. Sa una, akala namin kakaiba ang lasa at baka may after taste ng malunggay, pero nagkamali kami doon. Super refreshing at actually, siya ang naging favorite namin. Sinubukan din namin ang Ripe Mango Shake (109.00 pesos) at Choco-banana (139.00 pesos), both were delicious.
For the dessert, the "Basta" Dessert for 69.00 pesos was perfect. Jampacked in a small jar are chocolate mousse, cookies, nuts, Oreo, mallows and strawberry compote. Noong tinikman namin ito ay parang naglalaro sa bibig yung iba't ibang flavors, parang Christmas ang lasa. Hahaha. And the good thing was, hindi nasobrahan ang tamis.
At ang pinakahuli naming tinikman ay ang Chocnut Smores. Sa halagang 139.00 pesos ay kasya na ito 3-4 na tao dahil may kalakihan ito. Malalasap mo ang lasa ng Choc-nut at may kasama itong graham at marshmallows sa ibabaw. Dahil kakagaling lang nito sa oven, mag-ingat dahil mainit ang lagayan nito.

Sa pangkalahatan, naenjoy namin ang mga bagong pagkain, serbisyo at ang lugar mismo. At ayon sa Chubs Chasers, masmarami pang masasarap na pagkain ang dapat nating abangan.
Sa muling pagbubukas ng nila, maari silang bisitahin sa 86 Visayas Ave. 1128 Quezon City at bukas sila buong linggo (Monday - Sunday) sa mga oras na 10:00 am hanggang 10:00pm.
Chubs Steak at Manok
86 Visayas Ave.
1128 Quezon City, Philippines
Phone: (02) 794 1871
Facebook: https://www.facebook.com/chubschasers

Disclosure: Chubs Chasers invited Tripapips.com to try their new selection of food as part of the re-opening of the resto. No compensation was received for this post. Opinions expressed here are our own. Thank you!