TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Barkada getaway: how fortune brought us to the island

6/10/2015

0 Comments

 
Picture
Last month, we posted about the 9 Misfortunes you need to consider before going to Fortune Island. Ito ay para magbigay kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat isaalang-alang sa mga nagbabalak na tumungo dito. 

Ngunit maliban dito, hangad din namin ang maipabatid sainyo kung gaano kasaya ang aming naranasan sa aming pananatili sa islang ito.

8:00 ng umaga. Lulan ng pampasaherong bus mula Maynila ay bumyahe kami ng higit sa tatlong oras patungo sa Nasugbu, Batangas. Bumaba kami malapit sa Jollibee Nasugbu at mula doon ay muli kaming naglakbay patungo sa Barangay Calayo at dumiretso kami sa Sand Bar Resort. Mahigit 30 minuto rin kaming nakasakay sa tricycle habang pursigido itong umaandar dahil mataas ang lugar na aming paruroonan. Halos 1:00 ng hapon nang makarating kami sa resort. 
Picture
Nagkakasiyahan na ang barkada ng kami ay dumating, may amats na ang iba. Maaga pa lamang kasi ay dumating na sila sa resort. Habang hinihintay nila ay napag-uusapan nilang baguhin ang plano. Imbes na manatili sa resort ay biglang nagkaayaan sa Fortune Island. Bigla kaming napalundag sa excitement! Sa Facebook lang kasi namin ito nakikita pero ngayon ay mararating na namin. Wala kaming ideya sa oras na iyon kung nasaang bahagi nga ba ito matatagpuan. Kaagad kinausap ng isa naming kaibigan ang may-ari nang resort at masaya nila kaming inasikaso at inalalayan upang maisakatuparan ang aming mga plano. Inihanda namin kaagad ang mga pagkain, kagamitan at iba pa upang dumiretso sa isla. 

Related ARticle: Beyond Caramoan: the hidden beauty of Guinahoan Island

Lumayag kami kaagad gamit ang isang bangka na aming nirenta patungo sa "puting buhangin." Ito ang tawag ng mga lokal sa isla. Halos isang oras kaming nasa gitna ng dagat bago namin tuluyang masulyapan ang isla. Mabilis daw ang aming byahe ayun sa bangkero dahil sa malumanay ang alon ng dagat. Alas tres ng makarating kami rito.

Ngunit malayo-layo pa lamang ay batid na namin na ang isang islang aming natatanaw ay ang Fortune Island. Malawak na puting baybayin ang unti-onting sumasalubong saamin. Sa kaliwang bahagi rin ng isla ay makikita ang mga posteng tila nakaabang din sa aming pagdating. Ngunit bago pa matuon ang aming atensyon dito ay napansin din namin ang mga sira-sira at lumang mga imprastrakturang may katamtaman sali laki ngunit meron din tila mansyon. Ito raw ang dating mga kwarto o villas ng resort.

Bakas pa rin hanggang sa ngayon kung gaano kagara ang dating resort na ito. Bago pa kasi ito maging taniyag sa ngayon ay isa itong luxury resort na sikat na pinupuntahan ng mga kilalang personalidad noon. Ngunit noong 2006 ay nagsara ito dahil nasira ng bagyo ang halos buong isla. Muli itong binuksan noong 2013 at ngayon ay kilalang pinupuntahan ng publiko. Ilan sa mga dating imprastraktura ang matatanaw dito sa ngayon ngunit halos hindi na magamit dahil sa hindi magandang kondisyon.
Picture
Sa aming pagdaong ay sinalubong kami ng isang lalaking nagpakilalang tagapangalaga ng isla. Ibinaba namin ang aming mga gamit at namahinga kami ng sandali. Ang iba saamin ay nag-ayos ng kagamitan at ang iba naman ay kaagad nang naglibot para masilayan ang ibang bahagi ng isla. Sa oras ng aming pagdating ay napakainit at tirik ang araw na halos masunog ang aming mga balat. Walang ibang masilungan kundi ang isang lumang dating cottage kaya minarapat na naming ayusin ang aming dalang tent. 
Picture
Ang dalawang tent at ang malawak na baybayin ang nagsilbing aming tahanan sa loob ng dalawang araw at isang gabi. Dito kami namamahinga at natutulog. Sa lumang cottage naman nakasilid ang aming mga pagkain at ang iba pang mga kagamitan. Sa mga oras na iyon, halos pagmamay-ari namin ang buong isla dahil walang ibang tao kung hindi ay kami lang. Tanging ang pagaspas ng hangin at ang hampas ng mga alon lamang ang iyong maririnig. Malaya kaming nakakapagsigaw at nakakapagtawanan ng malaka.
Picture
Picture
Hindi ganoon kapino ang mga buhangin dito, may matutulis na batong nakabilang at meron din sadyang masasakit lang talaga sa paa. Mabuti na lamang sa bahaging aming pinagtayuan ng tent ay medyo kumportable at hindi mahapdi sa balat. Pinili na naming mamalagi dito at dito na rin kami nagsasalo-salo at nagkakaroon ng kasiyahan at nag-aawitan. Minsan ay lumayo rin kami upang akyatin ang mga lumang poste na siyang atraksyon sa isla. 
Picture
Excited ang lahat papaakyat sa taas ng bulubundukin. Ano nga ba ang meron dito? Isang magandang tanawin ang bumulaga saamin ng marating namin ito. Halos hindi kami magkaugaga at hindi matigil sa pagkukuhanan ng litrato at selfie. Kumbaga, sa bawat anggulo kasi dito ay matatawag mong "picture perfect." Sa kabilang bahagi naman ay matatanaw ang malawak na asul na karagatang nakapalibot sa isla.
Picture
Picture
Pagmasdan. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa gandang taglay nito? 
Picture
Picture
At bilang karagdagan, sa masmataas na bahagi ring ito ay ang perpektong lugar upang matanaw mo ang kahabaan ng maputing baybayin ng isla. Ilan din sa natuklasan namin sa aming paglilibot ay ang isang lugar kung saan ay maari kang mag-cliff jumping. Syempre, hindi rin papahuli ang ganda ng mga lumang estatwa o mga rebulto na nakatayo sa bawat gilid ng lugar.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Masayang masaya ang lahat ng barkada. Pare-pareho kami ng pananaw sa kakaibang gandang taglay ng isla. Parang nag-time machine nga daw kami sa mga sandaling iyon. Oh! Sigurado, ganito rin ang mararamdaman nyo kapag pumunta kayo rito. :)
Picture
Picture
Picture
Ngunit sa kabila ng kagandahang taglay ng isla ay kapansin-pansin din ang unti-onting pagkasira nito. Napansin namin na ang ibang bahagi ng "pillars" at ang mga estatwa ay pira-pirasong nahuhulog. Kailangan natin ng pag-iingat sa mga ito gayun din sa mga maaaring makaaksidente. Ilan ding mga basura at mga basag na bote ang nagkalat dito. Marahil isa itong produkto ng iresponsableng paggamit ng isla na dapat gawan ng paraan sa maslalong madaling panahon at upang maging ang ibang tao ay magkaroon ng pagkakataon na masilayan ang ganda ng islang ito. 
Picture
Picture
Hanggang magpaalam na ang liwanag saamin, hindi pa rin natatapos ang kasiyahang nararamdaman namin. Ipinagpatuloy namin ito sa gabay ng ningning ng buwan at ng mga bituing nakapalibot saamin. Oras na para magpa-apoy, kalabitin ang gitara at buksan ang empi.

At sa aming pagbangon kinabukasan ay isang masayang alaala ang unang dadapo saaming isipan. Mula rito at kung saan man kami paparoon. 
Picture
Picture
How to get there:

Sumakay sa mga pampasaherong bus na bumabyahe patungo sa Nasugbu, Batangas tulad ng DLTB o kaya JAM Transit. Ang terminal nito ay matatagpuan sa Gil Puyat Station LRT1, Taft Avenue, Pasay City. Mayroon ding mga bus sa Cubao tulad ng San Agustin Bus Line. Umaabot sa 3-4 oras ang estimated time of travel. Ang pamasahe ay nagkakahalaga ng 200.00 - 230.00 pesos.

Pagkarating naman sa Jollibee Nasugbu branch, sumakay ng tricycle patungo sa Fortune Island Resort PADI Dive Center upang magbayad ng landing's fee na nagkakahalaga ng 400.00 pesos. Nagkakahalaga rin ng halos 250.00 pesos ang renta sa tricycle na magdadala sainyo rito. 

Boat rentals:
Day Tour - 3,500.00 to 4,000.00 pesos (10-12 pax) 
Overnight Tour -  5,000.00 pesos (10 - 12 pax)
Picture
0 Comments



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.