Related Article: Summer Getaway At Twin Rock Beach Resort, Catanduanes
|
Painit ng painit ang panahon. Ngunit, hinding hindi kami magpapatinag dito! Sinulit namin ang summer para libutin ang isla ng Catanduanes. Dito namin nakilala ang isang beach resort na tamang-tamang pasyalan ngauong tag-init. Ito ang Amenia Beach Resort sa Palawig sa bayan ng Virac. Ano pa ba ang hahanapin mo sa isang dagat kundi ang mapuputi at pinong buhangin nito, kasabay ang nagsasayawang mga puno na nagbibigay ng preskong simoy ng hangin. Siguradong wala nang sasarap pa upang lasapin ang buhay kapiling ang kapaligiran. Napakasarap din pakinggan ng pagaspas ng mga alon sa tabing dagat kasabay ang mga ibong nagliliparan sa asul na kalangitan. Related Article: Summer Getaway At Twin Rock Beach Resort, Catanduanes Hindi na namin kailangan pang gumastos ng mahal para masulit ang bakasyon. Dahil sa Amenia Beach Resort ay maari mo nang maranasan ang lahat sa halagang 10.00 pesos lang para sa entrance fee. At para masmakamura ay magbaon na kayo ng mga pagkain para sa grupo. Nagkakahalagang 200.00 - 300.00 pesos din ang cottages na kasya na para sa 10-15 na tao. Kung gusto nyong magpalipas ng gabi, may mga cottages din na may mga kwarto na nagkakahalagang 500.00 pesos. Kasabay ng paglasap sa ganda ng Amenia Beach Resort ay ang Red Horse na magbibigay ng konting init at kasiyahan. Hindi mawawala ang alak mga katripapips sa anumang okasyon di ba? Kaya uminom muna kami para itodo ang saya. At ang lalong nagpasaya sa aming paggala ay ang aming mga munting kaibigang nakilala. Ang mga chikiting na nagsasaya din sa kanilang pagligo. Kaya syempre, nagpapicture na rin kami sa kanila dahil nakakatuwa silang kasama. Sa sobrang pag-ienjoy namin, hindi na namin namalayan na palubog na pala ang araw. Ngunit sa pagtatapos ng araw na iyon ay hindi naman kami nalungkot dahil napakaganda ng sunset sa tabing dagat. nagmistulang ginto ang tubig at buhangin dahil sa sinag ng araw. Ang sarap sa pakiramdaman na minsan mo ring naranasan ang napakagandang paglubog ng araw. Isa itosa mga paglalakabay na tunay naming naenjoy. Isang trip kasama ang kalikasan at masasabi naming wala nang hihigit pa sa saya kapag kapiling mo ang kalikasan. Hindi naman naging ganun kakulit ang trip namin ngayon, pero sobrang naging masaya kami sa kakaibang karanasan na siguradong aming uulitin at babalikan.
15 Comments
6/17/2012 12:32:37 pm
Heavenly scene with that sunset. I've never been to Catanduanes but the photos you took speak of its innate beauty worthy of a visit.
Reply
6/17/2012 09:44:56 pm
great shots. kids make the pictures more exciting!
Reply
6/18/2012 01:25:50 am
Hahaha! Natawa naman ako sa isang photo niyo kasama yung hob't hubad na bata! :)) On a serious note, mas naiintriga na ako sa Virac.. mapuntahan nga soon! :)
Reply
6/18/2012 01:38:38 am
Mukhang napakaganda ng Catanduanes. Sana madalaw ko din.
Reply
6/18/2012 04:47:38 am
Maganda yong sinag ng araw at parang napakababa lang ang mga ulap. Kung titingnan lang sa larawan, animoy abot-kamay lamang sila.
Reply
6/18/2012 02:05:28 pm
parang painting lang mga pics! ganda! love your pics with the kids!
Reply
6/18/2012 03:10:36 pm
Mabuti narating niyo ang Catanduanes na maaliwalas ang panahon. Nagsimula na kasi ang tag-ulan.
Reply
6/20/2012 04:54:55 am
I missed hitting the beach all of a sudden while drinking cold beer. :D
Reply
6/21/2012 07:50:57 am
grabe!
Reply
6/24/2012 03:19:09 pm
wow...so inexpensive for this paradise! more of this kind please!
Reply
Leave a Reply. |
#TRIPAPIPS
|
KILALANIN ANG TRIPAPIPS
Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :) |
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS
If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form. You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook. |