Mula sa Virac, bago makakarating sa bayan ng Bagamanoc ay dadaan sa lima pang bayan ng Catanduanes. Malayu-layo ang aming lalakbayin kaya madaling araw pa lang ay naghanda na kami.
Related Article:Fall in love with Maribina Falls, Bato, Catanduanes
Habang naglalakbay ay matatanaw na ang luntiang kayamanan ng probinsya. Iba't ibang uri ng malalaking puno at mga halaman ang makikita sa paligid at matatanaw rin ang iba't ibang mga anyong tubig tulad ng dagat, ilog at talon. Madadaanan mo rin ang mga bahay ng mga taga-rito at makikita ang mga pang-araw araw nilang ginagawa.
Maaring marating ang bayan ng Bagamanoc gamit ang pampribadong sasakyan. Kadalasan, motorsiklo ang ginagamit ng karamihan dahil mayos ang daan patungo dito. Ngunit kung nais mong maglakbay gamit ang pampublikong sasakyan, maaari kang sumakay ng jeep na bumabyahe patungo sa bayan mismo. Nagmumula ang mga sasakyan na ito sa Virac.
Pero sa gitna ng aming byahe ay.......
Sa lokal na lenggwahe ng Bicol, ang "buto" ay nangangahulugan ng ari ng lalaki at ang "Kurakog" ay pangalan ng isang higanteng engkanto sa isang alamat sa bayan ng Bagamanoc. Ayon sa alamat, si Kurakog ay umibig sa isang mortal na babae at dahil sa hindi siya tao ay pinaghiwalay ang dalawa ng mga magulang ng babae. Dahil sa sobrang pagkabigo, nagpakamatay ang babae. Nalungkot ang higanteng engkanto at nang pumanaw ay nag-iwan ng isang alaala. Pinalutang nya sa dagat ang maselang bahagi ng kanyang katawan bilang tanda ng hinananakit at hinagpis ng engkanto sa mga tao. At dito nakuha ang pangalan ng lugar bilang Buto ni Kurakog.
Oha! At kahit sino naman ang makakakita dito ay wala ngang ibang iisipin kundi ang kakaibang hugis nito. At isa pa sa pinagtatakahan ng mga tao dito ay ilang beses na itong dinaanan ng bagyo ngunit hindi pa rin ito nagigiba. Sa tibay nito ay nagiging palaisipan ito sa bawat bumibisita dito. Tibay ha!