TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Fall in love with Maribina Falls, Bato, Catanduanes

10/24/2012

0 Comments

 
Picture
Tanyag ang bayan ng Bato, Catanduanes dahil dito matatagpuan ang makasaysayang Bato Church. Ngunit maliban dito, sa Bato nyo rin makikita ang mga  naggagandahang talon na ipinagmamalaki ng bayan. Malamig na tubig, preskong hangin at magandang tanawin ay ilan lamang sa mga katangiang taglay ng Maribina Falls, ang pinakasikat na talon sa Bato.

Ang Catanduanes ay puno ng mga eco-adventures at siguradong hindi ka mauubusan ng mga surpresang hatid ng mayamang kalikasan nito. Maliban sa naggagandahang mga aplaya sa isla ay may mga nakatago ring mga kayamanan sa loob ng kagubatan nito. Ilang naggagandahang talon ang maaari mong bisitahin kung ikaw ay nais pumunta sa Catanduanes. Isa sa pinakamadaling puntahan ay ang Maribina Falls.

Related Artcicle: Travel Guide: How to Go to Catanduanes

Ang pangalan ng Maribina Falls ay hango sa pangalan ng dalawang barangay na ipinagsama, ang Marinawa at ang Binanwahan na kung saan ito ang lokasyon na matatagpuan ang talon. 
Picture
Madali lang tunguhin ang Maribina Falls kaya naging paboritong pasyalan ito tuwing mainit ang panahon. Ngunit hindi lang ito ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ito ng mga tao kung hindi ang malinaw na tubig ng talon, preskong hangin dito at ang malinis na kapaligiran na matatanaw dito. 

How to get there: 
Maraming paraan para marating ang magandang lugar na ito. Tinungo namin ang lugar gamit ang isang motorsiklo. Hindi ito kalayuan sa bayan ng Virac kaya madali itong tunguhin. Mula sa bayan ng Virac, maaari ring sumakay ng jeep na bumabyahe papunta ng bayan ng Bato. Mula sa barangay Marinawa, kailangang lakarin ang isang maliit na daaan patungo sa talon. Maari ring mag-arkela ng tricycle para sa special trip. 
Picture
Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Bato ang namamahala sa kaayusan ng Maribina Falls. Upang makapasok sa talon ay nangungolekta ng Php20.00 sa matanda at Php10.00 sa bata para sa Entrance Fee.  Maaari ring umupa ng cottages sa halagang Php150.00. Kung isang malaking grupo naman kayo, maaari ding mag-arkila ng Pavilion sa halagang Php300.00. Kadalasang nagbabaon ang mga pagkain ang mga turista dito dahil walang matatagpuang restaurant dito kundi ang isang maliit na sari-sari store.

Ngunit hindi lang ito pasyalan ng mga tao kundi may importanteng ginagampanan ito sa mga mamamayan. Sa kabilang dako ng talon ay makikita ang nagtitipun-tipong grupo ng kababaehan. Ito ang pangunahing lugar na pinagdadaluhan ng mga naglalaba. Sa mga bata, nagmimistula itong swimming pool. Inaakyat nila ang mataas na bahagi ng malaking bato at sinasabayan ang paghulog ng tubig patungo sa ibaba. Makikita mo ang saya sa bawat ngiti ng mga batang naliligo rito.
Picture
Picture
Habang nagkakasiyahan ang grupo ng bata ay hindi namin mapigilang hindi makisali. Sinubukan rin naming lasapin ang saya na nararamdaman ng mga kabataang nagliliparan parang mga ibon at hindi kami binigo sa sayang aming nadama. Siguro isa rin ito sa pinaghanguan ng pangalang talon, dahil tulad ng daloy ng tubig, hindi mapigilan ng mga naliligo ditong buong pusong tumalon mula sa  kataas taasan ng bato sabay lalagapag sa malalim na bukalbukalan na siyang sumasalo.

At panandalian naming kinalimutan ang kaba at takot sa lalim ng berdeng tubig ng talon. Iba nga naman talaga ang karanasan kapag ang kalikasan na ang yumayakap saiyo. 
Picture
Picture
Ang Catanduanes ay isa sa naging paborito naming lugar para pasyalan. Maraming surpresa ang ibinigay saamin ng islang ito sa Bicol. Tulad ng aming karanasan sa Maribina Falls, iba pa rin ang adventure kapag kasama ang kalikasan. Sana mapangalagaan ang atin mga kalikasan para hindi lang kami ang makakaranas ng sayang ito kundi ang mga susunod pang henerasyon. 
Picture
0 Comments



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook. 

✕