Isa sa dapat puntahan sa Catanduanes ay ang kilalang tourist spot, ang Luyang Cave. Kilala ito dahil sa naggagandahang rock formations at sa malamig na simoy ng hangin sa loob nito. Sa kasalukuyan, matatagpuan ang isang groto sa loob nito na pinaniniwalaang misteryoso. Matatagpuan ito sa Barangay Lictin, San Andres, Catanduanes.
Hindi kami papaawat na hindi malibot ang magagandang tanawin sa isla ng Catanduanes. At isa ang Luyang Cave sa aming binisita dahil kasabay ng kagandahang taglay ng nito ay ang yaman ng kasaysayan na naganap dito noong ika-17 siglo. Ang kweba ng Luyang ay nagsilbing kublingan ng mga lokal na tao ng isla laban sa pag-atake ng mga pirata. Ngunit sa kasamaang palad, nasawi ang mga ito nang maglagay ang mga kalabang pirata ng mga pananim na sili at mga tuyong dahon nito sa entrada ng kweba dahilan ng pagka-suffocate at pagkamatay ng mga tao sa loob. Sa ngayon, isang munting groto ang makikita sa loob ng kweba. Naniniwala ang mga tao dito na ito ang magpapatahimik sa mga kaluluwa ng mga namatay na tao noon. Sa ngayon, ito rin ang dahilan kung bakit maraming tao ang dumadalaw sa mahiwagang kwebang ito.
Related Article: Travel Guide: How to Go to Catanduanes
Related Article: Travel Guide: How to Go to Catanduanes
How to get there:
Hindi mahirap hanapin ito dahil makikita ito agad kung ikaw ay magmumula sa piyer ng Calolbon patungo sa Virac. Maari kang sumakay ng jeep o bus na bumabyahe patungo sa Virac. Kung manggagaling ka naman sa Virac, ang mga bumabyaheng bus at jeep patungong Calolbon (San Andres) o kaya patungong Pandan ay maaari kang ihatid dito.
Sa labas ay ang matatanaw ang luntiang kabundukan at ang nagtataasang mga puno na nagsisilbing silungan ng parke ng Luyang Cave at sa mga taong napaparito. Isang mahabang hagdan pababa ang matatagpuan papasok na nagsisilbing gabay patungo sa bunganga ng kweba.

Habang pumapasok sa kweba ay mararamdaman mo ang pagbago ng simoy ng hangin. Unti-onti lumalamig at dumidilim habang papasok ng papasok sa kweba. Naramdaman naming ang konting takot at kilabot habang maririnig mo ang tunog ng nagliliparang paniki pero hindi ito naging dahilan para hindi namin i-enjoy ang kweba. Gusto pa naming pumasok sa loob ngunit wala kaming dalang gamit tulad ng flashlight para makita ang daaan. Sa bungad pa lamang ay makikita mo na ang naggagandahang rock formations. Kapag diniretso raw ang kweba at lalabas ka sa isang kagubatan ngunit madulas ang daanan patungo dito kaya minabuti na naming itigil ang pagpasok.
Kung knais nyong tuklasin ang loob ng kweba, huwag kalimutang magdala ng pagkaligtasang kagamitan para maiwasan ang aksidente. Asahang madilim sa loob kaya huwag kalimutan ang flashlights. Magsuot ng makakapal na damit na matatakpan ang buong katawan upang maiwasang makagat ng mga insekto o anong mang hayop na hindi nakikita.
Kung nais nyong bumisita lang, maari kayong magdala ng pagkain at doon magpalipas ng oras dahil matatagpuan doon ang mga mesa at upuan na sakto sa barkada at pamilya. Kadalasan ding bumibita dito ang mga deboto upang magdasal at bisitahin ang groto.

Maliban sa gandang taglay ng Luyang Cave, marami ang dumadalaw dito dahil sa sinasabing milagrosong lugar daw ito ayon sa mga taong nakatira malapit dito. Mahalaga ang lugar na ito sa mga taga-Catanduanes dahil nagsisilbi itong sambahan ng karamihan at sikat na sikat ito tuwing Mahal na Araw dahil isa ito sa mga binibista tuwing Visita Iglesia at nagiging pahingahan ng mga taong sumasama sa Alay Lakad.
Hindi maikakaila ang kagandanhang mayroon ang kweba ng Luyang. Aprub na aprub saamin ang trip na ito dahil isa ito sa unang kwebang nabisita naming mag-Tripapips. Bakit hindi nyo rin subukang bisitahin ang lugar na ito upang kayo mismo ang makaranas ng kakaibang trip sa Catanduanes.