TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Visiting the Sacred Batong Paloway, San Andres, Catanduanes

11/25/2012

18 Comments

 
Picture
Sa isang baryo sa San Andres, Catanduanes ay buhay na buhay ang kwento ng isang misteryosong bato na kung tawagin ay "Batong Paloway." Sa katunayan, kabilang na ito sa kasaysayan ng mga lokal na tao sa San Andres. Sa ngayon, isa ito sa mga sikat na simbahan at isang destinasyong dinadayo ng mga turista sa isla. 

Sa isang maliit na lugar sa isla ng Catanduanes, bantog ang kwento ng isang bato na may imahe ng Birheng Maria at habang kalaunan ay lumalaki ang batong ito at unti-onting lumilinaw ang nakaukit na imahe. Dahil dito, pinapaniwalaang ito ay makakabalaghan at sa katunayan, isa ito sa mga binibisitang simbahan ng mga Catandunganon.

Related Article: Marem Pension House: your home in Catanduanes

Mula sa Virac, tumungo kami sa bayan ng barangay ng Batong Paloway sa San Andres. Umaabot ng 30 minuto ang byahe pero bago kami dumiretso ng Batong Paloway ay dumaan muna kami sa kweba ng Luyang. Maaari  itong marating ng mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep o bus patungo sa Pandan mula sa Virac. Ngunit masmasarap pa rin kung may dala kayong sariling sasakyan dahil masmakikita nyo ang iba't iba pang magagandang pasyalan tulad ng Sto. Doming River.
Picture
Ang kwento ng Batong Paloway ay nagmula pa noong taon 1896, habang si Paciano Sucao at ang kanyang nakababatang kapatid na si Fermin Sucao ay namumulot ng mga punong kahoy. Habang binibiyak nila ang kahoy ay may biglang lumabas na bato mula dito. Ang batong ito ay nagpagaling ng maraming taong may karamdaman. Dahil dito kaya nakilala at dinayo ng iba't ibang tao ang milagrosong batong ito. Itinayo ang maliit na kubo bilang tahanan ng Batong Paloway at kalaunan ay naging isang malaking simbahan, ang  Church of Our Lady Of Sorrows - Our Lady of Batong Paloway na ipinagdiriwang ang kapiyestahan tuwing ika 12 at 13 ng Disyembre. Sa ngayon, marami pa rin ang naniniwala at nananampalataya dito. Hindi lang ito isang destinasyon ng mga turista kundi isang importanteng lugar din sa mga Catandunganong naniniwala sa kapanggyarihan ng bato.
Picture
Pagpasok sa simbahan ay makikita sa gitna ang altar na kung saan nakakahon ang Batong Paloway. Maaaring malapitang makita dahil bukas ito sa publiko. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming tao ang dumadalaw dito. Noong natagpuan ito, ang orihinal na laki nito ay 3/4 cm x 1cm. Sa ngayon ay umaabot na ito sa 6cm x 8cm at maaari nang makita ng mga mata kahit walang gamit na lente. Ayon sa mga tao, habang lumalaki ang bato ay unti-onti ring nabubuo ang imahe.

Nakakamangha ang bato dahil detalyadong detalyado ang imahe ni Birheng Maria ang makikita dito. Makinis ang bato at pantay na pantay ito, isang napakagaling na obra kumbaga ang gumawa nito. Buhay na buhay ang imahe na tila nakikipag-usap saiyo. Matapos namin itong suriin ay nagsindi kami ng kandila at dasal kami sa altar sa gilid nito.
Picture
Picture
Picture
Picture
Pauwi na kami ng biglang hindi gumana ang aming sasakyan at tulungtulong kaming nagtulak nito. Hahaha. Hindi naman kami ganuon nahirapan at kaagad naman itong umandar! Patuloy ang aming pag-iikot ikot sa bayan ng San Andres.
Picture
Dahil sa pagod na aming naranasan habang naglilibot (at nagtulak ng sasakyan) ay nakadama kami ng matinding gutom. Buti na lang ay may mga paniderya na matatagpuan sa daan. Nakakatuwa ang mga tinapay dahil sa kakaibang mga desinyo at anyo nito. At malaiban dito, ang pan de coco ay sobrang sarap at hindi malilimutan ang lasa nito habang mainit pa!
Picture
Picture
Saan man magpunta mga ka-Tripapips, huwag kalimutang gawin itong kakaiba, ispesyal, makabuluhan, masaya at isang tunay na karanasan! Ang aming trip sa Batong Paloway ay isa lang sa masasabi kong simple ngunit kakaiba dahil sa iba't ibang mga kaganapan. Masaya at marami kaming natutunan! 
Picture
18 Comments
Franc link
1/20/2013 03:18:54 pm

Parang gusto ko din makita yung batong paloway. Mukhang nakakamangha sya.

Reply
Glen link
1/20/2013 04:04:06 pm

Mukhang sobrang enjoy nyo ha at sarap na sarap sa pan de coco :) Sana mapuntahan ko din yung batong paloway.

Reply
Alwin link
1/20/2013 04:12:01 pm

I don't know, pero siguro mas maa-appreciate ko sya kung hindi ginalaw yung bato. it would be better to see the crudeness of it all

Reply
Francis Balgos link
1/20/2013 04:21:10 pm

I find out country's fanatism to Catholismto be outrageous sometimes.
But its part of out heritage.
long has it been said that we can't rely on accuracy legends.
And we have a loads of them, tells exactly how rich is our culture.
This looks like a nice trip, kahit ng tulak pa ng sasakyan. :)

Reply
Joshua link
1/20/2013 04:43:52 pm

mukhang masaya pumunta diyan ah enjoy na enjoy yung mga itsura niyo e hehe

Reply
jane link
1/20/2013 05:20:29 pm

that is look so nice! havent encountered things like that ever in my life though i've seen a lot of different buddha's already hehe ang saya nyo nmn! xx

Reply
traveling morion link
1/20/2013 05:43:30 pm

Sarap basahin ng mga post nyo! at ang mga photos ganda! never been to Cantanduanes but im plotting the plan now...
see you on the road guys

Reply
marri link
1/20/2013 06:08:50 pm

Never knew about this Sacred Batong Paloway until this interesting post. Siguro mas lalong makakamangha kung ako mismo ang makakakita tulad ng ginawa nyo.

Ang paglalakbay nyong ito ay naging mas lalong makabuluhan.

Reply
nanardxz link
1/21/2013 12:02:53 am

Wow interesting ah! Gusto ko din bisitahin at makita ang batong Paloway..

Reply
papaleng link
1/21/2013 12:14:33 am

Kakatuwa naman ang karanasan nyo. Nahihwagaan ako sa Batong Paloway. Para tuloy gusto kong marating ang lugar na ito.

Reply
jsncruz link
1/21/2013 12:38:51 am

Looks like a nice place to go to this summer! I've never been to Catanduanes so I sense an adventure in the near future :)

Reply
jsncruz link
1/21/2013 12:45:10 am

Looks like a cool place to go to this summer :) I've never been to Catanduanes so I sense an adventure in the near future!

Reply
Mark Morfe link
1/21/2013 04:34:53 pm

Maganda yung magkakapinta kay Birheng Maria. Litaw na litaw ang kulay asul pati and kanyang maamong muhka. ^_^

Reply
ralph link
1/21/2013 10:13:25 pm

isa ito sa mga gustong-gusto kong puntahan, simbahan..Pag pumupunta kami sa isang bagong lugar, sinisiguro naming magdaan sa isang simbahan dahil sabi nila pwede ka raw magwish pag first time mo sa isang church...Yahweh bless

Reply
Adventuroj link
1/22/2013 11:44:08 am

Catanduanes - haven't been there yet, one of my future provinces to visit list.. thanks for adding somewhere to go on my future stay there! :)

Reply
claire link
1/22/2013 03:35:03 pm

Ang sarap puntahan itong batong paloway. It the first time I heard about it.

Reply
Special Education Philippines link
1/27/2013 12:54:13 pm

Nakakagutom naman yung pan de coco na hawak mo. Maitanong lang bakit hugis ice cream yung pan de coco?

Reply
Happy Islander
12/2/2021 05:47:26 am

Hi! I really appreciate your blog and thank you for sharing one of our historical treasure!

-A Catandunganon

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.