TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Summer getaway at Twin Rock Beach Resort, Catanduanes

5/29/2012

24 Comments

 
Picture
Isa sa pinagmamalaki ng Catanduanes ay ang Twin Rock Beach Resort. Kaya hindi na namin sinayang ang oras para bisitahin ang lugar na hindi kami binigo sa kagandahan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sobra kaming nag-enjoy sa isla ng Catanduanes. 

Kumpleto ang aming bakasyon hindi lang dahil sa dami ng adventures kundi higit sa lahat ay abot kamay mo ang mga magagandang tanawin. Matatagpuan ang resort na ito sa Igang, Virac, Catanduanes.

Related Article: Buto ni Kurakog: a journey to the tale of Bagamanoc, Catanduanes
Picture
How to get there:

Mula sa Virac Domestic Airport ay 15 minutos lang ang byahe para marating ang Twin Rock Beach Resort, at ng 30 minutos mula sa Virac seaport lulan ng pampribadong sasakyan. Maaring magrenta ng tricycle sa halagang 150-200 pesos sa isang byahe.

Nasa barko ka pa lang ay matatanaw mo na ang kagandahan ng mapuputing buhangin at ng mga nakahelerang mga puno at kubo. Mapapansin mo rin ang dalawang naglalakihang bato na nagmimisulang kambal.
Picture
Nakilala ang Twin Rock Beach Resort dahil sa dalawang malaking batong nagdidikit tuwing low tide. Dito hinango ang pangalawan ng lugar at totoong mamangha ka sa kagandahan nito. 
Sa halagang 50.00 pesos na entrance fee ay maari mo nang maikot ang buong resort. Nagkakahalagang 500.00 -1000.00 ang mga rooms na maaring tuluyan kung gusto mo ng mahaba habang bakasyon. 200.00 - 300.00 pesos din ang cottages na swak na swak sa pamilya o barkada kung gusto nyo ng masisilungan. Pero bakit ka pa gagastos kung pwede ka naman sumilong sa ilalim ng puno. At iyon ang ginawa naming magtripapips.
Picture
At ang una naming ginawa pagkarating ay ang ikutin ang buong resort. Nilibot namin ang buong dagat habang low tide. Nilakad lang namin ang baybayin hanggang marating namin ang tinatawag nilang Twin Rock. Nakakatuwang masilayan ang iba't ibang hayop na naninirahan sa karagatan. May starfish, sea urchin, sea cucumber, lobster at marami pang iba. 
Picture
At pagkatapos naming mag-ikot ay dumayo kami sa isa lugar na may diving board. Dito madalas pumupunta ang mga tao dahil kahit anong oras ay maari kang maligo dito. Sa mala-asul na tubig, sino ba naman ang hindi mapapa-dive sa ganda nito.
Picture
Maliban sa magagandang tanawin bilang atraksyon ng resort ay mayroon din silang iba pang adventures na maaring subukan. Isa rin sa dinadayo ng mga tao ay ang zipline, kayak, obstacle course at ang ATV. Sinubukan namin ang zipline at sobra kaming nag-enjoy.
Picture
Kaya mga tripapips, hindi na natin kailangan magpakalayo pa. Marami tayong lugar na siguradong mashigit na maganda pa kaysa sa iba. At bago pa matapos ang araw, sinulit na namin ang aming ligo. 
Picture
Picture
Pagkatapos naming umikot at maligo sa resort ay nagpahinga kami, inom ng Red Horse habang nanunuod ng TV. Sigurado sa pagod at konting alak ay mahimbing na tulog.
Picture
At dito nagtatapos ang kwento ng isang araw naming paglalakbay sa Twin Rock Beach Resort! Isang napakasayang karanasang hindi namin malilimutan. At sana sa susunod ay kasama na kayo sa aming Road Trip. Hanggang sa muli mga Tripapips!
Picture
24 Comments
Tropapips link
5/29/2012 04:47:02 am

Cool story bro, ang sweet nyo naman. lol

Reply
violy link
5/29/2012 02:40:39 pm

wow! super ganda!

Reply
dimaks link
5/30/2012 03:01:24 pm

Galing ng mga byahe nyo. Sana ako rin, may time na bumyahe. Awesome blog too.

Reply
Cisco link
6/6/2012 02:13:05 pm

That also best place.. :)

Reply
marivic cantes tamura link
6/18/2012 03:39:58 am

Yun mga friends ko ang sabi ang ganda daw talaga dyan. Hope soon makapagbakasyon ako sa Twin Rock... :D

Reply
philip roman link
7/1/2012 11:04:00 am

wow!!
never been heard that place before, very interesting.
such an escaping place from everday life from the metro.

Reply
jane link
7/1/2012 11:06:08 am

COOL jumpshots!! nice photos all! xx

Reply
Franc Ramon link
7/1/2012 12:57:00 pm

Ganda ng jump shot. => Mukhang ok tong place na to for adventure at para maenjoy ang beach.

Reply
Kathy Ngo link
7/1/2012 03:23:45 pm

Those insects/animals in the water are scary. I'm really not much a of a beach person.

Reply
dems link
7/1/2012 04:36:25 pm

Cool! Napakagandang lugar. Napakadaming pedeng gawin :D

Reply
amz88 link
7/1/2012 07:06:17 pm

such a beautiful place, would like to visit it someday :) love the phots :D

Reply
juanderfulpinoy.com link
7/1/2012 09:59:49 pm

interesting din pala ang virac catanduanes. Malapit lang ito sa Naga ? or Legazpi? Tutuloy dapat kami nito eh kaya lang nung mga panahong yun parang magkakaron ng kalat kalat ng pagulan , pagkulog at pagkidlat so hindi na kami tumuloy . Ganda pala .

Reply
Adobotech link
7/2/2012 02:30:32 am

Ganda! It's always nice to see that there are a lot of beautiful places na mapupuntahan dito sa ating bayan.

Reply
Renz Bulseco link
7/2/2012 03:04:46 am

WOW! Ngayon lang ako nakaencounter ng travel blog written in Filipino (sorry conyo talaga ako IRL eh).

I haven't been to Catanduanes. Bookmarked your site coz the photos can really depict that the place is truly beautiful. Woot!

Reply
Francis Balgos link
7/2/2012 10:37:31 am

Lagi akong ng e enjoy sa mga pics mo..
They're nicely done with just the right saturation!
Gusto ko na tuloy ma try tong sa Virac..
Baka sa BDay ko!

Reply
Rizza link
7/2/2012 01:16:29 pm

Ang saya!! The photos you took look amazing!! It's more fun in the Philippines hahayy!!!


<a href="http://challengesoflosingweight.blogspot.com/">Challenges of Losing Weight</a>

Reply
Gabz link
7/3/2012 12:25:07 am

Wow continuation pala to ng Catanduanes adventure nyo. As usual, great pics! :)

Reply
Mark Morfe link
7/3/2012 09:03:47 pm

The pictures are lively that you feel you can teleport into it. :D

Reply
claire link
7/4/2012 09:12:18 am

Napaka cool naman. Wriiten in Filipino. That's more liked it. :)

Reply
sir rob link
7/12/2012 07:07:34 pm

I always heard about great scenes in Catanduanes. If only it is near our place then I would have been there already.

Reply
Eihrda link
7/13/2012 01:03:56 pm

geesh, napunta yata yung dati kong komento sa iyong spam box :(

di pa ako nakakapunta sa Catanduanes pero mukhang napakagandang lugar nito.

Reply
mervz | pinoyadventurista.com link
8/10/2012 04:12:07 am

we enjoyed our stay here... super nice resort... :)

Reply
miyatch
6/4/2013 07:34:09 pm

ganda naman jan. cant wait na maka punta rin kami jan

Reply
Tripapips
6/4/2013 07:54:28 pm

Tama ka! Magugustuhan mo ang Catanduanes dahil maliban sa napapalibutan ito ng white sand beaches ay puno rin ito ng ibat ibang eco adventures tulad ng surfing sa Puraran, trekking sa Cagmasoso at maligo sa ibat ibang falls. Masasarap din dito ang pagkain at napakamura ng mga bilihin. :)

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.