Mula sa Manila, sumakay kami ng eroplano. Halos isa't kalahating oras din ang byahe. At kung ikaw naman ay mahilig sa road trip, maari ring maabot ang isla ng pampribadong sasakyan o di kaya ng mga bus sa loob ng 12 na oras papunta ng Tabacco, Albay at muling sasakay ng barko papunta sa isla ng Catanduanes sa loob ng 3-4 na oras.
Related Article: Travel Guide: How to Go to Catanduanes
At nang makarating kami sa paliparan ng Virac, kung saan ito ang sentro ng probinsya, sumakay kami ng tricycle papunta sa bahay na aming tutuluyan. Buti na lang marami kaming kakilala rito at nakalibre kami ng matitirahan. :)
Ilan sa mga napuntahan namin at ang mga dagat, talon, mga simbahan at makasaysayang lugar na nagpapakita kung gaano kasarap manirahan sa probinsyang ito.
Sa kalapit na barangay ay matatagpuan din ang Amenia Beach Resort na dindayo ng mga turista dahil sa pinong baybayin na swak na swak sa pag skim boarding. Napakaputi at pino ng buhangin at nagmimistulang little Boracay dahil sa ganda ng dagat.