Ngayong may passport ang Tripapips nating si Jong ay kailangan na itong matatakan agad-agad kaya nagplano kami ng isang trip patungo sa labas ng Pilipinas. Hindi kami nagpaawat pa at aming binisita ang isa sa pinakamagandang lugar sa Asya, ang Kota Kinabalu, Malaysia, kilala bilang tahanan ng naggagandahang karagatan, mga malaparaisong isla, tropical rain forests, virgin coral reefs at ang tanyag na Mount Kinabalu.
Ang Kota Kinabalu ay isang bayan sa Malaysia at dating kilala bilang Jesselton pero ngayon ay maririnig mo na itong tinatawag bilang K.K. Ang lugar na ito ay nagiging instant reasort dahil kahit saan ay matatanaw mo ang naggagandahang mga pasyalan tulad ng mga malls, parke at marami pang iba. Syempre hindi rin nagpapahuli ang nagsasarapang mga putahe dito. At dahil ang Malaysia ay isang Muslim country, siguradong mamamangha ka sa naglalakihan at nagagagandahang mga moske dito.
Pagkalappag pa lang namin dito ay kaagad na kaming namasyal para walang masayang na oras. Nilibot namin ang malalapit na lugar na maaring pagpasyalan. Isa dito ang Filipino Market na kung saan mala-Baclaran o mala-Divisoria ang dating nito, dating kilala din ito bilang Kota Kinabalu Handicraft Centre. Sa dami ng Pilipino ay hindi ka mahihirapan mamimili. Dito mo rin matatagpuan ang mga murang produktong pwedeng gawing pasalubong. Sa tabi nito ay matatagpuan din ang street market na kung saan makikita ang mga murang mga pagkain at bilihin.

Ang ilan pa sa mga lugar na aming pinunthan sa Kota Kinabalu ay ang mga sumusunod:
Tadika Peak Nam Tong Temple
Ang Peak Nam Tong ay matatagpuan Ridge Zone, Kepayan. Isa itong Buddhist temple at isang tourist attraction sa lugar. Talagang mamamangha ka sa ganda ng templo dahil kakaiba ang imprastraktura nito at kaaya aya ang kulay.

Masjid Bandaraya
Ang Masjid Bandaraya ay ang pangalawa sa pangunahing moske sa Kota Kinabalu at matatagpuan ito sa Likas Bay. Sa laki nito ay kasya ang 18,000 na tao at dahil itinayo ito sa gitna ng isang man-made lagoon ay binansagan itong "The Floating Mosque" dahil nagmimistula itong nakalutang sa tubig.

Palau Manukan Island
Kung ang trip nyo naman ay mag-island hopping o snorkeling, ang Palau Manukan ay isa sa dapat bisitahin. Matatagpuan ito sa Taman Tunku Abdul Rahman. Sa ganda ng karagatan ay isang perpektong lugar ito para magrelax o di kaya magbonding kasama ang pamilya o barkada. Makikita mo rin dito ang iba't ibang uri nang isdang nagsisilanguyan na nagmimistulang iyong mga kalaro habang nagsiswimming.

State Mosque of Sabah
Binisita rin namin ang State Mosque ng Sabah na matatagpuan sa Jalan Tunku Abdul Rahman, Sembulan at itinayo ito noong 1974. Kasya ang 5,000 na tao dito para magsamba at sa laki nito ay nananatili ang kalinisan at kagandahan ng moske. Maari rin itong bisitahin ng mga turista ngunit kailangang sumunod sa dress code tuwing papasok dito.

Poring Hot Spring
Kakaiba rin ang taglay na kasiyahan dito. Nagsimula kaming magtrekking at umakyat sa bundok upang masilayan ang ganda ng kapaligiran ng KK. Sa dami ng hanging bridge na dinaanan namin ay iba't ibang emosyon ang naramdaman namin, may halong saya, kaba, takot at excitement. Pagkatapos nito ay nagpahinga kami sa hot springs na tunay na nagbigay ginhawa saamin. Sa labas ng park ay maaari mo ring masilayan ang pinakamalaking bulalak sa mundo, ang Rafflesia.

Jesselton Point Waterfront
Dating kilala bilang Kota Kinabalu Ferry Terminal, ang Jesselton Point ay nagsisilbing pangunahing terminal ng mga barko patungong Labuan at Tunku Adbul Rahman marine Park at Gayana Island. Ngunit maliban dito, isa rin itong pasyalan ng mga tao. Maraming restoran at botiques ang matatagpuan dito habang nanunuod ka sa mga barkong nakalutang dito at lumalanghap ng preskong preskong hangin mula sa dagat.

Mount Kinabalu
At syempre, nasa KK kami kaya pumunta rin namin ang Mount Kinabalu. Kilalang gawain sa KK ang magtrekking sa isa sa pinakamataas na bundok sa Timog Silangang Asya, at hindi na rin kami nagpahuli. At habang papunta dito ay maaari mo nang i-enjoy ang mga magagandang tanawin sa tabi ng bundok. May madadaanan din kayong iba't ibang tindahan ng mga prutas na sa malaysia nyo lang makikita.

Ilan lamang ito sa mga lugar na pinuntahan sa Kota Kinabalu at lahat ng ito ay sobra naming inenjoy. Ang trip na ito ay ang una lakwatsa ng Tripapips sa ibang bansa na magkasama. At ibabahagi pa namin ang iba't ibang mga ginawa sa paglalakbay na ito tulad ng aming mga food trips! Kaya abangan nyo ito mga Tripapips! :)