TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

The Colorful Tadika Peak Nam Toong, Kota Kinabalu, Malaysia

11/15/2012

14 Comments

 
Picture
Pula, dilaw at berde ang kulay na nangingibabaw sa isang lugar sa Sabah, Malaysia at ito ang Tadika Peak Nam Toong. Hindi man gaanong napupuntahan ng mga turista dahil sa tago ang lugar, isa pa rin ito sa mga dapat bisitain kapag pumunta sa Kota Kinabalu.  Ang Peak Nam Tong ay isang Buddhist temple na matatagpuan Ridge Zone, Kepayan. 

Una naming napansin ang templong ito ng minsan kaming naglibot sa lugar na malapit sa aming tinitirahan. Sino ba naman ang hindi makakapansin sa ganda ng kulay nito na nagmistulang kendi sa aming mga paningin. Agaran kaming nagkayayaang tumungo dito at halos patakbo kami habang bumababa sa sasakyan. Excited ang lahat at kanya kanyang nagpose at nagpapicture sa templo. 

Related Article: Places to Visit in Kota Kinabalu, Malaysia
Picture
Picture
At sa tingin nyo ba papahuli kami? Ang totoo nga ay kami pa ang naunang nagpapicture sa labas pa lang ng templo. Talagang mamamangha ka sa ganda nito dahil kakaiba ang imprastraktura nito at kaaya-aya ang kulay. Isang tradisyunal na Chinese architecture ang makikita dito. Makikita rin sa labas ang mga Chinese scrypts at paitings. Pinasok namin ito at tiningnan pa ang mga kakaibang laman nito. First time kasi namin itong makapunta sa ganitong lugar kaya sinamantala na namin ang pagkakataong maranasan ang nasa loob ng isang templo.  
Picture
Picture
Picture
Pagpasok ay sumalubong saamin ang isang malaking paso na may mga abo. Ito ang lagayan ng mga sinusunog na insenso o kaya mga joss sticks. Pagpasok namin ay makikita ang altar na kung saan naandoon ang iba't ibang imahe ng kanilang sinasamba. 

Isang napakataas na pagoda ang matatagpuan sa labas pero sayang at hindi ito bukas para sa mga turista. Sa paglilibot namin, naghanap kami ng maaring tanungin na tao tungkol sa templo, ang kasaysayan nito, ang importansya nito sa mga tao at paano ginawa ngunit wala kaming nakitang pwedeng tanungin. Isa mamang naglilinis lang ang aming nadatnan kaya hindi kami nagkaroon ng pagkakataong magtanong. Kami lang pala ang tao doon. Ang katahimikan ng lugar din ang nagpaalala saamin na ang lugar ay sagrado. Isa itong sambahan at malahagang lugar sakanilang relihiyon.
Picture
Picture
Namangha rin kami ng pasukin namin ang isang pinto sa gilid ng altar. Natagpuan namin ang napakadaming tableta na may litrato ng mukha at mga nakasulat sa letrang Intsik. Hindi namin maintindihan kung ano ito. Kapansinpansin din ang mga tsaa, prutas at pagkaing nakahain sa mesa sa gitna nito. Isa raw itong tradisyon bilang paghandog o tinatawag na "offerings" para sa mga iba't ibang diyos, espiritu at mga ninuno. 
Picture
Picture
Picture
Dahil sa panibago naming nabisitang lugar, niyaya pa namin ang iba naming kasama. Kinabukasan ay bumalik ulit kami para maipakita rin sa iba ang kagandahan ng lugar.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Dito namin napatunayan na may kabuluhan din pala ang paglalakwatsa ng wala sa plano. Nagkaroon kami ng pagkakataong matuklasan ang isang magandang lugar na tulad nito. Naging sulit na sulit ang pagbisita namin sa Kota Kinabalu, Malaysia dahil sa magagandang lugar na aming binista. Dahil dito, maslalo naming natututunan ang kultura at tradisyon sa bawat lugar at nagiging makabuluhan ang aming bawat paglalakbay.
Picture
14 Comments
Franc Ramon link
1/13/2013 08:10:14 am

Meron palang ganyan sa Kota Kinabalu. Ok may kabuluhan nga ang nahanap nyo. Gusto ko ding puntahan yan at akyatin ang bundok sa Kota Kinabalu.

Reply
jane link
1/13/2013 08:29:24 am

after a long years in singapore i am now living in malaysia hoping to visit this this year also with frends! great photos! xx

Reply
Joshua link
1/13/2013 09:10:10 am

nakita ko lang yung lugar n ayan habanag dumadaan yung kotse na sakay ko punta sa isang tousist spot, hindi ko akalain na ganyan pala siya kaganda, nice one! cheers to more travels!

Reply
Archie de Lara link
1/13/2013 09:28:39 am

I would love to visit Malaysia soon. Very colorful architecture, and the food I want to have a taste.

Reply
Francis Balgos link
1/13/2013 09:34:21 am

Ang colorful naman ng adventure nyo tipapips.
bawat litrato, pops with color..
Looks so fun, and very oriental.

Reply
Jo-Ann link
1/13/2013 03:28:38 pm

I like the temple a lot, it so colorful and it seems everyone can be lively going there.

Reply
Ron Leyba link
1/13/2013 11:20:19 pm

Talagang ko kota ka sa kota kinabalu in terms of scenery. Love the place. Love the photos you shared.

Reply
papaleng link
1/13/2013 11:45:53 pm

Napaka-makulay nga ang templong yan. Kaaya-aya sa paningin. Kung hindi ako nagkakamali parang isang pelikula ni Jackie Chan ang kinunan dyan. Sana marating ko rin ang lugar na ito.

Reply
nanardxz link
1/14/2013 01:52:19 am

Talaga naman! napakaganda ng mga photos very colorful.. I hope i could visit this place soon :)

Reply
Mark Morfe link
1/14/2013 08:50:48 am

You can never go wrong with Kota Kinabalu especially with Tadika Peak Nam Toong. I hope I could see it with my own two eyes. ^_^

Reply
Mai Flores link
1/14/2013 01:14:37 pm

Kung may isang salitang makakapag-describe sa templong ito, ito ay yung pagiging "vibrant" niya. Nakakaengganyo naman pumunta jan. Hopefully, mabisita ko din yan, kung mapadpad man ako sa Malaysia. :)

Reply
Gabz | Pinoy Travel Freak link
1/14/2013 08:29:17 pm

Grabe, ang tingkad ng kulay ng templo nila. This reminds me of Bell Tower in Baguio or yung nasa Cebu.

Reply
fjordz link
1/15/2013 11:35:05 am

Ang gaganda ng mga pictures. Ramdam na ramdam ko na sobrang nag-enjoy kayo. Sana makabisita rin ako dyan minsa.

Reply
Ness link
1/15/2013 01:37:38 pm

Nice. Very colorful ang place. picture perfect!

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.