Ang Masjid Bandaraya ay ang pangalawa sa pangunahing moske sa Kota Kinabalu at matatagpuan ito sa Likas Bay. Sa laki nito ay kasya ang 18,000 na tao at dahil itinayo ito sa gitna ng isang man-made lagoon ay binansagan itong "The Floating Mosque" dahil nagmimistula itong nakalutang sa tubig.
Kung naghahanap ka ng isang spot sa Kota Kinabalu, huwag na huwag palampasin ang pagbisita sa Masjid Bandaraya. Simula ng magbukas ito noong 2000, isa na ito sa mga lugar na binibisita ng publiko at mga turista dahil sa napakagandang arkitektura nito. May kakaiba itong hugis at sobrang laki kung titingnan. Matatanaw mo ito sa malayo na tila nakalutang dahil napapalibutan ito ng tubig.
Madali lang din ito puntahan dahil dumadaan dito ang mga pampublikong sasakyan. Mula1Borneo, isang shopping mall ay sumakay kami ng bus patungo sa Likas kung saan matatagpuan ang moske. Nagkakahalang 1RM ang pamasahe dito, katumabas ng 14 pesos. Ilang minuto lang ay narating na namin ito at pagbaba namin ay bumungad na saamin ito at kaagad kami naglakad papasok.
Read: Places to Visit in Kota Kinabalu, Malaysia
Madali lang din ito puntahan dahil dumadaan dito ang mga pampublikong sasakyan. Mula1Borneo, isang shopping mall ay sumakay kami ng bus patungo sa Likas kung saan matatagpuan ang moske. Nagkakahalang 1RM ang pamasahe dito, katumabas ng 14 pesos. Ilang minuto lang ay narating na namin ito at pagbaba namin ay bumungad na saamin ito at kaagad kami naglakad papasok.
Read: Places to Visit in Kota Kinabalu, Malaysia
Nagmimistulang mga gwardya ang nagtataasang palm tree na nakapwesto sa gilid ng daan habang papasok kami sa mismong moske. Maririnig mo ang isang chant na nagmula sa loob. Sabi saamin ng aming kasamang Muslim, ito raw ay panawagan sa mga kapatid nila na magsisimula na ang pagsamba.
Bukas ito sa publiko ano mang araw ngunit may oras na nakatala para pumasok dito. Bukas ito buong linggo sa umaga mula 8:00 hanggang 12:00 ng tanghali. Nagbubukas naman ito sa hapon mula 2:00 hanggang 3:30. Maliban sa araw ng Bieyernes na maari kayong pumunta sa umaga mula 8:00 hanggang 10:00 lamang at sa hapon ay 2:00 to 3:30. Kailangan din sundin ang ilan sa mga paalala bago pumasok dito tulad ng tamang kasuotan.
Basahin: Rules to Follow When in Masjid Bandaraya
Basahin: Rules to Follow When in Masjid Bandaraya
Dahil mga 5:00 ng hapon na kami rito nakarating, hindi na kami pinayagang pumasok dahil nagsisimula na silang magsamba kaya naglibot na lang kami sa labas nito. Nagbigay oras din kami makinig sa Qira'at. Marami pa ang maaring gawin tulad ng boat riding sa lagoon na iikutin ka sa paligid ng moske. Makikita mo rin dito ang iba't ibang grupo ng mga photographers na abala sa pagkuha ng mgagandang litrato ng moske at mga batang masayang naglalaro.
Inabot na kami ng gabi kakaikot sa moske. Kung gaano ito kaganda sa umaga ay masnakakamangha ito sa gabi. Makikita mo na ang iba't ibang kulay ng ilaw nito na sumasalamin ang imahe sa tubig. Napakaswerte namin at naabutan namin ang kakaibang tanawin na ito.
Para saamin, hindi lang isa magandang lugar kundi dito mo masasalamin kung gaano kaganda at kayaman ang kulturang Muslim. Nakakapnghinayang na hindi kami nakapasok sa moske pero masaya na rin kami na minsan ay nakatungtong kmai rito.