TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

9 more things to do in Caramoan Islands other than island hopping

11/24/2013

0 Comments

 
Picture
Aside from hopping to each and every island of Caramoan, there are actually more other things you can do. Don't miss to explore and experience the different eco-adventures here which are absolutely budget-friendly.

Travel Guide: How to Go to Caramoan Group of Islands, Camarines Sur

Ang Caramoan Islands, Camarines Sur ay isa sa mga sikat na tourist destinations ngayon sa ating bansa sa mga nakalipas na taon. Nakilala ito dahil ito ang paboritong venue para sa reality-TV series na Survivor. Isa sa pinakamasayang gawin sa dito ay ang mag-island hopping. 

Ilan sa mga maaring bisitahing isla sa Caramoan ay ang Tinago, Lahos, Matukad, Manlawe Sand Bar, Guinahoan Island, Cotivas Island, Cagbalinad, Minalahos at ang Panim-an. Nagkakahalaga ng 1,000 to 2,500 pesos ang bawat package tour ng island hopping.
Picture
Dilaw na baybayin ng Tinago Island.
Ngunit masmarami pang mga eco-adventrues ang maaring gawin dito sa Caramoan. Sa limang araw na pananatili namin dito ay naranasan namin ang kagandahang tinataglay nito na hindi kailangang gumastos ng marami. Sa katunayan, ang ilan dito at LIBRE lamang.

1. Sightseeing at the Lighthouse of Guinahoan Island - Higit isang oras din ang aming iginugol upang maakyat ang parola na nakatayo sa taas ng isang bulubundukin sa Guinahoan Island. Nakatirik ang araw at walang masisilungan dito ngunit hindi namin ito ininda. Habang palapit na kami sa parola ay matatanaw mo mula sa itaas ang malawak na karagatang nagdudugtong sa mga isla ng Caramoan. Ilang grupo rin ng mga hayup tulad ng baka at kambing ang matatagpuan dito. 
Picture
Lighthouse of Guinahoan Island
2. Climbing the Rock Cliff to see Tayak Lagoon at Matukad Island - Matutulis na bato ang iyong kailangang akyatin para makatuntong sa pinakamataas na bahagi ng Matukad Island. Dito masisilayan ang Tayak lagoon na isang higanteng bangus ang tanging nabubuhay. Ayon sa mga lokal, mahiwaga raw ang bangus na ito dahil walang nakakaalam kung paano ito napadpad dito at nananataling buhay sa tubig-asin. 
Picture
Tayak Lagoon
3. Picnicing at Hanopol Dam - Wala nang mas-sasarap pa makapiling ang kalikasan sa tuwing ikaw ay naglalakbay. Sa malawak na luntiang sakop ng Hanopol Dam ay masisilayan ang masayang mga puno at halaman na sumasabay sa ihip ng hangin. Dahil na babalutan ang paligid nito ng carabao grass ay maari ka ditong mag-picnic kasama ang grupo. 
Picture
Hanopol Dam
4. Swimming at Bulangbugang Underground River - Asul na tubig, makukulay na mga bulaklak at mala-tsokolateng mga bato ang matatanaw sa Bulangbugang Underground River. Napakalinaw at napakalamig ng tubig dito, isang masarap na lugar na pasyalan tuwing summer. Sa katunayan, ilang grupo ng mga magbabarkada ang aming nadatnan dito na masayang naliligo sa ilog, patunay na marami ang tumatangkilik sa maliit na ilog na ito. 
Picture
Bulangbugang Underground River
5. Trekking to Layahan and Hugsad Waterfalls - Hindi tulad ng ibang pasyalan sa Caramoan, ang mga talon dito ay tago at mahirap tunguhin, dahilan kung bakit hindi masyadong napupuntahan ng mga turista. Dalawang oras din ang aming nilakad upang marating sa Layahan Falls na matatagpuan sa Barangay Hanopol. Ang Hugsad falls naman ay matatagpuan sa Barangay Patag.
Picture
Layahan Falls
6. Exploring the caves of Culapnit and Bulagbugang - Isa sa mga eco-adventures sa Caramoan ay pagbisita sa mga kwebang may taglay na kagandahan. Isa ang Culapnit cave sa binibisita ng mga turista dahil sa libu-libong mga paniking nakatira dito. Ang pangalan nito ay hango sa "kulapit" na siyang lokal na katawagan ng mga Bicolano sa "paniki". Pasukin din ang isang maliit na kweba na matatagpuan sa Bulagbugang Underground River.
Picture
Bulangbugang Cave
7. Visiting the Shrine of Our Lady of the Most Holy Rosary, Caglago Mountain - Higit sa 524 na hakbang ng hadgan ang tatakahin upang makarating sa maliit na kapilya sa taas ng bundok ng Caglago. Dito matatagpuan ang malahiganteng (26 feet) Shrine of Our Lady of the Most Holy Rosary, ang pinakamalaking Marian statue sa ating bansa. Mamamangha ka sa napakagandang tanawin na nakapalibot dito at halos abot-kamay mo ang mga ulap dahil sa taas ng lugar. 
Picture
Shrine of Our Lady of the Most Holy Rosary
8. Stopping over at St. Michael the Archangel Parish - Maaari kang huminto sa isang simbahan na matatagpuan sa Barangay Solnopan, ang St. Michael the Archangel Parish. Agaw pansin ang kulay kahel na mga pader nito na yari sa bato at ang kakaibang arkitektura nito. Ito ay itinayo  sa taong 1619 ng mga Pransiskanong misyunaryo.
Picture
St. Michael the Archangel Parish
9. Walking around the Centro - At bago matapos ang isang masyaang pamamasyal sa Caramoan, huwag kalimutang mag-ikot sa centro. Dito matatagpuan ang iba't ibang souvernip shops kung saan makakabili ng mga pasalubong. Maliit lamang ito kaya hindi mahirap ikutin. 
Picture
5-day Itinerary to Caramoan Group of Island

Day 1
Tinago
Lahos
Matukad (Lagoon)

Day 2
Layahan Falls
Bulang bugang Underground River

Day 3
Shrine of Our Lady of the Most Holy Rosary, Caglago Mountain
Manlawe Sand Bar
Lighthouse, Guinahoan Island
Cotivas Island

Day 4 
Culapnit Cave
St. Michael the Archangel Parish

Day 5
Cagbalinad
Minalahos

If you need travel assistance in Caramoan, you may contact:
Myline Cordial
+63 9274108998
mycordial@gmail.com

Picture
0 Comments



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.