TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

The ultimate burger experience at Zark's

8/29/2013

1 Comment

 
Picture
Succulent burgers of different flavors! You will surely not leave this place with an empty tummy. Bakit nga ba hindi?!? Kung ang iaahin ba naman sainyo ay malahiganteng mga burgers, sino ba naman talaga ang hindi mabubusog. 

No beer for tonight. Sure! But this didn't mean no fun at all for us as we celebrated our evening dining in this talk-of-the-town burger shop called Zark's Burgers. 

Related Article: The Halo-halo that makes Pampanga a cool place to visit

Located at 2464 Archer's Nook, Taft Ave, Manila, Zark's has a lot of deliciously good food to serve. Pwede kang mamili sa kanilang rice meals, sandwiches, desserts at syempre ang sikat na dinadayo ng mga tao dito, ang burgers. At maging kami ay takam na takam din na subukan ito.
Picture
Ang Zark's ay mayroong higit sa 30 na iba't ibang burgers kaya medyo nahirapan kami mamili. Jong decided to take the Zark Ultimate Burger na syang basic burger ng nila sa halagang 130.00 pesos. Dahil kabilang ito sa MINOR LEAGUE, maari kang kumuha ng dagdag na potato chips/fries AND iced tea sa halagang 25.00 pesos. 

"1/4 pound burger with cheese sauce in a bed of fresh veggies and then topped with sauteed mushroom and bacon."
Picture
Ang aming kaibigang si Sam ay pinili ang Maverick Burger. Isa ito sa mga burgers na kabilang sa MAJOR LEAGUE na mayroon ng libreng potato chips/fries at iced tea. Sulit sa halagang 190.00 pesos.

"flame-grilled half pound black pepper crusted burger topped with deep fried bacon."
Picture
Si Noks naman ay ganadong ganado sa kanyang Burger From Hell na sya ring kadalasang sinusubukan sa Zark's dahil sa anghang na taglay nito. Sino ba naman ang hindi mapapaluha sa daan-daang buto ng sili na inilagay sa burger na ito. Nagkakahalaga ito ng 135.00 pesos.

"Cayenne burger topped with sauteed onion and chilli, chilli garlic oil and chilli cheese sauce."
Picture
Para sa inumin, maari kang mamili kung Iced Tea o Blue Lemonade. 
Picture
Maari ninyo ring subukan ang kanilang CHALLENGES tulad ng Jawbreaker at Tombstone. Sa halagang 250.00 pesos para sa Jawbreaker, kailangan niyo itong maubos sa loob ng 5 minuto para maging FRRRREEEEE!!! ito. Sa Tombstone naman, kailangan ninyong ubusin ito sa loob ng 10 minuto para hindi na kayo magbayad ng 500.00. Para sa Tombstone challenge ay kailangan niyo ring ubusin ang 300 grams na fries. Kaya nyo ba?

Para sa ibang pagkain sa Zark's Burgers, maari nyong tingnan ang Menu sa litrato sa ibaba.
Picture
Picture
Nagustuhan namin ang pagkain dito. Ngunit ang lugar ay medyo masikip dahil sa dami ng taong napaparito. Laging puno at may ibang parte na "mukhang" madumi. Kung medyo maselan kayo sa lugar, baka hindi kayo gaanong mag-enjoy. Pero maari naman kayong magtake-out! :)

Zark's Burgers
Taft Ave. Archer's Nook, 2464 Taft Ave
Malate, Manila
Phone: (0923) 737-2517
Picture
1 Comment
jayson luna
7/15/2016 07:49:22 pm

Pabili aq jawbreaker po
Tga kingville antipolo city

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.