TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

The Halo-halo that makes Pampanga a cool place to visit

11/10/2013

2 Comments

 
Picture
If you are food tripping in Pampanga, this should be on your list. With less than an hour travel from the city, this resto can give you a delightful dining experience with the unique taste of their Halo-halo which is dubbed as "The Pride of Arayat."   

Ika nga, kapag Kapampangan ay masarap daw magluto at maghanda ng mga pagkain. At bakit hindi natin patunayan yan sa isang maliit na restaurant sa Arayat, Pampanga na nakilala dahil sa kakaibang Halo-halo nila. Ito ay ang Kabigting's Halo-halo na matatagpuan sa Paralaya, Arayat, Pampanga. Mula sa Angeles City ay naglakbay kami ng mahigit 45 minutos matungo lamang ang sinasabing "The Pride of Arayat." 

Related Article: Marem Pension House: your home in Catanduanes

Hindi mahirap hanapin ito dahil bubungad sainyo ang makulay na restaurant. Hmmm. Magiging singkulay kaya nito ang aming food trip dito?
Picture
Tulad ng karamihang dumadayo rito, ang Palabok ang isa sa mga pinakakaaasam matikman dahil sa linamnam ng sarsa nito na binudburan ng chicharon. Naiiba ito para saamin dahil simple lamang ang mga sangkap nito ngunit malalasahan mo ng husto ang sarap nito at kapag hinaluan na ng kalamansi ay  maslalong lumalabas ang katakamtakam na flavor nito habang naglalaban ang asim at alat. Ngunit masmagugusuthan mo ito dahil swak na swak ito sa budget sa  halagang 45.00 pesos lamang.
Picture
Ngunit ano pa nga ba ang masarap na partner ng Palabok kundi ay ang Puto. Sa halagang 10.00 pesos bawat piraso ay matitikman mo na ang mga puto na pinasarap ng kesong binudbod rito. Swak na swak ito sa panlasa namin at sa katunayan ay nakarami kami ng nakain. Malambot at tila natutunaw lamang ito sa bibig mo. Yumyum!
Picture
At higit sa lahat, ang pinagmamalaki ng Arayat at ang dahilan kung bakit kami napatungo rito ay ang kanilang Halo-halo. Hindi rin namin maintindihan sa umpisa kung bakit marami ang dumarayo sa lugar na ito para lamang makatikim ng Kabigting's Halo-halo. Ngunit nang simulan na naming isubo at malasahan ito ay unti-onti mong masasabing ito ay "kakaiba, napakasarap at siguradong babalikbalikan". Dito namin naintindihan kung bakit marami ang tumatangkilik sa halo-halong ito at ito ay dahil sa malakrema nitong sangkap na lasang lasa ang gatas na inilagay dito. Hindi tulad ng iba, ang Halo-halo ng Kabigting ay may tatlong pangunahing sangkap lamang. Ito ay ang gatas ng kalabaw na pinalapot at minatamis na parang yema at keso, ang cream of corn na bumagay sa tamis at ang minatamis na beans na nagbigay lapot at lambot sa halo-halo. Kapag pinagsama-sama mo ito ay tiyak na mapapaWOW ka sa sarap. Hindi rin mabigat sa bulsa ito dahil nagkakahalaga lamang ito ng 60.00 pesos bawat baso.
Picture
Sa pagbisita namin dito ay nadatnan namin ang kanilang bagong restaurant na itinayo malapit lamang sa orihinal na pinagmulan ng Halo-halong ito. Ito raw ay itinayo para masmabigyan ng masmaayos na serbisyo ang mga dumadaming tao na dumadayo rito. Sa kabila nito ay matatanaw ang isang malaking makulay na bahay na kung saan doon dati nakatayo ang maliit na restaurant. Ito ay ang bahay ng mga Kabigting.
Picture
Mga dayuhan at mga lokal na tao sa kumonidad na bumisita Kabigting's Halo-halo para magmerienda.
Paano nga ba nagsimula ito? Noong 1970 nang maisipan ni Geraldine Kabigting, kapatid ni Jacinto Kabigting na sumubok ng kakaibang panlasa ng halo-halo kumpara sa tradisyunal na sangkap na mga prutas. Sinubukan nila ang tatlong sangkap na Gatas ng Kalabaw, Cream of Corn at Beans. Ito ngayon ang pangunahing sangkap at sikreto ng Kabigting's Halo-halo. 

Nagsimula ito bilang maliit na negosyo ng pamilya na matatagpuan lamang sa pamamahay ng mga Kabigting. Ngunit, simula ng matikman ito ng mga crew mula sa Travel Time, nailathala ito sa mga pahayagan at magazine ng Travel Time, umusbong at nakilala ito ng karamihan.
Picture
Ang orihinal na pamamahay ng mga Kabigting na siyang pinagmulan ng Kabigting's Halo-halo.
Sa ngayon, marami nang bagong bukas na branches ang Kabigting's Halo-halo maging sa mga mall sa Pampanga at Metro Manila. Patunay sa patuloy na pagtangkilik ng mga Pinoy at maging mga dayuhan sa isang Halo-halong tatak Kapampangan. Ngunit sa kabila ng pag-usbong nito ay makikita nyo pa rin ang pamamahay ng mga Kabigting na siyang pinagmulan ng pinakamasarap na halo-halo sa buong Pampanga.

Dahil sa Kabigting's Halo-halo, nakilala rin ang Arayat ng karamihan. Ito ang pinagmamalaki at naging dahilan kung bakit tinawag ang Kabigting's Halo-halo bilang "The Pride of Arayat."
Picture
Picture
Ilan pa sa maari nyong tikman dito ay ang kanilang Lumpia, Lugaw, Tokwa't Baboy, Dinuguan, Tapsilog, Longsilog at Siomai. Hindi lang masarap ang mga ito kundi siguradong kayang kaya ng bulsa. Maaring tulad namin ay sasabihin nyong babalikan nyo ang mga ito kapag bumisita kayo ulit sa Pampanga.

Kabigting Halo-halo
Paralaya, Arayat, Pampanga
Phone: (045) 409 9646
Email: [email protected]
Picture
2 Comments
mike link
8/12/2014 01:08:35 pm

malapit lang kami dito...pero di ko pa na-try...
hmmmn...masubukan nga :)

Reply
Tripapips link
8/13/2014 05:00:18 pm

Hi Mike!

Try mo at siguradong hindi ka magsisisi! Hehehe. Tsaka napakamura lang ng presyo. Nung pumunta kami diyan, marami ring turista ang nakapila. Hehehe.

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.