Related Article: 9 Weird foods you should try in Catanduanes
Ilan sa aming inorder ay ang Buffalo Wingsey at ang Japanese Sunny Side Up Carbonara. Ito ay ilan lamang sa kanilang sinuggest saamin at ito daw ang kanilang best sellers. Ngunit maliban dito, marami pa kayong pwedeng pagpiliang mga rice meals o di kaya'y mga pasta na swak na swak na merienda. Ilan pa sa maaaring nyong tikman ay ang Pink House Pork Steak, Chicken Ala King, Fish Fillet With Lemon Sauce at ang Spam All Day Breakfast at ito ay nagkakahalaga mula 100.00 hanggang 138.00 pesos.
Sigurado ring matutuwa kayo sa iba't ibang dessert at inuming may itsura o di kaya palamuting Hello Kitty. Ilan sa mga umagaw ng aming pansin sa menu ay ang mga sumusunod:
1. Jell-o Kitty - Sino nga ba naman ang hindi matutuwa sa kakwelahan ng pangalan nito na siyang umakit saamin. Ito ay pagkaing yari sa gulaman at nakahulmang Hello Kitty. Nagustuhan namin ito dahil sakto ang tamis. Masarap itong kainin habang ito ay malamig.
Mula sa Manila (Cubao o Pasay), maaring sumakay ng bus na dumadaan sa SCTEX patungo sa Cabanatuan City. Ilan sa mga bus na ito ay ang Five Star Bus Co.,Genesis Transport Services, Baliwag Transit at ES Transport. Umaabot sa 2.5 hanggang 3 oras ang byahe at 182.00 pesos ang pamasahe.
Pagkarating sa Robinsons Cabanatuan ay sumakay ng tricycle patungo sa mabini Homesite at banggitin lamang ang Pink House Cafe. Nagkakahalagang 40-50.00 pesos ang pamasahe at 10-15 minutes ang byahe.
Ang Pink House Cafe ay bukas mula Lunes hanngang Linggo, from 10:00 am to 10:00 pm. :)
*Aaminin rin namin na sa mga oras na iyon ay nagustuhan rin namin si Hello Kitty (at ang kulay na Pink). Lol.
Pink House Cafè
#40 Mabini Homesite (Dambana Church)
3100 Cabanatuan City, Nueva Ecija
Phone: 0908 888 3899