Van Gogh Is Bipolar is not your typical restaurant. The chef is bipolar and he cooks food that will change your mood and will let you experience a different culinary adventure. Foods are served in a form of art and the restaurant is jammed with all of his artworks inside and out.
The bipolar chef
Kilalanin natin si Jetro Rafael. Siya ang may likha sa kakaibang restaurant na kung tawagin ay Van Gogh is Bipolar. Tulad ng pangalan ng restaurant, si Jetro ay clinically diagnosed na bipolar, isang mental illness na nagkakaroon ng pabago-bagong mood, minsan sobrang saya at minsan sobrang lungkot.
Maliban sa pagiging chef, siya rin ay isang artist at traveler. Kaya sa kanyang restaurant ay makikita ang mga kinolekta niyang souvenirs sa bawat lugar na kanyang binibisita. Dito niya rin daw kinukuha ang inspirasyon ng mga putaheng kanyang niluluto. Bilang isang artist naman, may kakaibang perspektibo siya sa kanyang mga obra maestra. Maaring weirdo ito para sa iba, ngunit kapag nakita mo ang mga ito ay mas maiintindihan mo ang pagkatao ni Jetro.
Related Article: 5 Best-tasting meals for P99.00 or less at Chubs Steak at Manok
Kung nais niyong masilayan at maranasan ang ganda ng restaurant na ito, bisitahin sila sa 154 Maginhawa St, Sikatuna Village, Quezon City.

The ecstatic space
Ang buong restaurant na ito ay ang mismong bahay ni Jetro. Ang kanyang sala, dining room at maging hardin ay inayos nya sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang mga artworks sa dingding. Kayang tumanngap ang buong espasyo ng 15 na customers. Puno ng iba't ibang bagay ang bawat sulok ng silid. At bago ka pumasok dito ay kailangan magtanggal muna ng sapatos o sapin sa paa.

May ilang kailangan sundin sa restaurant para maging maayos ang lahat. Dahil si Jetro lamang ang nagpapalakad nito, self-service ang patakaran. Ikaw ang magsusulat ng iyong order at ibibigay ito sa kitchen at paghanda na ay ikaw din ang kukuha. Pagkatapos kumain ay ibabalik ulit ito. Ilan sa mga palatuntunan dito ay ang mga sumusunod:
- Indoors are reserved for 12 diners only.
- Stupid & idiots are welcome.
- No servers here. If you need anything “Please ring the bell by the kitchen window.”
- Write your name & orders on paper provided.
- For tea drinkers – Read instructions on How to make your own tea.
- After eating, kindly place soiled dishes by the kitchen window.
- For billing, put payment in the red box. Get your own change and receipt.
- Carve your name on the tea bar & scribble your dark secret inside the dark room.
Hindi lang ito isang restaurant kundi isang museyo na kung saan makikita ang galing ni Jetro sa larangan ng sining. Ayun kay sa kanya, ito rin daw ay nagsisilbing psychotherapy dahil nagagawa niya ang kanyang mga kagustuhan at napapanatili siyang masaya.
Masisilayan sa mga pader na puno ito ng panulat. Hinahayan ni Jetro na magsulat ang mga customers dito. Tulad ng kanyang kwento, ang bawat tao daw ay mga "dark secrets" at sa pamamagitan ng pagsulat sa pader ay maari mo itong mailabas para gumaan ang iyong pakiramdam.
Maging ang palikuran dito ay puno ng kakaibang bagay. Puno ng mga nakakatakot at weirdong bagay ang buong dingding ng CR. Mababasa mo rin dito ang mga iniwang papuri ng mga masasayang customers.
The mood-changing menus
Ayun kay Jetro, ang mga hinahain niyang pagkain ay paibaiba at naayon din sa kanyang mood. Kaya kung ikaw ay mapapadpad dito ay maaring iba ring pagkain ang iyong matikman. Kung ano rin daw ang kanyang niluto ay yun din daw ang kanyang pagkain. Parte raw ito ng pananatili ng kanyang kalusugan dahil halos 100% fibers ang mga sangkap na ito at pawang organic. Sa araw na iyon, ang aming natikman ay ang The Prince, The Duke at The Duchess.
Habang naghihintay ka sa iyong pagkain ay maari munang magpainit sa pamamagitan ng pagtimpla ng tsaa. Ang tsaang ito ay nakakapagpabago rin daw ng mood at ikaw mismo ang magtitimpla depende sa nais mong maramdaman. Maaari kang mamili mula sa Extra Calming, Upper, Extra Upper, Happy Chill at Light Chill.

Isang koleksyon ng teapots ang maaari mong pagpilian. May simpleng disenyo ngunit may roon ding magagarbo.
Bago namin masimulan ang 5-course meal na kanyang niluto, isang inumin ang inihanda saamin ni Jacob, isa sa mga tumutulong magbigay ng pagkain sa restaurant na ito at ayun sa kanya, tulad ng chef dito ay isa rin daw siyang bipolar.
Axl Rose's Egg Shot - Isang mabisang pampatanggal ng stress para mas ganahan kang kumain, ito ay isang inuming puno ng iba't ibang panlasa. Una mong matitikman ang asim at biglang malalasahan ang tamis ng honey sa huli. Nilagyan ito ng sariwang dilaw ng itlog at hinahalo bago inumin. Medyo weirdo ang lasa kung una mo pa lamang itong natikman ngunit siguradong kakaibang karanasan ang ibibigay nito saiyo.

Virginia Woolf Tears - Mainit na sabaw bilang appetizer. Ito raw ay isang vegetarian soup dahil lahat ng sangkap nito ay pawang gulay lamang. Sa natikman namin, parang nagmula sa dinurog na patatas ang soup at hinaluan ng iba't ibang pampalasa, mushroom, basil at red cabbage. Dahil sa masaganang lasa ng mga spices, siguradong lalo kang gaganahan kumain at napakapresko sa pakiramdam ng mga herbs na hinalo dito.
Courtney Love’s Potion of the Day - Ang inumin naman na ito ay nagmula sa mga prutas. Lasang dalandan ito na nilagyan ng honey para maging matamis. Malalasahan mo rin ang tanglad (lemongrass) at mint na nagbibigay ng preskong pakiramdam habang iniinom ito.
The Prince - Nagmistula itong isang hardin sa plato dahil sa makulay na presentasyon nito. Sa loob ng cabbage ay may nakatagong surpresa, ang black rice na may olive oil at iba't ibang klaseng karne tulad ng manok, turkey at lamb na punong puno ng lasa dahil sa iba't ibang herbs na hinalo dito. Napakalaki rin ng serving kaya mabubusog ka sa pagkaing ito. Ito ang main course dito at nagkakahalaga ng 999.00 pesos kasama na ang Axl Rose Egg shot, Virginia Woolf soup, Courtney Love's juice at dessert.
Ayon kay Chef Jetro, ang turkey at manok raw ay ang mga pangunahing white meat na nakakatulong sa pagtanggal ng depression at gayun din ang lamb para sa red meat. Kaya kadalasan ito ang kanyang mga ginagamit na sangkap dito. Sa isang plato, maaaring puro lamb ang laman nito at sa isa naman ay maaaring puro turkey. Maaaring kainin ito ng nakakamay at gawing wrap o pambalot ang dahon ng cabbage.
The Duke - Tulad ng The Prince, puro karne (Turkey, Chicken at Lamb) rin ang makikita dito. Nagkakaiba lamang sa mga herbs at spices na hinalo dito. Kasama ng pagkaing ito ang Virginia Woolf soup, Courtney Love juice at dessert sa halagang 888.00 pesos.
The Duchess - Kapag pambabae raw ang pangalan ng nasa menu, isda ang pangunahing sangkap nito. Sa pagkain na ito, imbes na karne ay pawang salmon ang sangkap, may kasama rin itong black rice at binudburan ng ilang spices. Ang salmon daw ay may anti-depressant properties kaya ito raw ang ginamit na sangkap dito. Nagkakahalaga ito 888.00 pesos kasama ng Virginia Woolf soup, Courtney Love juice at dessert.
Matapos naming maubos ang aming mga pagkain, pinapili kami ng aming panghimagas. Para sa wholesome na dessert, binigyan kami ng banana flavored ice candy na may ispesyal na sawsawan. Ayun sa chef, ang saging daw ay isang pagkain na mabisang pantanggal ng depression.
Mel Gibson’s Darkest Sin - Ito naman ang sinful na dessert, isang dark chocolate na may matingkad na panglasa at binudburan ng almonds at paprika sa ibabaw. Ngunit bago mo ito makain ay kailangang inumin muna ang isang tagay ng absinthe, isang uri ng alak na nagmula sa halamang Artemisia absinthium o grand wormwood. Nakakatindig balahibo ang dessert na ito dahil sa init na ibinigay ng alak.
Maliban sa mga kakaibang pagkain at super sayang experience, may pahabol na isa pang dessert si chef. Ito ay ang kanyang ginawang leche flan na mayroong meringue sa ibabaw at binudburan ng Almonds. Mmmm. Sakto lamang ang tamis kaya nagustuhan namin ito. Tamang tamang panghimagas pagkatapos ng masasarap na pagkain.
Kung sa tingin ninyo ay may kamahalan ang restaurant na ito, sulit na sulit naman ang kakaibang karanasan hindi lamang sa kanilang pagkain kundi sa maaari ninyong makita sa kabuuan. Hindi lang ito restaurant kundi isang art space din dahil dito nakatanghal ang mga artwork na ginawa ni Jetro.
Nagbubukas lamang ito kung kelan nasa mood ang chef kaya mas mabuting tumawag muna bago pumunta para makatiyak. Kung nais ninyong sadyain ito, subukang pumunta mula 5:00 pm hanggang 10:00 pm.
Nagbubukas lamang ito kung kelan nasa mood ang chef kaya mas mabuting tumawag muna bago pumunta para makatiyak. Kung nais ninyong sadyain ito, subukang pumunta mula 5:00 pm hanggang 10:00 pm.
Van Gogh is Bipolar
Sikatuna Village154
Maginhawa St Sikatuna Village, Quezon City
(02) 394-0188
Sikatuna Village154
Maginhawa St Sikatuna Village, Quezon City
(02) 394-0188