Hindi tulad ng mga ordinaryong restaurant, para sa kanila daw ay less price doesn't mean less food. Hindi nangangahulugan na dahil mura ang kanilang mga pagkain ay masasakripisyo ang kalidad na pagkain na iyong matitikman. Dahil ang konsepto ng Chubs Steak at Manok ay ihain sa masa ang pagkain tulad ng steak sa abot-kayang halaga.
Related Article: How to cook authentic Bicol Express
At sa aming pagbisita dito ay nasubukan namin ang ilan sa mga binibida nilang pagkain. Kamanghamang nga naman na napakamura ng bawat putahe dito.
1. Sexy Pork Chop Steak Meal
Una sa listahan namin at dapat hindi pinapalagpas sa restaurant na ito ay ang Sexy Pork Chop Steak Meal served with special gravy blend, soup, side dish, rice at iced tea. For a 99-peso meal, the presentation was okay, malinis at nakakatakam tingnan kaagad ang grilled porkchop. Lalong umangat yung lasa ng pork chop steak ng samahan ito ng kanilang divine sauce. Para saamin ay perfect na perfect to at siguradong magugustuhan ninyo rin ito.
Price: 99.00 pesos
Tiyak na mapapalamon ka nga dito pero huwag mag-alala dahil mayroon din silang mga pagkain para sa mga nagdadiet at mga nagpapasexy. Isa ang Chubs Cabbage Special dito. Orihinal na side dish daw ito ngunit dahil nabibitin daw ang iba sa sarap nito ay ginawa na nila itong isang regular dish na pwedeng gawing ulam. Sakto lang ang alat nito na maspinasarap ng lasa ng hipon na inihalo dito at binudburan ng prinitong bawang sa ibabaw.
Price: 89.00 pesos
Maliban sa mga rice meals nila, dinarayo rin daw ang kanilang mga meryenda meals. Ang pinakasikat dito ay ang Chubs Chicken Burger na may sangkap na lettuce, cheese, pickled cucumbers, kamatis, matamis na sibuyas, napakasarap na sauce at syempre juicy na juicy na patty. Sulit na sulit dahil may kasama na itong french fries at iced tea. Kung akala niyo na magiging chubby kayo dahil sa kapal ng burger na ito, huwag mag-alala dahil mula sa karne ng manok ang patty nito at puro gulay ang kasama nito. Healthy na healthy di ba? Maari niyo ring tikman ang Chubs Beef Burger kung nais ninyo ng ibang flavor.
Price: 99.00 pesos
Ito naman ang naging aming paborito, ang Chubs Malungay Pesto Pasta. Mula sa malunggay ay pinaangat at ginawang Pinoy na Pinoy ang isang simpleng pasta meal dahil sa kakaibang flavor nito ngunit mas naging affordable. Malalasahan ang natural na flavor ng malunggay na inibabawan ng karne ng manok na may tamis at alat ang panlasa na siyang nagbibigay karagdagang sarap. May kasama na rin itong iced tea kaya kumpleto na ang meryendang ito.
Price: 99.00 pesos
Kung panghimagas naman ang hanap mo, bakit hindi naman tikman ang Chubs Mango Float. Mabilis daw ito maubos dahil marami ang naghahanap sa homemade na dessert na ito. Saktong panapos sa masarap na kainan at hindi nakakaumay dahil sakto ang tamis nito. Pagsinubo mo ito ay unti-unting natutunaw sa iyong bibig. Dahil sa sarap nito, nagiging instant pasalubong din ito ng mga customers sa kanilang mga kaibigan at pamilya.
Price: 40.00 pesos
Bukas ang Chubs Steak at Manok mula Monday hanggang Sunday, from 11:00 am to 11:00 pm.
86 Visayas Ave.
1128 Quezon City, Philippines
Phone: 0926 298 5249
Email: [email protected]