TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

The cheesiest experience at Flatbread Central, A Venue, Makati City

9/11/2013

0 Comments

 
Picture
Want to experience cheesy moments with someone special? Why not take them to the cheesiest place in the metro. Try Flatbread Central located at A.Venue, Makati Avenue, Makati City and grab some "flat" bread made with succulent flavors and filled with extra melted cheese on top.

Hooraayyy for another weekend foodtrip. At isa sa sinuyod namin ay isa sa mga favorite spots ng foodies, ang Makati Avenue. Nakahilerang mga restaurants ang matatagpuan dito lalo na sa paligid ng A.Venue Mall. Ilan lamang sa mga ito ay ang Hooters, Burger Avenue, Giligans at iba pang mga kilalang mga food chains. Ngunit sa isang kanto ay makikita ang Flatbread Central na umagaw saaming pansin dahil sa masasarap na menu dito. 

Related Article: The Ultimate Burger Experience at Zark's
Picture
Mula sa pangalan nito ay malalaman mo na kung ano ang dinadayo ng mga tao sa restaurant na ito, at syempre, ito ang kanilang iba't ibang flavors na flatbreads. Ito rin ang aming sinubukan para malaman kung aprub nga ba sa aming panlasa ang pagkain dito. :)
Picture
Mula sa menu ay marami ka nang pagpipiliang pagkain. Ngunit nagtanong kami kung ano nga ba talaga ang dapat namin tikman. Kadalasan sa sagot nila ay ang Supremo Flatbread. Siguradong masarap nga naman ito dahil may halo itong smoked American pepperoni, ham, bacon, ground beef, sausage, mushrooms, green bell pepper, onions, black & green olives at anchovies at syempre binudburan ito ng napakaraming mozzarella cheese. Nagkakahalaga ito ng 400.00 pesos para sa regular size, 520.00 pesos para sa large size at 630.00 pesos para sa family size.

Maaari rin kayong pumili sa iba pang flatbread tulad ng Cheese, Cheesy Garlic, Margareth's Choice, Mahalo, Vegetarian, Shrimp & Bacon, Pep & Sal's Special at All Meat. Nagkakahalaga ito mula 250.00 pesos hanggang 590.00 pesos.
Picture
Picture
Maari ka ring mamili sa rice meals at sandwich. Ilan sa mga masasarap na rice meals ay ang Chicken Loco, Pork Belly Loco at Breaded Porchop. Sa sandwiches naman ay ang Hoagie Chili Beef Dog at Hoagie Cheesesteak.
Picture
At syempre, hindi makukumpleto ang ang masarap na foodtrip kung walang kasamang beer. Bilang panulak ay kumuha kami ng isang bucket ng beer sa halagang 240.00 pesos. :)
Picture
Picture
Isang happy weekend foodtrip na naman para saamin. :)

Flatbread Central
Unit 101, A Venue Mall, Makati City
Phone: (02) 919 0909

Picture
0 Comments



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.