
Related Article: "Pasalubong" Ideas and Tips from Kalibo, Aklan
1. Planuhin ang eksaktong araw ng iyong paglalakbay at mag-abang ng promos. Maaring mag-abang ng mga promos ng mga airlines tulad ng piso fare, sale at iba pa. Kadalasan, masmakakamura ka kapag bumili ka ng ticket habang malayo pa ang iyong araw ng paglalakbay. Alamin din kung may discounts ang mga destinasyon na gusto mong puntahan. Sa pamasahe pa lang ay malaki na ang iyong matitipid.
2. Maglista ng mga lugar ng pupuntahan at maglaan ng budget sa bawat activity na gagawin. Importante ang itinerary sa pagbabyahe. Isang paraan ito para planado ang iyong activities at budget. Ilista ang mga activities at maglaan ng budget sa bawat isa. Halimba, ilista budget sa pamasahe, renta sa tutuluyan at pagkain. Sundin ito ng maigi upang hindi masira at magkulang ang iyong budget. Sa ganitong paraan ay malalaman mo rin ang halaga ng pera na dapat mong bitbitin. Laging magbigay ng palugit para hindi kapusin.
3. Magbaon ng mga pagkain tulad ng mga instant foods; biskwit, de lata, kape o noodles. Madalas na makikita natin sa ating pinaglalakbayan ay ang mga mamahaling restoran. At kung talagang limitado lang ang iyong budget, masmabuting magbaon ng mga pagkain. Magdala ng mga de lata, instant noodles, kape at iba pa upang masmakamura. Ang mga instant noodles ay madaling lutuin at hindi maaksaya sa oras. Tipid sa budget at tipid sa oras.
4. Huwag itapon ang nagamit nang bote ng mineral water o iba pang inumin o kaya ay magdala ng sariling baunan ng tubig. Maaari itong gamitin muli. Linisin ito ng mabuti at lagyan ulit ng tubig para laging may baon sa iyong paglalakbay. Nakakapagod at nakakauhaw ang mag-ikot ikot at para makatipid ka ay hindi mo na kailangan bumili ng panibagong bote ng tubig, maaari ka na lang magrefill ng tubig bago umalis ng hotel/bahay o magrefill sa mga drinking fountains. May mga lugar din na mahirap maghanap ng inumin at kadalasan isa ito sa nagiging problema.
6. Magahanap ng matipid na mga pasalubong. Kultura ng mga Pinoy ang mamili ng pasalubong para sa mga kaibigan at kapamilya. Upang masmakatipid ay maghanap ng murang bilihan ng pasalubong. Magkumpara muna ng presyo sa bawat tindahan at piliin ang may binakamababang presyo. Kung maaari ay hindi pagkain ang iyong pasalubong, ito ay kadalasang masmahal at madaling mabulok. Kadalasan na magandang pasalubong ay key chains, ref magnets at mga bracelets. Bumili ng saktong pasalubong lamang para hindi gumastos ng marami.
7. Maghanap ng mga murang tutuluyan o maghananap ng kaibigan na pwedeng panandaliang tirahan. Hindi naman kailangang nakatira ka sa mamahaling hotel para maging masaya sa paglalakbay. Kung maaari ay makitira sa kamag-anak o kaibigan para mabawasan ang gastusin. Kapag kakilala nyo ang inyong tinitirahan ay tiyak na masmagiging safe kayo. Maaari ring maghanap ng mga backpackers inn. Huwag sayangin ang pera sa mga bonnggang hotels dahil dapat nilalaan ang oras sa pag-iikot at pagbisita sa mga tourist destinations. Lagi lamang isipin na kahit mura ang tinutuluyan ay dapat komportable at ligtas ito.
8. Magresearch tungkol sa lugar at mga pwedeng gawin dito. Mahalagang magsaliksik bago maglakbay. Alamin ang currency ng lugar/bansa na iyong pupuntahan para malaman ang perang dadalhin. Alamin ang mga murang pwedeng tirahan, kainan at bisitahing tourist destinations. Alamin din ang kultura, immigration rules at mga batas sa pupuntahang lugar. Sa mga paraang ito, maiiwasan ang paggastos ng alanganin dahil alam mo ang iyong mga kailangan at dapat gawin. Minsan, nadadagdagan ang gastos dahil sa multa kapag hindi nakasunod sa mga patakaran o batas sa isang lugar.
9. Maghanap ng travel buddy. Kung maaari ay maghanap ka ng iyong makakasama sa paglalakbay. Masmasaya maglakbay kasama ang mga kaibigan o mga kapamilya. Sa ganitong paraan ay masmakakatipid ka dahil maaari ninyong paghatian ang gastusin tulad ng renta sa bahay at sa pagkain. Masnakakamura din kumuha ng mga packages sa tour at activities kapag grupo. Ang paglalakbay ng may kasama ay masligtas din.
10. Travel light and easy. Maspinapayo naming maglakbay ng nakabackpack lamang. Masmatipid ito dahil hindi mo na kailangan magbayad ng check-in baggage. Magdala rin ng saktong amit at iba pang kagamitan kung kinakailangan. Mastipid din ito sa oras dahil wala ka nang inaalalang mga bitbitin. Masmakakapaglibot ka kung magaan na gamit lang ang iyong dala. Kung kakapusin ka sa gamit ay maaari ka namang maglaba. :)
Posted: 7/27/2012
Updated: 8/12/2014