When you go to Kalibo, Aklan, you can always easily find the best "pasalubong" before leaving the place. But where, and what exactly? Here are the places we visited in Kalibo, Aklan to buy for pasalubongs.
1. Bongbong's Piaya & Barquillos - Mainit-init at bagong lutong piaya ang matitikman sa Bongbong's Piaya & Barquillos Pasalubong Center. Ito ay matatagpuan sa Gaisano Capital Kalibo. Ang piaya at baraquillos ay nagmula pa sa karatig na lugar ng Aklan tulad Ilo-ilo at Bacolod, dahilan kung bakit isa sa hinahanap hanap na pasalubong ng mga turista. Maliban dito ay kilala din ito sa masasarap na butter scotch, tart, pastillas at meringue.
Related Article: "Pasalubong" Ideas and Tips from Singapore
Related Article: "Pasalubong" Ideas and Tips from Singapore
2. Original Biscocho Haus - Mula sa pangalan nito, ang biscocho ang pangunahing dinarayo ng mga tao dito. Magandang ideya rin bilang pasalubong ang baraquillos, butter scotch, meringue at tarts na syang pangunahing produkto dito. Matatagpuan ang Original Biscocho Haus sa Gaisano Capital Kalibo.
3. Kalibo Market - Mga native products, handicrafts at iba't ibang malikhaing bagay ang iyong makikita sa Kalibo Market tulad ng banig, basket, keychains at maging mga palamuti sa bahay na yari sa kahoy, lokal na kasangkapan at pangunahing produkto ng Kalibo. Ang mga bagay na ito ay isang magandang ideya bilang pasalubong dahil lahat ng ito ay ginawa ng mga Aklanon at 100% produktong Pinoy.
4. Tamayo Textiles - Kung ang hanap nyo naman ay mga t-shirt bilang souvenir at pasalubong, maaring dayuhin ang Tamayo Textiles dahil sa iba't ibang desinyo nito. Makukulay na sando at shorts na may tatak ng lugar na Aklan ang inyong maiibigan dito.
5. Jocyl's Foods - Kung mga pagkain naman ang pag-uusapan tulad ng tocino, tapa at longganisa, ang Jocyl's Foods naman ang perpektong puntahan para sa mga iba't ibang processed foods at maging ang malinamnam na cassava cake na syang ipinagmamalaki nito. Kung nais nyo itong puntahan, makikita ito sa Tigayon Highway, Kalibo. Ilan sa mga produktong pwedeng pampasalubong ay ang chorizo, crispy peanuts, ampaw at chicharon.
6. Sampaguita Gardens - Maliban sa kakaibang ganda na itinataglay ng lugar at kumportableng getaway para barkada at pamilya, ang Sampaguita Gardens ay nakilala rin dahil sa iba't ibang uri ng figurines at souvenirs na pang world class ang dating. Matatagpuan ito sa 506 Rizal Street, New Washington, Kalibo. Libo-libong mga collectible items ang makikita dito tulad ng mga piguring anghel, manika at maging ang dating presidenteng si Cory Aquino at ang asawang si Ninoy. May mga t-shirts, bags at maging cards na swak na swak na pasalubong para sa mga kaibigan.
Ang pasalubong ay naging kaugalian na ng mga Pinoy bilang pag-alala sa ating mga kaibigan at kapamilya upang ibahagi sa kanila ang masasayang karanasan sa ating paglalakbay sa isang lugar. Kaya upang maipakita natin ang kagandahan ng Kalibo, Aklan sa kanila, ilan ito sa aming maibabahagi para tunay nilang malasap kayamanang mayroon ang Kalibo, Aklan. Sa simpleng piaya, tshirt o kaya keychain, sana mapasaya natin ang ating mga mahal sa buhay.