1. Kapag tinanong mo ang kaibigan mo ng tungkol sa damit, make up o anumang bagay kung "Pangit ba?", madalas na sagot niya diyan ay "Sakto lang, Okey lang o kaya Hindi naman!" Huwag na huwag kang maniwala sa sagot na iyan dahil ang ibig sabihin nyan ay "Oo, pangit yan, di bagay sayo!" pero hindi natin masabi ito ng direkta dahil baka magalit sya.
Related Article: 9 Reasons why traveling with barkada is not complete without a "tanga"
2. Kapag namimili sa mga bangketa o sa mall at walang nagustuhan, ang sasabihin natin sa tindera ay "Babalik na lang ako ah?" kahit ang gusto naman talaga nating sabihin ay "Wala akong nagustuhan, hindi ako bibili."
3. Kapag may niyaya kang kaibigan at ang sinabi sayo ay "Try ko sumunod," huwag kang umasa dahil ang ibig nyang sabihin ay "Hindi ako makakapunta."
4. Kapag binigyan mo ng papuri ang isang Pilipino tulad ng "Ang galing mo naman!" madalas na isasagot nya sayo ay "Hindi naman." Pero ang totoo ay feel na feel nya yan. Bakit hindi na lang sabihing salamat o kaya amining magaling talaga siya?
5. Kapag niyaya mo namang kumain ng ibang tao at itatanong mong"Kumain ka na ba?" ang madalas na sagot dyan ay "Sige lang, busog pa ako eh!" kahit alam nya sa sarili nyang hihimatayin na sya sa gutom.
6. Kapag nagkayayaan ang barkada at sinabi mong "Tara gimik tayo." at saktong wala siyang pera, ang madalas mong maririnig na isasagot niya ay "Kayo na lang, marami pa akong gagawin eh" pero kahit alam mo naman na gimikero talaga sya. Nahihiya lang yan magsabing, "Wala akong pera eh."
7. Kapag kumakain siya ng paborito niyang Pringles at ayaw niya mamahagi, pero bilang respeto mag-aalok pa rin ito at babanggitin niya ang nakakairitang tanong na "Ayaw mo ba?" Kunwari nag-alok pa pero ang totoo ay ayaw naman talaga mamigay.
9. Kapag nakita mo ang kaibigan mong may kulangot o kaya tinga sa ngipin, hindi ka na lang kikibo dahil nahihiya kang magsabi. Hihintayin mo na lang na mapuna niya yun o kaya mahulog na lang bigla.
10. Kapag pinakilala ng kaibigan mo ang jowa niya at napangitan ka, wala kang maisasagot kapag nagtanong siya kung gwapo o maganda ang gf/bf niya kundi sasabihin mo na "Oo, bagay nga kayo eh!" kahit alam mong napaka-chaka ng jowa niya.
Ang weird nating mga Pilipino ano? Bakit hindi na lang natin sabihin ang totoo. Bakit kailangan pa nating magpakaplastik? Pero ganoon talaga tayo. Ayaw nating mapunta sa sitwasyong tayo ang mapapahiya, kaya minsan nagsisinungaling na lang tayo para wala nang isyu pa. Pero sana lagi nating maisip kung ano nga ba ang makakabuti, maging totoo o maging plastik?