Related Article: 8 Types of people you DON'T want to travel with (at dapat iniiwan sa byahe)
Hindi madaling maging tanga. Sa katunayan, isa itong katungkulan at malaki ang naitutulong nito sa grupo. Kung walang tanga, boring ang samahan at lalong lalo na walang buhay ang isang paglalakbay dahil sa mga lakwatsa ng barkada ay diyan nailalabas ang matinding katangahan. May nahuhulog sa bangka, may naiiwan ng sasakyan at maglalakad na lang, maynadadapa sa pilapil, may mga problema pero positibo pa rin ang tingin dito. Ilan din sa mga dahilan kung bakit masaya kasama ang tanga sa paglalakbay ay ang mga sumusunod.
1. Kung walang tanga, walang source ng katatawanan - Siya yung joker, kengkoy at kwela. Mahilig magbiro at magpatawa sa grupo. Siya yung tipong pagnadapa ay pagtatawanan nyo. Minsan sa simpleng katangahan niya, sinasabayan niya pa ito ng mga kalokohan para sa kaligayahan ng buong barkada. Kahit laging palpak ay may mga banat pa rin siyang nakakatawa upang mapasaya ang lahat. Dahil doon,ang simpleng problema ay nagiging isang biruan na pagtatawanan na lamang.
2. Kung walang tanga, walang wagas kung tumawa - May mga panahon na minsan napapalalim ang usapan. Minsan hindi niya naiintindihan pero natatawa siya at talagang siya pa ang pinakamalakas tumawa. Mahilig ito bumanat na kahit di nakakatawa yung joke, marinig mo lang yung tawa niya, madadala ka na. Masarap kasama ito sa mga lakad ng barkada dahil siya yung nangunguna sa kaligayahan.
3. Kung walang tanga, walang hindi pikon - Marunong magpasensya ang taong ganito. Kadalasan sa tipo ng tao na ito ay marunong umintindi at makisama. Kahit inuokray na sya todo ay hindi magawang magalit sa iba, bagkus gusto niya pa na inaasar siya. Masarap ang biruan habang nagruroad trip lalo na kapag masyadong mahaba ang byahe. Siguradong kapag may tuksuhan at biruan ng walang napipikon ay hindi ka mababagot sa byahe.
4. Kung walang tanga, walang adventurous at malakas ang loob - Tinatry niya ang lahat ng walang pag-aalinlangan. Pagkasama mo ito sa isang adventure, siya muna ang pinakaunang susubok bago ang grupo. Siya muna ang unang tatalon sa falls bago susunod ang iba. Siya muna ang unang titikim ng mga kakaibang pagkain bago titikman ng lahat. Kapag maanghang o pangit ang lasa ng isang pagkain, pagtatawanan na lang siya. Dahil sa taong to kaya nagiging game na game ang grupo sa lahat ng trip.
5. Kung walang tanga, walang masunurin at madaling pakiusapan - Este madaling ututin. Hahaha. Hindi naman sa ganun pero siya yung kadalasang kumikilos sa barkada. Maasikaso sa mga kagrupo kaya kumikilos agad kapag may kailangan ang grupo. Sa outing, siya yung magaling magsaing, magsiga ng apoy sa bonfire at magbitbit ng mga kagamitan. Hindi basta bastang nagrireklamo kahit nalalamangan na ng ibang kasama kaya wala pa ring away at kahit medyo nahihirapan na sa ginagawa, tatawa na lang ito. Minsan, yung taong ito ang runner ng grupo pero hindi siya nagrireklamo.
7. Kung walang tanga, walang excited palagi sa anumang trip- Ito ang mahilig magyaya ng iba't ibang adventures. Minsan kahit alam niyang masasaktan siya ay ginagawa pa rin nito ang mga bagay bagay with full excitement. Dahil lagi siyang excited, walang boring na moments ang samahan ng barkada. Dahil lagi siyang excited, nagiging excited na rin ang buong grupo sa isang trip. Siya ang nagsiset ng mood ng barkada sa anumang lakad. Good vibes lagi.
8. Kung walang tanga, walang kakaibang experience - May mga bagay na tanging ang tangang barkada lang ang nakakapag-isip. Sabi nga di ba, "sometimes the most stupid idea is the most brilliant idea". Minsan kagaguhan lang ang mga sinusuggest pero ito pala ang tamang dapat gawin o kaya naman ay nagiging ang ice breaker naman sa usapan. Ang mga bagay na kanyang naiisip ang pinagmumulan ng mga kakaibang experience. At sa huli, ang mga katangahan na iyon ang nagpapasarap sa samahan at nagiging masayang memories ng barkada.
9. Kung walang tanga, walang tunay na kaibigan - Kumbaga, siya ang bestfriend ng lahat. Kahit ano pa man ang katangian niya, nanatili siyang isang tunay na kaibigan na nagpapasaya sa bawat miyembro ng barkada. Madali siyang lapitan at magaan kasama. Mapapalapit ka talaga sa taong ito dahil totoo siya sa sarili at totoo siya makisama sa lahat. Kahit anong klase ng tao ay kaya niyang pakisamahan.
Kung walang tanga, hindi magiging masaya ang barkada. Sila ang nagbibigay buhay at kasiyahan sa isang barkada. Ito ang masarap kasama sa byahe dahil hindi magiging boring ang bonding at karamihan sa ginagawa niya ang nagiging masayang memory sa isang trip.