How to get there:
Mula Cubao ay byumahe kami ng halos 2.5 hanggang 3 oras lulan ng bus na dumadaan sa SCTEX patungo sa Cabanatuan City. Ilan sa mga bus na ito ay ang Five Star Bus Co., Genesis Transport Services, Baliwag Transit at ES Transport. Mayroong terminal ng bus sa Cubao, Avenida at Pasay. Nagkakahalang 180.00 to 185.00 pesos ang pamasahe dito.
Related article: The Pink House Cafe: A destination for Hello Kitty lovers
What and where to eat:
Bumaba kami sa tapat ng Robinsons Cabanatuan. Upang simulan na ang aming paglalakbay at pag-iikot sa lungsod na ito, dumiretso kami sa Joey's Restaurant Cafe na siyang bilin ng aming kaibigan na si Chiz. Kailangan daw naming matikman ang kanyang paboritong palabok na siyang kilala dito at ito ang pinakauna sa aming listahan ng Top Food Destinations sa Cabanatuan City.
1. The delectable palabok of Joey's Restaurant Cafe
We agreed with Chiz (a friend who told us to try Joey's) that their palabok is one of the bests, especially in Cabanatuan City. You can taste the authenticity of the palabok with extra crunchiness of the chiracharon (minsan chicharong bulaklak daw). Try to top it off with a very refreshing buko juice or sago't gulaman. Sarraaappp! With the price of 80.00 pesos, sulit na sulit ito sa merienda.
There are 2 branches of Joey's restaurant cafe in Cabanatuan City. One is located at the 2nd floor of NE Pacific Mall. And the second, which is the main branch is located in the city proper just in front of St Nicolas de Tolentino Cathedral.
2. The vegetarian siopao of NE Cakes and Restaurants
Isa ito sa pinakakilalang restaurant at bakeshop sa Nueva Ecija dahil sa tagumpay na narating nito sa linya ng food business. Sa ngayon, hindi na mahihirapan ang mga tagatangkilik ng kanilang produkto dahil sa mabilis na pagdami ng mga branches nito.
Dahil kakaiba ito at unang beses pa lamang namin makakita ng vegetarian siopao ay ito ang pinili naming tikman. Hindi kami binigo sa aming natikman dahil napakasarap nito. Maliban dito ay maari mo ring tikman ang kanilang special na ube ensaymada, iba't ibang flavor ng cake at hopia.
3. The must-try ice cream of Puno's Ice Cream and Sherbet
When you crave for ice cream in Cabanatuan, locals will surely refer (or bring) you to Puno's. Hindi na kailangan magpakalayo pa dahil mayroon maliliit na tindahan ito sa loob mismo ng NE Pacific Mall. Ngunit kung nais nyong dumayo sa pangunahing tindahan nito, tumungo lamang sa Maharlika Hi-way, Brgy Bitas.
Nalasap namin ang sarap ng pinagmamalaking sorbetes dito. Ang Cheese Cashew Macapuno ang nagpatunay kung bakit tinatangkilik ito sa buong lungsod. Parang pastillas ang lasa nito ngunit sa bawat kagat ay may mangunguya kang kasoy at makapuno na lalong binigyang buhay ang lasa ng malakremang keso. Yum yum!
4. The authentic Nueva Ecija's papaet of Five Mamas' Food Connection
O maskilala lamang bilang Five Mamas', ito ay isa sa dinadayo ng mga tao dahil sa kanilang iba't ibang uri ng lutong bahay. Ilan sa mga dinarayo dito ay ang sizzling bulalo, nilagang bulalo, lomi, sisig at pancit. Ngunit ang kanilang "papaet" o maskilala natin bilang papaitan ang nanguna sa aming panlasa. Hinaluan ito ng dahon ng sampaloc upang maging (medyo) maasim. At higit sa lahat, hindi masebo ang sabaw kaya hindi ka matatakot humigop nito. Ito raw ang paraan ng pagluto ng papaet ng mga taga Nueva Ecija.
5. The pretty jell-o kitty of The Pink House Cafe
Patok ang restaurant na ito dahil sa kakaibang disenyo nito at mga pagkaing ibinibida ang sikat na karakter na si Hello Kitty. Isa sa pinakamabentang pagkain dito ay ang kanilang dessert na Jell-o Kitty. Ito ay mula sa gulaman na hinulma upang mag-anyong Hello Kitty. Ang cute na cute na pagkain na ito ang umaagaw pansin sa mga customers dahil mura na ay nakakaaliw pa ito.
Ang Pink House Cafe ay matatagpuan sa Lorenvill Subdivision, Mabini Homesite, Cabanatuan City, Nueva Ecija.
6. The good-tasting coffee and espresso of Barj Cafe
This cozy resto is one of our favorites in Cabanatuan. Sa pagpasok ay makikita mo agad ang kaayusan ng restaurant na ito. Ngunit sa likod ay may naiitagong tahimik at relaxing na pwesto. Dito kami nagpalipas ng konting oras para mamahinga. They serve snacks like pastas, sandwiches, nachos and pizzas. Kung gusto nyo naman ng rice meals, kilala ang kanilang sausages sa isa sa paborito ng mga tao. Ngunit ang kanilang pinagmamalaki dito ay ang iba't ibang timpla ng kanilang kape, mapa hot o cold man. Perpekto ito sa tahimik at magandang pwesto.
7. The thrist-quenching beers & cocktails of Side Strip
Do not leave Cabanatuan City without experiencing the night life of the city. Simple lamang ang mga gimikan dito ngunit umaapaw ito sa kasiyahan. Maaari kang magvideoke kasama ang barkada o kaya di naman ay magrelax lang. Siguraduhin lamang na malasahan ang mga cocktails na gawang Cabanatuan o di kaya ang mga pulutang magpapasarap ng inyong inuman. Cheers!
Maliban sa napakadaming lugar na pwede pagfoodtripan sa Cabanatuan City, may taglay din itong mga makasaysayang lugar na siya ring dinarayo ng mga turista. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Ito ay itinayo pa noong 1866 ni Father Jose de la Fuente ay isa sa makasaysayang simabahan sa Cabanatuan. Matapos wasakin ito ng lindol noong 1880, muling ibinalik ito sa kaayusan ni Father Mariano Rivas makalipas ang 11 na taon. Sa ngayon, ito ay pansamantalang simbahan na lamang habang itinatayo pa ang masbagong simabahan sa parehong lungsod.
Sa harap ng San Nicolas de Tolentino Cathedral ay makikita ang isang monumento ng bayaning si Gen. Antonio Luna. Ito ang eksaktong lugar kung saan pinatay ang bayani ng mga sundalo ng dating presidente na si Emilio Aguinaldo noong June 5, 1899. Sa ngayon, ang monumentong ito ay ang siyang tanging gumigunita sa mga kabayanihan ni Antonio Luna.
3. Camp Pangatian
Ito ay isang makasaysayang lugar dahil nagsilbi itong kampo ng pagsasanay noon sa pangangalaga ng mga Amerikano ngunit ginawa itong kulungan noong panahon ng mga Hapon. Sa ngayon, ito ay isang sikat na pasyalan at tourist destination ng mga dating nakipaglaban noong WWII.
Village Inn Hotel
Mabini Homesite, Cabanatuan City
Website: http://www.villageinncabanatuan.wordpress.com
Contact Number: (044) 463 1056 / (0915) 301 2362
*Thanks Chiz and family. :)