Just like what most mothers say, "Don't forget to eat your breakfast!" is actually so true in one restaurant in Kapitolyo in Pasig City. This restaurant is becoming a foodie spot just to get their favorite breakfast menu at any time of the day.
Matatagpuan ang Milky & Sunny sa 9 East Capitol Drive, Kapitolyo, Pasig City, isang restaurant na anumang oras ng araw ay maari kang kumain ng iyong mga paboritong almusal. Siguradong mabubusog ka sa naglalakihang mga pagkain dito. Hindi lang iyon, dahil sa kakaibang disenyo dito ay pakiramdam mo ay nasa sariling bahay ka lamang.
Related Article: The Halo-halo that makes Pampanga a cool place to visit
Related Article: The Halo-halo that makes Pampanga a cool place to visit
Unang-unang mapapansin dito ay ang kakaibang disenyo ng lugar. Feel-at-home kumbaga dahil sa mga malikhaing pagkaayos ng upuan, lamesa at ng dingding dito. Ilang magasin, libro at lalong lalo na ang gawang-kamay na mga palamuti ang nagbibigay kakaibang buhay sa restaurant. Mula pagpasok mo pa lang ay sasalubungin ka na ng isang hawla na may lamang handcrafted na mga paper ornaments.
Nakakabuhay din sa pakiramdam habang nalalanghap mo ang amoy ng mga bagong lutong bacon, sausages at pakiramdam mo ay nasa bahay ka lamang habang naghihintay sa luto ng iyong nanay, isang dahilan kung bakit hindi mo maiiwasang ngumiti habang iniisip ang mga bagay na iyon. Habang hinihintay ang iyong pagkain, naiimagine mo ang crispyng bacon, ang juicyng sausage at malalambot na waffles at tiyak na excited ka nang tikman ang almusal mo. :)

Maliban sa gandang taglay ng mumunting restaurant na ito, bakit hindi natin alamin ang mga pagkaing pinagmamalaki dito dito.
Breakfast Platter
Simulan sa pinakamalaki at pinakapaboritong pagkain dito, ang Breakfast Platter. Dahil sa laki nito, swak na swak sa food trip at ito ang nagiging kadalasang inoorder ng mga customers. Sa halagang P270.00, maari mong matikman ang iba't ibang paboritong breakfast. Maari kang mamili ng (3) tatlo mula sa spam, bacon, sausage, hot dog at corned beef. Dadag dito ay mamimili ka rin kung nais mo ay bagel, toast, pancake o waffle. Sa itlog naman, mamimili ka kung sunny side up o kaya scrambled. Huwag mag-alala at may dagdag pa itong hash potatoes sa Breakfast Big Plate. Nagustuhan namin ito dahil maaari mong kainin ang iba't ibang almusal sa loob ng isang plato lamang. Ayos na ayos di ba?

Tapa Breakfast Burito
Huwag ding palalagpasing matikman ang Tapa Breakfast Burito. Kakaiba ito dahil ginawang Pinoy Tapsilog ang sikat na pagkaing burrito na nagmula pa sa Mexico. Nangingibabawa ang manamisnamis na lasa ng Tapa, kasama nito ang masarap na sinangag at prinitong iltog na sinabayan din ng preskong mga gulay at saka binalot sa tortilla. Perpektong perpekto pa ang sawsawan nito. Matatakam ka talaga sa pagkaing ito at siguradong mai-enjoy ang bawat kagat nito. Nagkakahalaga naman ito ng P250.00 pesos.
Tomato and Spinach Omelette
Kung nais nyo naman magpaka fit and healthy sa araw na iyon, ang Tomato and Spinach Omelette ang bagay sainyo. Hindi kalakihan ang pagkaing ito ngunit lasang lasa ang kamatis at spinach na inihalo dito. Nagustuhan namin ito dahil hindi gaanong mabigat sa tiyan at sakto lamang sa mga taong nagda-diet at nagpapasexy. Nagkakahalaga ito ng P150.00 pesos na sulit na sulit naman sa budget.
Broccoli and Mushroom Casserole
Mainit na Broccoli and Mushroom Casserole naman ang inihain saamin na super yummy talaga! Siguradong magugustuhan ito ng mga taong mahilig sa keso na siyang nagbibigay creaminess dito. Sa bawat kagat mo ay matitikman ang lasa ng mushrrom at broccoli na sinabayan crunchiness ng binudbod na biscuits dito. Sa halagang P200.00, abot langit ang sarap nito.

At hindi makukumpleto ang breakfast kung walang kape na nagmula sa produkto ng The Coffee Bean and Tea Leaf. Hhhhmmmmm...
EAT! Oras na para sa kaninan. Habang nasisilayan mo ang mga disenyo na nakasabit sa dingding ay napapangiti ka habang kumakain. Nakakatuwa ang mga ito at masnakakagana sa pagkain.
So, tara na! Alam nyo na kung saan dadalhin ang buong pamilya at barkada! Kung nais ninyong sumaya ang inyong araw, isa ito sa dapat ninyong binibisita dahil ang lakas maka-goodvibes dito. At maliban dito, bakit hindi subukan ding mag-Unlimited Cereals dito? Seryoso! Kaya nga kami babalik pa eh! :)
Milky & Sunny
9 East Capitol Drive, Barangay Kapitolyo
1603 Pasig
Phone: 632+6542049
Email: [email protected]
Milky & Sunny
9 East Capitol Drive, Barangay Kapitolyo
1603 Pasig
Phone: 632+6542049
Email: [email protected]