TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

8 Types of people you DON'T want to travel with (at dapat iniiwan sa byahe)

8/5/2014

182 Comments

 
Picture
We all dream of taking a perfect vacation. Unfortunately, it’s not always as easy as it seems. Being with your friends in a vacation has a likeliness to reveal a lot more about your friends than you’re comfortable with. It can turn a wonderful vacation into a disaster instantly.

Ang paglalakbay ay kailangang laging maginhawa. Hindi dapat stressful. Ngunit minsan, kahit maayos mo itong naplano, marami pa ring nagiging problema dahil sa mga pag-uugali ng iyong kasama. Minsan naiiwan kayo ng eroplano o bus dahil sa tagal gumalaw ng isa. Minsan naman ay may umaarte kang kasama kaya hindi niyo magawa lahat ng masasayang activities sa isang araw. May ibang nagiging problema at pabigat lamang sa dapat masayang paglalakbay. At ito ang mga ayaw nating mangyari.

Related Article: The Pink House Cafe: A destination for Hello Kitty lovers

Sometimes it’s best to choose the friends you travel with. Lalong lalo na sa mga lugar na hindi kayo pamilyar. Ilan sa mga tipo ng taong na hinding hindi nyo nanaisin makasama sa bakasyon o paglalakbay ay ang mga sumusunod:

1. The Latecomer
Numero unong panira sa byahe. Laging nahuhuli dumating. Hindi umaabot sa takdang-oras ang pagdating, minsan lagpas pa. Paulit-ulit ang dahilan na natraffic, nasiraan ng sasakyan, nadukutan, blah blah blah. Ito yung tipong paalis na ang sasakyan ay hindi pa nagpapakita ng kahit anino. Nauubos ang oras ng lahat sa kakahintay at minsan ay dahilan ng pagkaiwan sa flight. Ito ang dahilan din ng pagkasira ng itinerary. Dapat dito iniiwan sa byahe.

2. The Control freak
Mr/Ms know-it-all. Mahilig magplano ng buong activities nang hindi komukonsulta sa ibang kasama at nag-iexpect na susunod ang lahat. Sya ang nagkukontrol sa inyong plano kahit taliwas sa gusto ngkaramihan. Liderlideran kung baga at mahilig magbida-bida. Nababalewala ang magagandang ideya ng iba at kung ano ang gusto nyang mangyari ay yun dapat ang mangyari. Kapag hindi nasunod ang gusto niya, Friendship Over. Dapat dito iniiwan sa byahe.

3. The Opportunistic cheapskate
Ito ang uportunista sa grupo. Kuripot na, mahilig pang magpalibre. Ayaw mag-ambag sa pagkain, gasolina o mga gastusin. Nananamantala. Umaasa lagi sa kasama na baka sakali ay ilibre sya. At kung hindi naman, bigla na lang mawawala pagbayaran na. Ito ang dahilan ng pagkasira ng budget sa travel na isang malaking problema sa byahe. Dapat dito iniiwan sa byahe.
Picture
4. The Sleeping beauty
Ang pagtatravel ay isang paraan para magpahinga, pero huwag naman lubusin ang buong araw sa pagtulog. Nagtravel ka para makita ang ganda ng isang lugar, para maglibot at hindi para magpaka-boring at magpaiwan lagi sa hotel para matulog. Dapat nagpaiwan na lang ito sa bahay nila. Sali sali rin sa activities pag may time. Sige ka, sa kakatulog mo baka mauna pang magtravel ang kaluluwa mo, maiwan ka! Dapat dito iniiwan sa byahe.

5. The Super vain 
Nauubos ang oras sa pagmimake-up, pag-aayos ng buhok at pagpili ng damit kesa sa pag-iikot sa mga tourist spots. Ito yung ayaw mangitim at pagpawisan sa hiking at nakafalse eyelashes habang nagsiswimming. Hindi mo alam kung nangangarap makatagpo ng 'man-of-her-dreams' o sadyang pati kalabaw nilalandi lang talaga. At para sa mga taong katulad nito, hindi gimik ang sadya nyo at lalong lalo na hindi beauty contest! Self obsessed! Dapat dito iniiwan sa byahe.

6. The Drama queen/king
Kung may beauty queen, lalong lalo nang hindi maalis ang drama queen. Ito yung tipong hinding hindi mauubusan ng eksena para mapansin lang. Habang masaya ang lahat ay eepal at gagawa ng matinding gulo para mapunta sakanya ang atensyon ng lahat. Ito yung kasamang dapat pinapatuklaw sa ahas dahil puno ng kadramahan ang buhay at hindi alam ang salitang 'kalma'. Gustong gusto manggulpi at makipag-away lagi kaya nadadamay ang grupo sa hindi ligtas na pagbyahe. Dapat dito iniiwan sa byahe.

7. The Choosy
Nagmamachoosy sa pagkain, sa tirahan, sa sasakyan at sa lahat. Umaarte ng wala sa lugar (at itsura). Naghahanap ng mga imposible. Nagpapaka-spoiled brat! Hindi marunong makisama at gusto lagi pagbigyan ang gusto niya. Aminin mo, ito yung nakakagigil at nakakapg-init ng ulo. Mawawala ka sa momentum kaya dapat dito iniiwan sa byahe.

8. The Negatron
At dahil sa super NEGA nito, hindi sya naniniwala na "You Only Live Once!". Super KJ at puro negatibo ang naiisip. Akala nya lahat ng bagay ay nakamamatay kaya laging nagwu-worry at napaka-pessimistic. Number one na nagdadala ng stress sa grupo dahil mahilig mamigil sa mga gagawin kaya minsan nasisira ang plano at hindi nasusunod ang pinag-usapan. Dapat dito iniiwan sa byahe.
Picture
182 Comments
Kaks link
8/9/2014 08:57:30 pm

Oh gosh, I hear you bro. But sometimes, you really have to travel with them, or else FO na! haha
https://tailofsnowbear.wordpress.com

Reply
Clyvez
3/11/2015 04:01:08 pm

He should have listEd 9 types of people. Including the author. Kasi MAS BADTRIP kasama mga PERFECTIONIST.
ok lang gnyan mga kasama m kasi di kumpleto barkaDa kung walang ganyang mga tao. Look at the bright side "author" di yung panget. ikaw yung NEGATRON EH. Goodluck sa mga tropa mo.

Reply
Aki
3/11/2015 08:18:14 pm

yes you're right all of the characteristics that he mentioned is present to our group of friends, so if you're gonna remove everyone, who's gonna join you then?

faust link
3/11/2015 08:24:13 pm

love you dude..

Hehehe
3/11/2015 08:50:55 pm

Gawa ka sarili article mo..Isa ka siguro sa mga tinamaan ng author..wag magalit sports lang

JcFranco link
3/12/2015 08:18:10 am

I somehow hate this article. Kase I wont deny and we can't deny to ourselves na isa sa mga yan minsan naging ganyan tayo like gusto mo matulog sa hotel kase galing ka pa sa work and you just need to travel kasama friends mo kaya kahit pagod ka sumama ka kase you like the companion. Napa fault finder ng article na to ang taong gusto lagi ng positive hindi kayang sabihin ang salitang respect sa sobrang gusto lagi positive pag dina kaya ng sitwasyon positive parin? may kulang eh #9 taong walang respeto sa indibidwalidad ng tao yan ang dapat hindi isinasama. lahat ng aspeto na sinabi dito lahat present sa friends ko. hahhaha guilty din ako sa iba pero masaya.

Mashiro
3/12/2015 10:17:08 am

Correct! Wala naman perpektong Tao sa mundo. Minsan talaga lang may iba ibang mood. Hindi colorful ang life kapag pare-pareho ang timpla. Tigilan ang pagiging self-righteous. Kayo na walang flaws.

Anonymous
3/12/2015 12:48:14 pm

Ang point ng author dito, HINDIi LAHAT ng friends mo, gusto mo kasama sa pagtratravel. Ang mga binanggit lang nya ay yung mga taong AYAW NIYA KASAMA pag nagtratravel siya.

You're right, everyone is different.

And by far, ung mga namention nya, mga annoying nga talaga kasama if you are seeking for an adventure.

And kung stressed ka naman pala at galing ka work and you just like to sleep all day, eh di paiwan ka na sa bahay. Haays.

Mga nagcomment ng nega, natamaan.

Bongget link
3/12/2015 01:32:38 pm

Parte ng grupo ang lahat na yan. Ayoko lang sa no. 1. Pamatay ng saya ang late kaya dapat iniiwan yan.

kalamansi
5/17/2015 07:56:15 pm

Another BUTTHURT pinoy! Hahaha

louie
1/2/2017 04:48:43 pm

I also travel a lot, grupo kami at talagang hindi maiwasan na may mga ganyan sa grupo. Pero enjoy pa rin kami. May mga OA, late comers pero nagkaintindihan kami & wala kaming travel na hindi enjoy.
Tama ka perfectionist ang author hehehe. Sya na lng mag travel mag isa.

Kaks link
8/9/2014 09:00:44 pm

Oh gosh, I hear you bro. But sometimes, you really have to travel with them, or else FO na! haha
https://tailofsnowbear.wordpress.com

Reply
Kaks link
8/9/2014 09:09:01 pm

Oh gosh, I hear you bro. But sometimes, you really have to travel with them, or else FO na! haha
https://tailofsnowbear.wordpress.com

Reply
aying
8/10/2014 06:22:32 pm

Sa isang byahe, karamihan sa mga nabanggit na ugali ng tao di naten maiiwasan maencounter. Lahat tayo may mga taglay na kaartehan sa katawan. Nasa saten na lang yun kung pano naten iha-handle.

Reply
Pink Berry
8/11/2014 04:16:44 pm

I agree

Yasu
8/9/2014 11:01:21 pm

Para walang problema, mag solo trip ka na Lang. Arte mo.

Reply
Lea
8/9/2014 11:16:07 pm

Affected much?

Katawa kaya. Minsan makikita mo ang sarili mo sa ilan sa mga yan at ito'y normal, wag lang exage na paspecial. Maganda rin na aware ka para walang KJ.

Reply
Jon
8/10/2014 12:39:50 pm

He/She is probably one of those listed... hahahaha

Louisa
8/11/2014 07:59:21 pm

tayong lahat may ganyang attitude kaya di sana tayo mabutthurt or kung mabutthurt, it doesnt mean that the butthurt person is the only one who has those attitudes. Pati ang nagjudge may ganyang attitude. This article i believe is just to correct us. Not to exclude an individual from the community or group. Anyways, biyahe na tayo!! :))

wahahahah
8/11/2014 02:19:48 pm

cguro ikaw yan lahat ng yan hahahaha

Reply
Jessie
3/11/2015 09:03:20 am

Oo nga! Explain pa more!Hahaha.

Claire
8/12/2014 01:48:52 am

Oo nga!
Lol

Reply
Diday
3/11/2015 09:01:49 am

Hahaha. Siguro ikaw yung naiiwan dahil sa Pagiging Nega.hahaha.

Reply
say
3/11/2015 10:28:49 am

tama hahaha kasi di mo rin kontrolado ugali ng mga kaibigan mo na madalas mo ring kasama sa mga lakaran...

Reply
Romeo
3/11/2015 03:37:44 pm

Bakit ganon kabah sa 8 factors na hindi pwidi makasama?

Reply
Aying
3/12/2015 12:44:00 pm

I agree

Reply
Krishia
8/9/2014 11:32:05 pm

Wala ka nang kasama sa byahe. Wala ka na ring friends. Dapat iniiwan sa byahe yung mga di kayang mag adjust at makisama.

Reply
Micky
8/10/2014 05:09:32 pm

makes me think, "Why am i friends with these people?"

Reply
Ben
8/10/2014 08:46:38 pm

Having a group of friends with different attitudes, but at the end of the day you love them for who they are :D

Munirah
8/11/2014 03:36:54 pm

Lol

Francis Balgos link
8/10/2014 12:52:48 am

Feeling ko naman wala ako sa mga ganyan, maliban sa pa minsan minsang na late.. lol!

Reply
guzp
8/10/2014 01:06:29 am

isama na din ang mga drawing! sa pagpplano pa lang, wag na isama! plano ng plano, pag okay na biglang magbbackout at magbibigay ng mga negative na comment hanggang tamarin na din ang iba at hindi a matuloy ang biyahe! hahahah!

Reply
Moira Benneto
8/11/2014 03:40:55 am

You're absolutely right!:-)

Reply
divergent
8/10/2014 01:46:21 am

Korak!!! Maraming ganyan.. siya ang namilit at nagplano.. pagdating ng lakad wala.. isang malaking talkshit!!!!

Reply
pen_and_paper link
8/10/2014 01:56:44 am

funny... i have a tendency to be three of the personalities listed. but im definitely not the control freak.hahaha.

Reply
Vidmark
8/10/2014 01:58:26 am

Hahahahahahahahaha! Nakakatuwa at nakakatawa kasi naiisip mo yung mga nagiging kasama mo. Purong katotohanan, minsan naiinis ka na if bakit sumama pa. Minsan naiisip mo din na wala nang next time.
Minsan gusto mo ikaw nalang para walang hassle!

Reply
leoric
8/10/2014 03:04:08 am

isama mo n rin un sobrang daming dalang bagahe..... na sa sobrang dami gusto nya ipadala sa kasama nya un dala dala nya... dapat dito iniiwan sa byahe kasama un bagahe nya!

Reply
Gelo
8/10/2014 04:18:18 pm

Oo nga, instant tagabitbit tuloy xD buti sana kung magaan eh.

Reply
vench
10/11/2014 10:05:49 am

I agree!

Reply
Skippy
8/10/2014 03:04:10 am

Pag walang ganyan ni isa sa grupo sa lahat na yan.. tingin mo, hindi boring?..

Reply
partyparty
8/10/2014 03:29:16 am

Pag wala sila kulang ang adventure trip nyo magbabarkada..haha
Sa barkada kahit may ganyan magbabakarda pa rin.. Parang di mo nagawa kahit isa dyan haha

Reply
puke
8/10/2014 05:00:09 am

ulol ninyo

Reply
rjace
8/10/2014 06:17:31 am

Panu kung buong pamilya moron lahat nyan??!! Aahahaha

Reply
mikedg
8/10/2014 07:40:24 am

Pinakanakakabuwisit yung sabi-ko-na-nga-ba type of kasama sa biyahe. Nung nagpaplano at kinokonsulta yung grupo e tahimik tas nung me problema na, numero unong naninisi. Sabi ko na nga dapat ganito.. Sabi ko na nga ba dapat ganun.. Sarap itulak sa bangin! :D

Reply
Royce Carl
8/11/2014 02:53:37 pm

Agree!

Reply
badet link
3/11/2015 06:30:53 pm

Agree ako

Marshi link
8/12/2014 06:34:37 pm

i agree!
dami ko naeencounter na ganito :)

Reply
timo
3/10/2015 04:52:27 pm

hahahaha.

Reply
kumiko
8/10/2014 10:12:07 am

Would probably be guilty of #1 pero buti na lang pare-pareho kming late, but not so much para maiwan ng eroplano or what. ex. meetup ng 5am, latest na ang 6am. hehe. Pero I agree na badtrip yung magsasabi na sasama then mega contribute sa itinerary tapos biglang backout for no solid reason at all.

Reply
Faye link
8/10/2014 10:25:30 am

Kung gusto ng kasama mo mag stay sa hotel buong araw, huwag ka mangialam. Di naman ikaw ang nagbayad ng ticket at accommodation niya kaya di niya kailangan mag explain sayo. Haha

Reply
Pebbles
8/10/2014 10:38:49 am

Bakit ka magiguilty kung gusto nyang matulog buong trip- type nya yon. Yon lang huwag mandamay kasi gusto ko lumabas at magliwaliw.

Reply
Pebbles
8/10/2014 10:55:25 am

At ang ayaw ko sa lahat ay yong NANG-IIWAN!

Reply
MrsDuaHyphenG
8/10/2014 11:24:21 am

Hilarious list! Swak na number 1 ang dapat iiwan sa biyahe. If I may, the others can still join in. Makes the trip interesting hehe! Keep those blogs coming!

Reply
Paolo link
8/10/2014 11:46:39 am

Hahaha panalo yung #1 at yung Negatron lol dami kong kaibigan na ganyan, nkakasira ng plans and yung enjoyment sa travel

<a href="http://www.lokale.ph">The Filipino Trending Stories</a>

Reply
Death Gun
8/10/2014 12:05:31 pm

Ang stereotype ng taong ito. Dapat dito iniiwan sa biyahe. LOL XD

Nakakasira ng image ng tao ang pag-sstrereotype, once na nakapag-establish ka na ng stereotype, mahirap nang hindi husgahan ang taong iyon base sa qualities ng stereotype na ibinigay mo sa kanya. //k bye

Reply
Stereotype
8/10/2014 12:18:16 pm

Obviously, hindi mo alam ibig sabihin ng "stereotype". lol

Reply
hahahaah
3/10/2015 04:56:51 pm

hahahaha ulit!

Ang daming Butt-hurt dito
8/10/2014 12:20:54 pm

Hindi ko alam kung guilty o walang sense of humor yung ibang nagko-comment dito. hahaha

Reply
Traveler
8/10/2014 06:45:23 pm

well said...hahaha

Reply
Akoito
8/11/2014 10:41:38 am

haha i agree

Reply
Paradox
8/10/2014 12:38:53 pm

walang kwenta.. alam ng lahat pinagsasabi nyo.. nexttime, be more creative dumbasses..

Reply
Chocolate
8/11/2014 06:23:40 pm

Ikaw dumbass!

Reply
daomisyel link
8/10/2014 01:13:21 pm

Travel is boring if walang eksenang ganyan. Just make sure na walang pikon sa mga kasama mo when yoy travel. Minsan nangyari rin samin lahat yan but we enjoyed it. Kung true friends mo sila, am sure at the end tawanan kayo kasi wala naman perfect talaga.

Reply
traveller
3/11/2015 04:50:00 am

True :)

Reply
The Wanderer
8/10/2014 01:45:13 pm

Meron pa akong gusto idagdag!
May mga ibang kasama kang gumagala ng kanila tapos pag paalist at naghanapan na, pahirapan na. dapat sa mga ganun iniiwan sa destination spot. hahaha

Reply
Baron Arabia
8/10/2014 02:10:17 pm

Yung sumulat ng article na yan, siya ang NUMERO UNONG EPAL, pag siya ang kasama sa travel ahat pinapansin niya.

Reply
antukinako
8/11/2014 02:13:40 am

Hahaha. Pansin ko nga. Masyadong namumuna imbes na ienjoy na lang ang byahe iniisip pa nya kung ano pupunahin nya. Dapat iniiwan ka sa byahe, lol

Reply
Spoon and Fork
8/11/2014 06:13:55 pm

I Agree!

Reply
Abby Eksplorista
8/13/2014 05:21:22 am

Sa pag-oobserba ng mga kasama niya siya nag-eenjoy. Bakit hindi mo dinagdag yan sa list mo?
9. Observer - Mapanuri, Mapagmatyag, Matanglawin ng mga buddy! Hahahaha!
Funny article though :D

Reply
agree!
3/10/2015 04:59:01 pm

panalo ito... ipinako mo dre! hahahaha. fault-finder ang peg

Reply
kalamansi
5/17/2015 08:03:34 pm

Butthurt na epal pa!!! Grow the fuck up!

Reply
kalamansi
5/17/2015 08:40:19 pm

Numero unong BUTTHURT na, 2nd epal pa hahaha. Try mo maging INDEPENDENT TRAVELLER KOYAH KESA HOLDING HANDS KAYO NG MGA FRENDS MO HAHAHA

Reply
GalitSaEpal
7/14/2015 02:20:18 am

Hindi ba dapat di mo nalang binasa kung di mo naman pala gusto? Ikaw ang epal e at napaghahalataang walang sense of humor. Ikaw kaya ang mag grow up.

Vivo link
8/10/2014 02:55:32 pm

Good read. Betteryet, travel alone. Backpacker! Hahaha

Reply
Lianne
8/10/2014 03:37:41 pm

eh Mr/Ms. Poster. ppano kung ang financier ng travel nyo is #2? iiwan na lang ba namen? :))

Reply
DYOSA
8/10/2014 03:47:03 pm

kulang... wala dyan yong DYOSAng palautos

Reply
gandang-diwata
4/17/2015 02:08:00 pm

true. kala mo siya ang nagbayad ng pamasahe, accommodation at pagkain mo. the bossy type

Reply
Nicoloco
8/10/2014 03:59:37 pm

Haha parang ako yung #1. :))

Reply
Silver
8/10/2014 04:13:00 pm

Hahahahaha..funny but true..hear ya man :)

Reply
Mrs. Kolca link
8/10/2014 04:13:54 pm

Nakakainis nga yung maarte na pasosyal. Sobrang pili sa food, sa transpo, etc. Iwanan na yan!!!

Reply
Adrian link
8/10/2014 04:30:16 pm

Iniwan ko na sila sa byahe. Wala na ko kasama. :(
Hahaha

Reply
Dave
8/10/2014 04:42:22 pm

I always encounter number #3 and I think the worse among these list.. I think likas na talaga sa mga pinoy ang Palibre Attitude, yung tipo na kahit pabiro nyang sabihing palibre or sasabihin nyang ikaw muna magbayad tapos mamaya na lang nya babayaran sa iyo, hwag kang maniwala at pauto kasi papahirapan ka muna nya sa paniningil bago pa nya bayaran and worse is hindi na nya babayaran kasi FRIEND naman daw kayo. Yan ang mga ka travel buddy na hindi mo talaga gustong makasama. I better be off alone kesa sa makasama yung ganyang klaseng tao.

Reply
Skywalker
8/10/2014 04:44:38 pm

Pati yung Author nito dapat iniiwan din, feeling!!! Mag solo trip ka n lang, gung gong!!! Dapat kilala mo n yang mga ka travel mo...

Reply
ako to'
8/11/2014 12:17:29 am

di mo naman kailangang mang "gung gong" ng tao.. keep your cool, wag naman ipahalata ang kasamaan ng paguugali.. salamat!!

Reply
Rick
8/11/2014 12:51:32 pm

Makagunggong si koya! Apektado ka? Magbehave ka ng maayos para di ka napupuna. Siguro isa ka sa mga nasa listahan kaya ka naiiwan at masyadong apektado. Hahahaha.

Reply
Pink Berry
8/11/2014 04:34:36 pm

I strongly agree Skywalker

Reply
SaF
8/11/2014 06:22:15 pm

Grabe naman salitang gung gong...kala mo naman galing mo.. Ikaw ang FEELING!!

Reply
Abby Eksplorista
8/13/2014 05:24:40 am

Maka-gung gong si Skywalker. Siguro natamaan siya sa numbers 1-8. Hahahaha!

Reply
kalamansi
5/17/2015 08:08:14 pm

Nothing wrong going solo idiot! U learn more about yourself, u make new friends, and less bullshit and less hassle. Hindi kasi kayo makapag travel pag d kasama friends nyo. PALAGING DEPENDANT DIBA? Hahaha

Reply
Kuya Kim
8/10/2014 05:07:30 pm

Bumiyahe ka mag isa. Malamang walang gustong sumama sa'yo. Hahaha

Reply
kalamansi
5/17/2015 08:12:01 pm

Nothing wrong to travel alone right? Hindi ka kasi makapag travel pag d kasama friends mo? DEPENDANT MUCH?? Try being INDEPENDENT TRAVELLER HAHAHA

Reply
blitzkrieg
8/10/2014 05:26:50 pm

walang bida kung walang kontrabida.. kung ayaw mo ng mga taong gaya ng nasa list na yan wag ka magtravel tapos.. magkulong ka na lang sa bahay

Reply
Ann link
8/10/2014 06:20:52 pm

Naku, iwan narin ang mga taong grabe magshopping at ipapabitbit ang mga binili sa kasama, no choice sila kundi magbitbit narin hahahah

Reply
jen link
8/10/2014 06:53:04 pm

hahaha, I can't stop laughing at your list.. ang inis ako masyado dun sa late palagi at ayaw makishare sa gastusan.. panira nga ng travel mode. hehe

Reply
jarvis
8/10/2014 07:34:28 pm

Daming typical pinoy dito sa comments, butthurt na walang sense of humor.

Reply
yabang...
8/11/2014 06:28:27 pm

Yabang mo..kung magsalita ka parang ikaw ang bida. eh asan ang sense of humor mo???

Reply
kalamansi
5/17/2015 08:14:12 pm

Asan ang sense of BUTTHURT mo? Apektado much? It means totoo diba? Hahaha

kalamansi
5/17/2015 08:12:42 pm

Reply
GalitSaEpal
7/14/2015 03:24:24 am

Sinabi mo pa! Haha.

Reply
powsin link
8/10/2014 08:17:13 pm

#1 - 3 agree.

The rest disagree na iwan. hindi mapipigilan mga gnyang ugali

Reply
Baron Arabia
8/10/2014 08:32:39 pm

Yung author nito, siya yung pinaka EPAL na dapat hindi isama sa pag travel. Sigurado lahat ng kasama niya puro comments at complain ang gagawin niya.

Reply
kalamansi
5/17/2015 08:16:17 pm

Ikaw ung pinaka epal na nagcomment dito. BUTTHURT much? Mag BUTTHURT CREAM KA KAYA

Reply
Pampam
8/10/2014 09:07:36 pm

Leave all this people during travel, it will end up dull and lifeless. Bring with u each kind and ull have more reasons to be pissed, yet more reasons to smile and laugh looking back.

Reply
peejay link
8/10/2014 09:19:19 pm

Imagine mo na lang kung yung 8 yan ang magkakasama sa trip. Hahaha yan ang feeling ko pag kasama ang barkada bumyahe. Kaya mas prefer kong bumiyahe na 2 or 3 lang at most. Pero sabi nga nila, the more the merrier. Ako yung number 4 diyan minsan.

Reply
Pie Rivera link
8/10/2014 10:19:55 pm

nkakabuwisit ang mga "kaibigan" na ugali ang #1 at #3 lalo na kung paulit-ulit ... hindi na dahilan ang matraffic kung 1 to 2 hours kang laging late, unless tlgang bumuhos ang ulan at nagbaha sa mga daanan ... kung parating ginagawa, alam na! at ang mga kumikita naman ng pera (mas malaki pa kita sayo) pero laging sasabihin wala syang pera (pero puro branded ang gamit, etc.) tapos laging nag-iintay magpalibre! haist! tao nga naman ... kaya akoyo na silang kasama sa travels - mas mabuti pang SOLO travel na lang, mas masama pa in the long run (hindi pekeng saya).

Just stumbled on your blog today Jong at Noks at nkakaloka ang napaka-TOTOONG blog ninyo... keep it up guys! :)

Reply
mike
8/11/2014 12:33:49 am

i agree with the list at malamang ung mga apektado o tinamaan ang naglagay ng mga defensive comments.

1. who would like to travel sa taong laging late sa takdang usapan. un tipong 3am ang usapan, darating ng 6am... eh Mt. Pinatubo trekking ang gagawin nyo.. sige nga! o di kaya un tipong di kayo umabot sa flight or bus trip nyo dahil late ung isang kasama nyo (buti sana kung sagot nya ang rebooking fees)

2. control freak. she/he's useful for organizing everything, however, he/she must also be flexible pagdating sa itinerary (unless super tight ng sked nyo at sobrang bilang ang oras nyo sa pupuntahang lugar) but if kayang i-flexi or change of plans right there and then, importante to consult the group. the control freak will help decide and finalize the new itinerary.

3. uportunista. isa pa sa nakakairitang kasama. KAPAL ng MUKHA!!! buti sana kung bumabawi sa ibang paraan (example: tagaluto or designated driver or lead organizer to do the research, contact hotel, book bus/plane, do itinerary, etc.)

4. sleeping beauty. deadma. iwan na yan sa kwarto as long as kasama sya sa hatian ng van rental (for tour).

5. balidosa. ok lang as long as gumising sya ng maaga para magligo at magayos ng maaga. mumurahin sya pag tipong higit sa isang oras sa banyo sa peak hour.

6. drama queen/king. well, enjoy naman 'tong kasama kahit papaano. atleast may teleserye kang susundan all throughout the trip. wag lang makapanira ng budget at itinerary.

7. choosy. if alam mong choosy 'tong friend na isasama mo, make sure na i.orient na 'to sa lugar na pupuntahan. kung walang aircon ang hotel (unless willing syang ishoulder ang dagdag gastos para maging aircon ang room), kung ano ung food, transpo. etc. pag.umagree sya sa ganun ang kondisyon at nagrereklamo pa rin pagdating sa actual location. dedma.

8. negatron. dedma lang as long as pasok sa contribution. if tumangi ng wala sa lugar (example. at least 4 pax dapat sa white waterrafting, at sya ang pang-apat at ayaw nya pero alam nyang un ang pinunta nyo sa lugar na un.. ayy... bigwasan na yan)

Reply
iroh
8/11/2014 05:14:43 am

agree! either deadma ang kaartehan, kadramahan, kanegahan or ultimatum iniiwan ko talaga. i usually use the line, "sunod na lang kau" (sa mga tulog, make-up artists at late) and i don't invite oportunista anymore. invited one once, i'm not doing it again. kung walang pera, magsabi, else nganga, check our FB/IG updates na lang.
or i travel alone or choose who to invite.
since kabisado na namin kung sino sa barkada ang ano, we have more patience na on trips na gusto namin kumpleto talaga (short or day trips lang haha).
long trips, we really talk about the rules (and who has funds and how to save for it) and who can comply

Reply
Alaine
8/11/2014 12:35:03 am

Yung hindi dapat isama eh yung ayaw sumama. Haha! Nakasama ko na ang mga ganyang klaseng tao at mas memorable ang byahe dahil sa kanila! :)

Reply
Krissie link
8/11/2014 02:40:47 am

I had to share this article. Couldn't stop laughing! No. 3 and No. 5 ang sakin dito. So hated people na andaming reklamo at saksakan ng arte tapos alam na akyatan sa bundok ang trip nyo' or other events na medyo extreme.

Isa pa pala, sana naidagdag: Yung magcoconfirm ng lakad at kasama sa plano, then magcacancel the day before or on the day of the event. ~ Mga dapat hindi iniinvite sa lakad. LOL.

Reply
Jayla :)
8/11/2014 09:02:02 am

Very nice!! :)

Reply
Missy
8/11/2014 12:28:36 pm

So, you go on a trip to step on people all for the sake of "enjoying" a location. Then travel ALONE. Travelling with other people helps you grow and discover your own flaws that you need to work on, thats what the experience is for.

Reply
Lawrence
8/11/2014 12:29:45 pm

HINDI MASAYA ANG TROPA PAGKA-WALA KAYONG KASAMANG "TANGA"...MAS KWELA AT SUPER SAYA PAG MAY KASAMA KAYONG ISANG TROPANG "TANGA"...LOL

Reply
Royce Carl
8/11/2014 02:36:51 pm

Actually ok lang sakin yung may sleeping beauty, given hindi kapos sa oras. Pag nagttravel kami, Nag aalot kami ng at least one day na walang plano. Usually matulog lang maghapon yung iba then mag kanya kanya munang lakad yung iba. Time alone sa gitna ng travel para gawin sariling trip and relax muna. Hirap mag enjoy kung pilit na yung katawan

Reply
Royce Carl
8/11/2014 02:52:45 pm

Padagdag yung couple na may sariling mundo na kaya lang sumama para makatipid. Ok lang naman na may couple pero wag naman yung pag andun na hindi na kayo kilala. Tapos pinagbabawalan yung isa't isa na magsuot ng ganto, kumain ng ganyan or sumakay sa ganitong ride kasi takot yung isa. Tapos pag nag away mag aadjust kayong lahat

Reply
Chase
8/11/2014 03:12:05 pm

Perfect is boring :)

Reply
jr
8/11/2014 03:25:55 pm

There is actually a 9th type that we don't want to travel with. "The Reclamador".. and that is you blogger... so dapat iwan ka rin sa byahe.. if you have difficulties with many types of people, then I suggest you travel solo na lang.. bwahahaha

Reply
Bilog
8/11/2014 03:57:49 pm

Noks! Isabit mo kami ni bear sa adventures!! :) great article

Reply
Rice
8/11/2014 04:37:44 pm

I think may kulang pa -

THE COMMENTATOR. Ibang iba ito sa control freak dahil hindi siya ang nag aayos nag itenirary at activity pero kung maka comment wagas, e wala namang ginagawa.

Mas may mura pa sa kinuha mong package, mas mura pa ang mag bus kaysa sa mag arrange ng transfer, mas mura ang pagkain doon sa kabilang tindahan, mas mura ang bangka ni ganito at ganyan. mas maganda ang inoffer ni ano kaysa sayo, mas malaki ang discount sa ganito kaysa sa ganyan. Pero kung tatanungin mo saan at sino, walang isasagot. deadma. Tsaka imbes na magpasalamat magmamaldita pa ito dahil nga mas marami siyang alam.

THE PRESENTOR - ito ang nagrerepresent lagi na siya na ang maghahanap ng ganito at ganyan. I offer my help wholeheartedly pero hindi alam ng grupo, may something in return pala. May patong pala ang serbisyo. May dagdag na patong sa bawat deal na macloclose niya. Dagdag ng 100 per head sa island hopping, dagdag 50 pesos sa pamasahe sa traysikel. Bakit di na lang kaya siya magtayo ng sariling travels and tours para kumita siya ng mas malaki.

and many many more


Reply
Sakitin
8/11/2014 06:30:21 pm

buti na lang di kasama ang sakitin ..

Reply
Vinz link
8/11/2014 07:35:20 pm

Hahaha. Great article! Isama mo pa yung mga pa-importante, maarte at tigil-trip na mga tao. hahaa. DAPAT DITO INIIWAN SA BIYAHE.

Reply
Lyndsay | Discount Travel Blogger link
8/11/2014 09:04:58 pm

Ayan, para di maiwanan sa byahe basahin nyo to. :)

Reply
Jane
8/11/2014 10:48:22 pm

Keri pa yang mga yan. Ang nabubuwisit ako yung GO GO GO sa pagpplano tapos biglang aayaw na ang daming lame excuses.. Yung tipong nagpapapilit lang para sumama siya. Hay nako! Kung ayaw mo, wag mo! Feeling nito, galak na galak kaming kasama ka! Hahahaha

Reply
Jane
8/11/2014 10:52:13 pm

Meron pa pala! Yung nature trip tapos uhaw na uhaw sa inom na hindi naman kaya. Parang di nakakainom pag nasa bahay. Imbes tuloy na maaga makaalis kinabukasan, may hangover! Dapat dyan, iniiwan sa biyahe!

Reply
mclets
8/11/2014 11:01:59 pm

ang ending damay damay na,at nagsisi ka pa dahil feeling mo nasayang lahat ng plinano!,dami kong tawa!!!!

Reply
Google
8/11/2014 11:02:41 pm

There's one more and that person is the worst companion.
#9 The Critic
Sya yung may ayaw sa mga taong katulad ni #1 hanggang kay #8. Walang taong perpekto, so my only advice for you is to travel alone. Kaya dapat dito, INIIWAN SA BIYAHE.

Reply
JAPHET
3/11/2015 06:23:11 pm

I Agree

Reply
MAGN link
8/12/2014 12:53:26 am

AT MAHIRAP DIN KASAMA ANG MAYAMAN NA NA WALANG KASAMANG MGA YAYA AT LALO NA KUNG MADAMI ANAK MONG KARAYKARAY WITH FAMILY FRIENDS...NAGIGING ATSAY ANG LABAS NG MGA KASAMA.

Reply
Drei
3/13/2015 03:26:35 pm

LOL! ito pwede pa! may kakilala akong ganito! hahaha

Reply
tin
8/12/2014 01:38:09 am

have read a lot of negative comments sa mga apektado at tinamaan dito.. how about if we put it this way...

PEOPLE YOU WANT TO TRAVEL WITH

1. Stand-Up Comedian/s - eto ung malakas bumangka. walang dull moment. un tipong sasakit ang panga mo sa katatawa sa 15 hours na byahe nyo mula manila hanggang aparri. no dull moment ang ang peg neto.

2. YOLO - You only live once ang peg, pero di naman sa puntong ikamamatay nyo. Example would be GO lang sa Cliff diving sa Ariel's Point or mag Cave Connection sa Sagada or mag Bungee Jump or mag Sky Dive. If ayaw ng YOLO activities, pwede namang sit-out but make sure na di ipapaguilty sa ibang YOLO na kasama na iniiwan sya sa ere. korni naman na pumunta kayo dun sa lugar at puro food trip at pictorial lang ang gagawin nyo.

3. UnPIKONable.. di mawawala ang asaran / alaskahan habang nasa byahe... pero bawal ang pikon or ung sobra kung mampikon. hirap ung may tampuhan sa grupo while on the road. lakas makabadtrip.

4. Decision Maker/s - sa dami ng suggestions at options, dapat mayroong tagadecide kung halot lahat ay "sige, kayo bahala" or "okey lang din sa akin kahit ano" ang sagot ng mga kasama mo. importante 'to para maka-move on at maging productive ang byahe nyo.

5. Rak-en-Rol - pinsan 'to ni yolo. tropa ng bahala na gang. eto kung kayang mabuhay kahit matulog sa terminal o sa beach ng walang tent. ok lang sa kanya ang sudden change of plans (from beach bumming sabay biglang akyat ng bundok).
Ok lang sa kanya kung di masunod ang plano o may sumablay sa plano. Its part of the experience ika nga coz he knows it'll be the part of the trip na most memorable at laging paguusapan.

when traveling with a group, it is important to consider kung sinu-sino ang mga kasama nyo. mayroong di mo trip kasama pero wala kang choice kasi barkada, but its up to you on how to handle them or the situation habang nasa byahe kayo.

example:
3. The Opportunistic cheapskate - make sure na sa sumula pa lang ay may nakahanda ka ng panukli pag singilan time. or ipaalala sa kanya pag may nakitang ATM para magwithdraw na sya ng pera. or assign your most mataray na kasama to do the singilan.

Masarap bumyahe ng kasama ang barkada it will either strengthen your group or kanya kanya na after the trip.

iba din ang experience pag solo traveler ka since mataas ang tendency na may ma-meet kang ibang byahero along the way (make new friends ika nga) or learn more about yourself.

Reply
kalamansi
5/17/2015 08:29:11 pm

Agree brother!! NA BUTTHURT ANG MGA KARAMIHAN DITO.. Truth hurts sabi nga nila!!

Reply
ALPS
8/12/2014 01:42:12 pm

Lagay din yung adik sa selfie!!!! Biglang nawawala kasi may nakitang magandang pag selfiehan, nauubos ang oras kakahintay sa kanya kasi hindi makuntento sa isang selfie lang dapat ibat-ibang emote pa, it takes more than 10 shot sa selfie nya... haha may kilala akong ganyan. Iiwan sa byahe yan!

Reply
troy
8/12/2014 02:50:28 pm

hahaha tama!

Reply
Tintin
12/21/2014 03:17:34 pm

korek..i traveled before kasama tong friend ko na walang ginawa kundi magpose.at ako pa ginawang photographer! How can you enjoy that? LOL..Kaya I'm never traveling with someone na masyadong narcisstic (spelling?)..Kahit sa damuhan pumu-pose si Ateh!

Reply
apple
3/12/2015 07:05:33 pm

Hahahaha! Corrected by

gandang-diwata
4/17/2015 02:22:50 pm

may solusyon dyn. bentahan mo ng tripod para pwde nya kunan sarili nya using the camera's self-timer. kikita ka pa he he he

J link
3/12/2015 01:42:16 pm

Omg yes. I was waiting for this! I think under 'to sa "The Super Vain". Lol yung kapatid ko naka false eyelashes kahit tulog at parang nagtatravel lang para may maipost na selfie sa facebook

Reply
jvc
8/12/2014 03:25:52 pm

hmm. kung mamimili ka ng taong kasama mo, hindi ba pasok ka sa pagiging CHOOSY?!

Reply
justin
8/12/2014 06:34:52 pm

Lumakad ka mag-isa mo! Nasa pagbibigayan yan, iba-iba ugali ng tao.

Reply
betty lopez link
8/13/2014 03:51:34 am

Thats why I travel alone. Its cheaper, I can control my itinerary, my time and my budget. If ever I travel with family, I am the planner so they have to abide by my rules or they are out of the trip.

Reply
rain
8/13/2014 11:17:01 am

Yung nagsulat nito iiwan ko sa byahe. negative masyado eh. hahahaha

Reply
fred
8/13/2014 06:50:59 pm

sir permission to re-blog po. school requirement lng po. salamat

Reply
Crow
8/20/2014 07:25:58 pm

You know those people who call you a kill-joy when you decide that you really don't want to do a certain activity?
Yeah, guilt trippers are the worst on my list. Screw them.

Reply
JUNJUN
3/10/2015 04:32:36 pm

HHA tama nga nmn .,.,.,.byahe pah.,.,

Reply
raf
3/10/2015 10:27:44 pm

mahirap talaga pag ganyan yung mga ksama mo pag nbyahe kaya ako minsa nag bbyahe solo , minsan may ksama pero kailangan trip nya mag lakad hahaha ayaw ko kasi nasakay lalo na pag bago yung lugar, kailangan mag explore explore gamit ang paa kahit malayo pa yan para ma enjoy :) tipid pa naka pag exercise kapa

Reply
jd
3/11/2015 12:16:32 pm

Good blog. Ayoko sa lahat yung maarte. Sarap talagang iwan.

Reply
thor
3/11/2015 12:42:13 pm

a very nice blog tho. pero hinding hindi maiiwasan ang mga ganyang klase ng tao lalo na kapag nag ta travel. There's always no Perfect circle of friends, laging may ganyan . :D .kase mostly ang kasama ko sa mga travels namen e mga friends ko. :)

Reply
Ferb
3/11/2015 12:44:26 pm

Isa pa... yung dala ang buong buhay sa bagahe niya tapos iaasa sa mga kasama niya ang pagbubuhat, meron at meron daw kasing magbubuhat nun para sa kanya.. di niya inisip na ang bawat isa may dala dala ding personal stuff.. so ano dapat gawin sa kanya?

Reply
Drei
3/13/2015 03:34:53 pm

Haha! "thatthingcalledtadhana ang peg!

Reply
aAling
3/11/2015 12:44:29 pm

Huwag natin hanapin ang ugali natin sa iba.

Reply
unfriended
3/11/2015 03:17:08 pm

eh di wow ikaw/kayo na perfect! dito mo madi discover ang totoong ugali ng tao..ung mga nagbibilang ng pagkakamali ng iba pero sila hindi nagsasalamin. twice palang kayo nag travel andami ng issues? makapagbigay ng list ng impections mo kala mo traveler talaga. PWEH! buti nalang hindi ko na sila kaibigan ngayon mahirap makipag kaibigan sa mga taong bayad, busilak, dakila at walang bahid dungis. my life is so much happier now! thanks sa huling lakad namin at nakilala ko sila sa karampot na halaga (baka ikayaman nila).

Reply
Vyktoria
3/11/2015 03:44:20 pm

Ang saya nga pag kumpleto kayo hahahahaha

Reply
Jett Beltran
3/11/2015 04:59:06 pm

This was funny!
Author meant everything but despite/ in spite of it He/she just wanted to share the things he/she observed, very funny at times but that's what BARKADA I guess means..
We maybe lived in "21st Century" or in "Y Generation" but things and beliefs towards friendship was still there.
I find this blog cool, made me to feel be with my friends..

Reply
Jao link
3/11/2015 06:04:10 pm

pinaka numero uno kong ayaw kasama yung uubusin ang oras nyo sa pagkuha ng litrato imbes na enjoyin ang kagandahan ng lugar. yung tipong napako na kayo sa welcome banner ng lugar at isang daan na nakuhang selfies at di nyo na nalibot ang lugar na pinuntahan nyo.

yung tipong nag mo moment ka at ine-enjoy mo ang view at kagandahan ng lugar, tatawagin ka at kukulitin ka na mag picture.

yung tipong mas importante pa sa kanya ang picture kesa ang aktwal na experience. imbes na mag swimming, magpi picture. imbes na mag para gliding, magpi picture. imbes na mag sight seeing at libutin ang bawat sulok ng lugar at mag adventure, magpi picture.

mag aaway kayo pag ayaw mong tumigil at sumali sa picture nya.

Reply
japhet
3/11/2015 06:21:09 pm

syempre you need to capture the moment
kasi di naman na maibabalik ang mga past
:)

Reply
Glen
3/11/2015 07:41:56 pm

Isama mo na din yung mga taong nasa bakasyon pero nag bibilang ng gastusin.. nakakawalang gana kasama mga ganyang tao, dahil iisipin mo pa ung budget nila kung kakasya sa mag iterinary na nakaplano na pupuntahan nyo

Reply
Colewanderer
3/11/2015 07:49:03 pm

I agree and latecomers are worst. Base on my experience traveling 20 countries and counting I learned how important TIME in all aspect. For us Filipino we are more loose on keeping our time as priority. Traveling with friends is great but keep down your expection to avoid disappointment. Choose a travel buddy whom you feel reliable and have a similar preferences. I personally trAvel alone ( backpacking and working) to more than half of the countries I roam ( 11 countries ) and it's one of the most amazing experience I ever had so far. Traveling alone given me so much priveledge in life. It given me confidence,learned more about myself and made me realized that world is actually small And the best is meeting different people all the way. I highly suggest everyone to travel alone at least once in thier lifetime especially abroad. Adventure. Excitement. Fun . Challenging. Name it traveling alone hast it. Check my Instragram account for some of my travel abroad @colewanderer.👊😄❤️

Reply
sebo
3/11/2015 08:54:07 pm

isama mo na din sa dapat iwan yung baboy sa kahit anong bagay..at malakas umutot sa loob ng sasakyan... madalas mamunas ng kulangot kung san san..at nakakalat lang ang mga gamit sa hotel.. xet..ang saya diba

Reply
sebo
3/11/2015 08:59:03 pm

sama mo din sa dapat iwan yung madalas hindi nag pa flush ng pinag taehan pag nasa hotel kayo, tas yung tuwalya after gamitin hinahagis lang sa kung saan lalo na yung brip na ginamit..yak may mantsa pa na dilaw tas bacon pa yung garter, sabay iiwan sa cr..dapat iniiwan yun xet

Reply
charity
3/11/2015 09:23:51 pm

i think this is a very good article cause it makes you realize what kind of characteristic you have that you should pretty much improve for the benefit of everyone...so easy lang try to be a "dapat isinasama" well at least know your situation before you let out some nega attitude or nega thought :D God bless you guys hope you don't take this hard

Reply
Mousie
3/12/2015 01:26:13 am

In the end, yung author pa masama. lol.. wag nalang basahin kung di kau sangayon hahaha

Reply
JUN
3/12/2015 01:33:42 am

May tatalo pa ba sa hinde marunong magbayad.. natapos na ang tour ala man lang binigay na bayad, na kahit pocket money ala man lang dala kc bayad n lahat ng tour nyo.. matindi pa pati pangtravel tax at terminal fee sagot mo pa... hayst!!!!!!!! at pagkatapos ng lahat ay hinde na magpaparamdam. ang galing noh!!! major in DEDMATOLOGY!!!! nakakalungkot na may mga tao pala na ganon, ay hinde pala sya tao. isa syang HAYOP!!!!! kapal ng mukha kasi dati kayo friend tpos bigla ka na lang iboblocked sa mga social media account mo at sa CP.. galing talaga!!!! ang hinde ko maintindihan able nman sya magbayad pero bakit ayaw nya? ani kaya kailangan gawin sa mg taong kagaya nya?

Reply
homesick
3/12/2015 03:14:59 am

Grabe natawa ako sa mga comments nyong lahat..good and bad, you guys made my day :)

Reply
blanca
3/12/2015 03:32:45 am

i hate most the late comer >.< but the rest pede itolerate

Reply
jiyce
3/12/2015 08:34:27 am

True yan actually were on vacation super feel lahat yan upto the last na nagkasakit because smoking sa labas ng tunutuluyan namin at naiwan sa labas dahil autolock and super snow ...

Reply
Juanderer
3/12/2015 10:10:19 am

This author sucks. Ang mga taong tulad mo ang dapat iniiwan sa biyahe.

Reply
J link
3/12/2015 01:39:52 pm

The comments. Haha. Mga negatron! Love this list though. Totoo lang!

Reply
sai
3/12/2015 01:53:48 pm

Pakikisama un dapat meron s pg travel.. Ung attitude problem nyu iadjust pra masaya nmn ung pgtravel.. Mahihilohin ako at antukin lalo n pg pgod s pgtravel pro gumagawa ako ng praan pra hindi mging papansin or mging panira.. Nagaalarm ako at ngpapagising with my buddy, umiinom ng medicine pra hindi mahihilohin.. Wag KJ s mga kasama gwa2 din ng praan kya k nga sumama pra makisaya at makisama..

Reply
Itchy Foot
3/12/2015 05:10:50 pm

Eto ang article na dapat nating iwasan na maging isa tayo sa mga Dapat Iiwan, para sa unstressful na byahe.

Reply
JN
3/12/2015 06:49:11 pm

Dapat sa kanila, iniiwan sa byahe.

Reply
Annie
3/12/2015 09:10:37 pm

Ahahhaha, Eh mahal Ko, walang choice kundi isama! Ahahahaha sometimes you will meet these kind of people in your life but admit it, kasama yun sa fun. Sa memories ng friendship and once you look back, it won't be annoying anymore but funny😁

Reply
Jayce link
3/12/2015 11:21:22 pm

Meron pa, yung di mo maasahan sa pagde-decide ng gagawin, tapos pag ikaw na ang nagdecide, lagi namang hindi nagugustuhan ang gagawin. Labo lang.

Reply
Android
3/14/2015 02:59:20 am

haha! oh well enjoy naman kahit iba iba ugaling kasama mo. mas adventuresome nga. haha

Reply
panyero
3/14/2015 11:09:52 pm

sira ka pala edi mag byahe ka mag isa!!! ang korni ng byahe nyo pag walang mga ganyan ./.

Reply
Hapitrabeler
3/14/2015 11:41:52 pm

Sa tingin ko, ang palaging nagtatravel ay matatawa na lang sa mga sinabi ng author dahil alam nila ang pakiramdam ng may ganitong klase ng tao na kasama. At yung hindi naman talaga nagtatravel ay sila yung naiinis dito kasi hindi nila alam ang pakiramdam ng palaging may kasamang mga ganito. Sa akin lang, okey lang sila makasama isang beses pero hindi ko na gustong maulit pa. Nakakasira kasi sila ng lakad sa totoo lang kahit intindihin mo pa sila. At mag sasawa rin kayo maging kasama ito pagpalagi nasisira ang lalad nyo. Pinakaayaw ko kasama yung bossy at mahilig magutos sa mga kasama. Dapt maging responsable sila sa sarili nila at kaya nilang alagaan ang sarili. Huwag puro inaasa sa iba.

Reply
jhester
3/18/2015 03:26:43 pm

what if you only have 10 friends., tapos 8 of them may ganyang mga attitudes., edi dalawa nlng kau sa bakasyon., mas masaya un dalawa nlng kau.,


may mga bagay na dapat tanggapin sa bawat isa., mas okay ng masaya ung bakasyon kahet hindi perfect. :)

Reply
Luis
4/20/2015 02:40:39 pm

MUkang tinamaan lahat ahahahahahah

Reply
Camille
5/14/2015 11:44:34 am

Lahat naman tayo eh may negative trait. The best way is to just adjust and respect each other, especially kung friends ang magkakasama sa travel.

Travel is a test of friendship/relationship. This brings out the worst in everyone of ua since magpupunta tayo sa isang lugar na hindi natin comfort zone.

Reply
kalamansi
5/17/2015 08:26:06 pm

Ugali po ng mga pinoy lahat ng na mentioned ng blogger or nagsulat nito. DAMING BUTTHURT. Mag BUTTHURT CREAM sa mga NATAMAAN. Pain relief sa anus nyo yan hahaha. Its best to travel alone. Less bullshit, less hassle at walang compromise. U learn more about yourself and meet people across the globe!

Reply
ako nalang magisa
8/17/2015 01:42:14 pm

eh wala na ako isasama kugn ganun sa barkada ko. hahahaha mag isa nalang!

Reply
Byahe tayo minsan
9/19/2015 01:02:55 am

Sana wag mo ko iwan sa byahe!

Reply
Rainedropz21
1/5/2016 08:39:35 pm

andaming nagcomment! haha! pero i agree with the author.. sa daming taong pwede isama sa pag-gala at adventure, piliin mo na un ok at ung on the go.. kasi yan travel pinagpaplanuhan ahead of time, so if dapat alam mo na un mga dapat mong gawin at attitude dun. So kung KJ lang at pahirap sa grupo, wag ka nalang sumama dba?

Personal experience and opinion lang..may mga tao tlgang sarap iwan at wag ng isama kasi di marunong mangapa at makisama sa mga kasama nya..haha!

Reply
lee link
8/31/2016 05:37:14 pm

I agree with all the items here, except #2, sometimes yung #2 ay blessing sa group lalo na pag short trip sya and you want to explore as many places as you can....sila yung nagco-control sa travel time, na ma follow yung itinerary at maging maayos lahat - actually aayusin nya lahat nung mga binanggit mong annoying -- sya ang aaway sa nag-inarte, sa malilate etc.

As long as he or she asked at may napag-usapan na at as long as yung pag control niya ay base sa mga napag-usapan - that guy or gal should be kept in your travels...

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.