Ang Tagaytay ay isang paboritong pasyalan ng pamilya at barkada dahil madaling tumungo at marami ang maaaring gawin dito. Hindi tulad sa karamihang lugar sa bansa, ang Tagaytay ay may malamig na panahon, dahilan kung bakit tinawag itong "Little Baguio."
Matagal tagal na rin bago ang huling getaway ng barkada hanggang biglaang nagkayayaan ang lahat na mamasyal muli sa Tagaytay City. Dalawa hanggang tatlong oras lang naman ang byahe patungo dito mula sa Maynila kaya hindi na kami nagdalawang isip pa. Gustong gusto rin naming magfoodtrip muli dito at matikman ang masasarap na pagkain tulad ng bulalo at tawilis, habang napagmamasdan mo ang kagandahan ng paligid dahil sa Bulkang Taal at ang mga isla nitong lumutang sa lawa. Maraming mga rason kung bakit pinili namin ang Tagaytay para sa muling paglalakbay. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga turista ay nabibighani sa lugar na ito. Ilan sa aming listahan ay ang mga sumusunod:
Read: Completing the Travel Piece at The Puzzle Mansion, Tagaytay City
1. Magandang tanawin at kapaligiran - Napapaligiran ang Tagaytay ng mga magagandang tanawin at saan ka man mapaparoon ay matatanaw mo ang kagandahan ng Bulkan ng Taal na tila lumulutang sa tubig at napapalibutan ng nagbiberdehang mga bulubundukin. Nariyan din ang Palace in the Sky na kung saan sa taas nito ay kitang kita mo ang kabuuan ng lugar.
Read: Completing the Travel Piece at The Puzzle Mansion, Tagaytay City
1. Magandang tanawin at kapaligiran - Napapaligiran ang Tagaytay ng mga magagandang tanawin at saan ka man mapaparoon ay matatanaw mo ang kagandahan ng Bulkan ng Taal na tila lumulutang sa tubig at napapalibutan ng nagbiberdehang mga bulubundukin. Nariyan din ang Palace in the Sky na kung saan sa taas nito ay kitang kita mo ang kabuuan ng lugar.
Kung nais mo naman ay magrealx at lumanghap ng sariwang hangin, huwag kalimutang bisitahin ang Picnic Grove. Kung mahilig ka naman sa mga halaman, huwag palagpasin ang makukulay na bulaklak na gilid ng bawat kalsada, sari-saring halaman at bulaklak ang makikita mo rito.
2. Masarap na pagkain - Kalimitan ding binibista ito dahil sa masasarap na pagkain na talagang bubusog sainyong mga kumukulong tiyan. Sa dinami dami ng mga restoran sa paligid ay marami kang pagkaing pagpipilian. Ilan sa mga sikat na pagkain na talagang hinahanaphanap dito ay ang bulalo, tawilis at mga preskong gulay. Sa paligid ay matatagpuan ang mga tindahan ng mga sari-saring prutas na mainam na pasalubong sa mga kaibigan at kapamilya.
3. Malamig na panahon - Kung hanap mo ay magpahangin at preskong simoy, hindi mo na kailangan lumayo pa. Hindi tulad sa karaming lugar sa bansa, ang Tagaytay ay may malamig na panahon lalo na sa buwang ng Nobyembre hanggang Enero. Matatagpuan ito sa taas ng bundok kaya kakaiba ang simoy ng hangin dito. Dahil dito, tinawag na "Little Baguio" na masarap pasyalan tuwing tag-init.
4. Malapit sa Manila - Mula sa Manila ay may layong 50 kilometers ang Tagaytay. Maari mo itong baybayin sa loob ng isa't kalahating oras. Marami rin ang mga pampublikong sasakyan ang lumalakbay patungo sa Tagaytay kaya hindi mahirap pumunta rito. Mula sa Manila, maaring dumaan sa Roxas Boulevard patungo sa Manila-Cavite Expressway (kilala bilang Coastal Road) hanggang Emilio Aguinaldo Highway. Sa dulo nito ay matatagpuan ang main rotunda ng Tagaytay City.
5. Mura at swak na swak sa budget - Ito ang sikreto ng Tagaytay na hindi nabubunyag sa mga bumibista rito. Maaari mong dayuhin ang Tagaytay sa murang halaga. Marami ang mga hindi kilalang restoran ngunit may mga pagkaing singsarap ng mga mamahaling restoran ngunit swak na swak sa budget. Maari ring magbaon ng mga pagkain para hindi na gagastos pa. May mga maaring tuluyan na nagkakahalaga ng 500 pesos para sa isang grupo.