TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Why NOT to Go to Goto King

9/18/2013

5 Comments

 
Picture
Isang Sabado, mga alas kwatro ng madaling araw, pagkatapos namin manggaling sa birthday party ng isa naming kaibigan ay napadaan kami sa Pasong Tamo, Makati City. Habang malamig ang panahon at umuulan ay ninais namin kumain sa isang gotohan. Dito namin nakita ang Goto King.

Matatagpuan ito sa Sen Gil Puyat Ave cor Pasong Tamo, San Antonio, Makati. Maliwanag ang lugar at kitang kita sa labas ang masasarap na litrato ng pagkain kaya dito kami nagkaayayaang kumain. Dahil sa gutom, umorder kami agad agad ng pagkain. Nakakaengganyo ang Goto Supreme nila na nasa menu kung kaya iyon ang inorder namin ngunit ubos na raw kaya hindi na kami napagbigyan. Goto Special na lang daw ang mayroon kaya iyon na lang ang aming pinili.

At noong isinerve na saamin.......
 
WHAT WE EXPECTED!
Picture
NOT WHAT WE EXPECTED!

Goto Special sa halagang 65.00 pesos, mayroon ka nang lugaw na (mukhang lumulutang na kanin sa sabaw) hindi malapot, may isang itlog, dinurog na chicharon at isang hiwang laman (tuwalya). 

Tokwa't baboy sa halagang 45.00 pesos ay mayroon ka nang matitigas na tokwa at ilang pirasong hindi manguyang baboy.

"Laging mainit, laging masarap!" Pero hindi rin pala. 
Picture
Picture
Nakakalungkot isipin na nagbabayad naman tayo ng tama, sa anumang halaga, para sa pagkaing gusto natin pero pagkatapos ito ihain sa harap mo ay parang ibang iba sa inaasahan mo. Ngunit masnakakalungkot na ang pagkaing ibinigay ay hindi mo rin makain dahil luma na o kaya hindi na pwede kainin. Para sa mga nagbibenta, kung sa tingin nyo ay hindi na pwede iserve ang pagkain ay idiretso nyo na ito sa basurahan kaysa sa may taong madisgrasya dahil ito. Pagkain po yan na pumapasok sa katawan ng tao at maaring maging dahilan ng pagkasira ng tiyan, sakit, food poisoning o lalong lalo na kamatayan. At para naman sa Goto King, luma na po ang Tokwa't Baboy nyo! Hindi po manguya. Hindi na po makain!
Picture
5 Comments
Aybe Fernandez
6/4/2014 06:12:22 pm

fake advertisements will burn the world!!

Reply
dimaks link
6/4/2014 07:04:45 pm

Ang saklap naman.. you guys confronted the resto right after? Ano kaya ang reaction ng Goto King dito?

Reply
Tripapips
6/4/2014 11:36:12 pm

Hi dimaks! We did pero wala naman silang pakialam. Yung nga yung masama doon di man lang sila nagapoligize o nabother sa nangyari. Cguro magandang balikan ulit sila just to see kung nagbago na yung service nila. :)

Reply
Tripapips
6/4/2014 11:37:23 pm

#boompanes di ba? Lol.

Reply
Pie Rivera
8/10/2014 10:27:37 pm

Kaya bihira akong kumain sa Goto King ... mas masarap pa ang Arroz Caldo ko kesa sa luto nila! hahaha ... nakaka disappoint din ang mga restaurant staff/supervisors/managers na hindi marunong mag handle ng mga diners - repeat customers ang kailangan para tumagal sa industria ... isang simpleng SORRY lang hindi pa magawa? nganga na!

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.