TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Trip ng Tropa

12/1/2012

10 Comments

 
Picture
Dati, isang pangarap lang namin ang makabuo ng isang kanta na para sa blog namin. At kailan lang ng makumpleto namin ang kanta tungkol sa iba't ibang masasayang TRIP ng isang barkada. Cinompose ni Jong ang kanta at katulong si Noks sa pagbuo ng liriko. Maraming salamat din sa tulong ni Von na kasabay namin sa pag-awit nito.

Ang kantang Trip ng Tropa ay hinango sa iba't ibang trip ng mga magbabarkada tulad ng pagru-Road Trip, pagfu-Food Trip, Sound Trip, Laugh Trip at marami pang iba. Habang binubuo namin ang kanta, maraming masasayang TRIP ang aming naalala kaya hindi na maalis sa isip namin ang kantang ito. Ito rin ang nagpapaalala saamin na hindi naman kailangan maging bongga ang paglalakbay, nagiging memorable at makabuluhan ito kahit sa simpleng paraan basta kasama ang masyang barkada.

Nirecord lang namin ang kanta sa isang kwarto kaya paumanhin kung hindi gaanong malinaw. Hinahangad namin sa lahat ng Tripapips ang masayang paglalakbay! Sana magustuhan nyo ang kanta.
TRIP NG TROPA

Composed by: Jong Bautista
Lyrics: Noks Sosa & Jong Bautista
Sung by: Jong Bautista, Noks Sosa and Von Baraan


Paggising sa umaga, nag-iisip ng trip ng tropa
Lakwatsa, gala, san mang trip pupunta
Yayain ang barkada, pati ang drayber at si yaya
Tayo na at lalarga, tara! Road Trip na!

Dalhin ang yong gitara, ako’t ikaw ay kakanta
Reggae, rock, kahit kanta ni Jolina
Kahit na sintunado, basta’t sabay kumakanta
Tuloy lang ang Sound Trip, paulit ulit pa. 

Chorus:
Tara na, sama ka at sumabay sa trip ng tropa
Maglakbay! Kumaway! Pasayahin ang iyong buhay
Tara na, sama ka kalimutan muna ang problema
Makijam at magsaya! sa trip namin kasama ka!

Kumakalam ang sikmura anong baon ang yong dala?
Okey lang kung wala, sa tabi tabi meron ata
Isaw, tokneneng, balot,penoy, kwekkwek at betamax
Simulan na ang Food Trip, tara na kain na!

Pahinga pagkakain, yosi break at kwentuhan
Sa jokes mong corny lahat nagtatawanan
Halakhakang walang humpay tulo pati laway
Sakit tiyan sa Laugh Trip, namimilipit pa.
10 Comments
Jonas Labagala link
1/7/2013 07:40:59 pm

I actually love the song! It's simple yet it has lots of meanings in there. It talks about the journey of friends, whatever happens, you would still stick to one another no matter what.

And the song is so suited with the acoustic guitar. Maybe do it with a band next time. It would be perfect!

From a fellow musician. :D

Reply
jane link
1/7/2013 08:12:31 pm

wow ang ganda ng song! blending kung blending!! pde ng pang tv yan!! audition n kau! Very nice to listen and very nice with the guitar!! xx We want more! xx

Reply
Rochkirstin link
1/7/2013 09:16:24 pm

Wow okay ah pati lyrics and rhythm. Kayo rin nagpplay ng guitar? Ayos pati yung video. :-D

Reply
Ellen Bernardino link
1/7/2013 09:50:52 pm

OK yan! may future kayo sa larangan ng musika. Sana'y maging habambuhay ang inyong samahan at ipagpatuloy ang inyong magandang nasimulan! Yehey!

Reply
Franc Ramon link
1/7/2013 10:47:18 pm

Maganda yung kanta, may dating. Nakakaaliw at masarap pakinggan. I think there's a chance this could be viral. Congrats for a great song.

Reply
Jo-Ann link
1/8/2013 06:34:00 am

Great friendship, I see camaraderie and happiness in your group. Your song is great too, keep it up.

Reply
Alwin link
1/8/2013 07:25:21 am

Love the song, may voicing pa kaya mas-cool! Nice one guys, good job!

Reply
Dianne Salonga link
1/8/2013 09:23:41 am

Nice job! great song! may rhythm pa ang words, kaya havey ang song na ito!

Reply
Kenneth
9/8/2013 04:20:09 am

galing naman! So inspiring ang friendship! .^_^.v

Reply
Celine link
8/28/2014 06:01:03 pm

Asteeeeeeggg! Apir! Galing ng voicing niyo at ang cool ng mga lyrics. :)

Tara na at mag-jam!:)

Celine of Celineism.com

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.