TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Tokyo Tokyo Japanese Burgers

3/2/2012

2 Comments

 
Picture
Galing kami sa Tokyo….Tokyo. Can you imagine, uso na rin pala sa kanila ang burger na madalas lang natin kainin sa mga food chains na iba’t-ibang burgers ang pambato? Kumbaga, maiisip mo bang ang burger ay magiging patok rin pala sa panlasa ng mga hapon? 

Nagutom kami sa trapik habang papunta kami sa Tokyo Tokyo. May ilalabas kasi silang mga burgers na siguradong papatok sa panlasa ng lahat. Well, swak na swak agad samin kasi bukod sa gutom na kami at pagdating sa kainan ay hindi pahuhuli, pamatay sa sarap yung mga burgers na natikman namin. Tatlong iba’t-ibang burgers ang talagang bago sa panlasa namin ang tinikman namin sa Tokyo Tokyo.  
Picture
UNANG ISINABAK: SHOGUN BURGER! Kakaiba ‘to kasi alam mong iba ito sa mga tipikal na burgers na madalas mo tikman. Hindi talaga nawawala ang Japanese taste nito. MapapaHADOUKEN talaga ka sa sarap nito! 

Shogun Burger 
Shogun literally means commander in chief, and the Shogun Burger definitely commands your appetite with its crunchy onion rings, and premium beef patty with savory Tonkatsu sauce! 
Picture
PANGALAWANG ISINABAK: SHIITAKE MUSHROOM BURGER! Isa sa mga burgers na mapapabalik ka sa pagkabata (parang “Ratatouille”) sa sarap at linamnam. Makakalimutan mo rin na kumain ka na pala ng isang burger kanina dahil nawala rin sa isip mong busog ka.

Shiitake Mushroom Burger
Shiitake mushroom has been a well-known classic delicacy in Asia for centuries, and Tokyo Tokyo made it even better with this delectable Shiitake Mushroom Burger with Teriyaki sauce and shiitake mushrooms. 
Picture
IKATLONG ISINABAK: GODZILLA BURGER! Pangalan palang masasabik ka na tikman kasi alam mong malaki ang burger na ito. “LAMON” ang gagawin mo sa burger na ‘to at kailangan mo ng malupit na “CHAKRA” (parang NARUTO lang) para kainin ‘to.  

Godzilla Burger
For those with double the appetite for delicious food, Tokyo Tokyo created the Godzilla Burger! An irresistible double premium beef burger patties with zesty Japanese mayo and slices of cheddar cheese. 
Picture
ANG HULING ISINABAK: DANIEL MATSUNAGA! Aba! Makakasama rin pala namin ang endorser ng mga burgers ng Tokyo Tokyo! Panalo! Kumpleto talaga sa rekado ang pagpunta namin sa Tokyo…Tokyo. Siyempre ikaw ba naman papahuli ka sa picture kasama ang artista? Hahahah! At siyempre hindi kami papatibag pagdating sa KA-EHEM-“GWAPUHAN”!  ;-) 
Picture
Picture
Picture
Isang bagong karanasan samin lalo na sa panlasa namin ang pagpunta sa Tokyo Tokyo. Bukod sa naibsan ang kumakalam na sikmura namin, busog na busog din kami sa saya ng experience namin doon. Muli naming babalikan at malamang kumain ulit kami ng masasarap na Japanese burgers na ito. Try niyo rin! Baka mapaKAGEBUSHIN technique din kayo! See ya!
Picture
2 Comments
Anj
3/27/2012 08:26:07 pm

kuya jong, kuya noks,
uy, binasa ko to ah..
hehe.

nice write up :)

masubukan nga yung SHOGUN BURGER.
tutal mhilig ako sa sibuyas.

salamat sa balita! :)

Reply
Peng
5/26/2012 08:01:04 pm

Angel's Burger naman minsan ung pang mayaman... hehehe

Buy one take one na Madumi pa... hehehehe

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.