TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

The Rooms of Remington Hotel, Resorts World Manila, Pasay City

5/31/2013

0 Comments

 
Picture
Nakilala ang Remington Hotel dahil maliban sa mura ito ay patuloy ang kanilang pagpapa-unlad ng serbisyo sa mga panauhin. Sa katunayan ay pinaganda nila at ginawang moderno ang ibang kwarto at apartment dito upang bigyang prayoridad ang maskomportableng pananatili ng mga panauhin.

Kilala ang Remington Hotel bilang isang no-frills hotel, dahilan kung bakit mababa ang presyo nito kumpara sa ibang hotels. Ngunit hindi dahil walang amenities tulad ng swimming pool at iba pa ay hindi ka na maaring mag-enjoy dito. Sa dinami dami ng mga shops na nakapalibot dito tulad ng Newport Mall ay tiyak magsisiyahan ka saiyong pananatili dito. Ito rin ang naging dahilan kung bakit maging ang mga dayuhan ay paborito itong tuluyan tuwing bumibisita sa ating bansa.

Read: Chillaxing at The Puzzle Mansion Bed 'n Breakfast, Tagaytay City
Picture
Sa pagdating ng Mayo, may mga pagbabagong inihanda ang Remington Hotel para sa lahat. Ipinakilala nila ang bagong bukas na mga kwarto. Dinaluhan at nasaksihan ang pagbubukas na ito ng iba't ibang travel agencies, media at mga bisita. Isa lamang ito sa kanilang hakbang para panatilihing maganda ang kanilang serbisyo.

Ang Remington Hotel ay matatagpuan sa Newport Boulevard, Newport City, Pasay City. Malapit ito sa Ninoy Aquino International Airport (Terminal 3) at halos limang minutong lakad ito sa St. Therese Church at Villamor Airbase. Kung gusto mong maglibot, may mga libreng shuttles din dito patungo sa iba't ibang parte ng Maynila. Pwede ring umarkila ng kotse ang mga bisita upang tuklasin ang lugar. Mag-ienjoy rin kayo sa R Bar sa araw-araw na buffet breakfast dito.
Picture
Picture
Picture
Nagcheck-in kami sa kanilang Standard Room. Mayroon itong dalawang queen size na kama na kayang magkasya ang isang pamilya at syempre airconditioned ang kwarto. Maliban dito ay may isang maliit na CR at shower room. Ilan pa sa mga kabilang dito ay ang 32 inch na tv, wifi sa buong hotel, telephone, built-in cabinets at vault para sa mahahalagang gamit nyo. Dahil masgusto naming gumala at mag-ikot sa mga nakapalibot ditong mga shops, bars at malls, okey na okey na saamin ito.
Picture
Picture
Picture
Picture
Pero kung ang hanap nyo ay ang maskomportable at maskumpleto ay bagay sainyo ang bagong bukas nilang Serviced Apartment. Hindi tulad ng standard room, ito ay mayroong mga kagamitan at kasangkapan para sa masmasayang pananatili dito. Mayroon itong isang queen size na kama, sofa na maaring gamiting kama kung may bisita, kitchenette, mini-bar, dining table, complimentary food at marami pang iba. Nagtatampok ang mga banyong en suite ng mga hot-water shower at libreng toiletry rin.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Ngunit maliban sa mga kwartong ito, mayroong ispesyal na kwarto rin para sa mga PWD. Ispesyal ito dahil ginawa ito para sa mga may kapansanan at karamdaman. Para itong standard room ngunit dalawang single bed ang matatagpuan dito, masmalawak ang kwarto at banyo. Nakakatuwa dahil ngayon lang kami nakapunta sa hotel na binibigyang halaga ang mga may kapansanan.
Picture
Sa kabuuhan, naging maayos ang aming pananatili sa Remington Hotel. Nakakatuwang halos lahat ng mga tao dito ay babatiin ka tuwing nakaksalubong mo sila. At higit sa lahat, napakatahimik at mausisa sila pagdating sa seguridad ng bisita. Hanggang sa uulitin. :)

Remington HotelNewport Boulevard, Pasay Airport Area, Pasay City 

Phone: +63 2 908 8000 local 7770
Email: reservation@rwmanila.com
Website: http://www.rwmanila.com
Picture
0 Comments



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.