TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

The Breezy Beach of One Laiya, San Juan, Batangas

6/30/2013

2 Comments

 
Picture
White beach ang isang perfect summer destination nating mga Pinoy. Ito ang panahon na masarap magtampisaw sa dagat, gumawa ng sand castles at kumain sa tabing dagat habang nakatirik ang haring araw. Saan pa nga ba natin ito matatagpuan kundi sa sikat na sikat na Batangas.

Ang Batangas ay isang probinsya na matatagpuan sa timogkanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Kilala ito noon sa lumang pangalan na "Kumintang." Dahil napapalibutan ito ng karagatan, noon pa man ay tanyag na pasyalan ito ng mga turista na malapit sa Metro Manila dahil sa naggagandahang mga white sand beaches dito kabilang ang Anilao, Sombrero Island, Ligpo Island, Matabungkay Beach, Punta Fuego, Isla Verde at ang paboritong destinayon ng mga tao ay ang Calatagan at Laiya sa San Juan. 

Read: Malabrigo Point Lighthouse: Lobo's Historical Attraction, Batangas
Picture
Isang imbitasyon mula sa isang kapamilya ang dahilan kung bakit kami naparito sa One Laiya sa San Juan, Batangas. talo hanggang apat na oras ang aming biniyahe ngunit walang wala ito dahil halos lahat ay excited. Matagal tagal na rin kasi ng huli kaming nakarating sa Laiya. Ibang-iba na kesa noon. Masmaayos ang daan, masmadaling puntahan at maslalong pinaganda.

Pagbaba namin ay isang malaking gusali ang bumungad. Ngunit sa kabilang dako ay ang isang malabatis na tanawin na tila sumasalubong sa aming pagdating. Dalian kaming pumasok sa loob ng One Laiya Resort. Napakaraming taong nag-aawitan, nagkukwentuhan at kitang kita ang saya. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Sa pagpasok sa One Laiya, kailangang magbayad ng 100.00 pesos ang bawat isa, pero libre ang mga batang kasama. Maaari din kayong magrenta ng mga kubo-kubo sa halagang 3,100.00 pesos na may isang maliit na kusina, kwarto at kubeta kung gusto nyo mag-overnight. Maaari rin kayong magdala ng sarili nyong tent para masmakatipid kayo. 

Ano nga ba ang makikita rito? Puting baybayain, asul na karagatan at kalangitan ang aakit saiyong mga mata. Ngunit maliban sa tanawing ito ay nakakagalak ding panoorin ang ibang mga taong naglalaro ng volleyball, nagkacamping at ang iba ay namamasyal naman. Napakaraming pwedeng gawin dito at hindi ka mauubusan ng pagpasyalan. 

Hanggang abutan kami ng pag-agaw ng liwanag at dilim, hindi pa rin kami nabigo sa ganda ng kalangitan habang lumulubog na ang araw. Sa mga oras na iyon, nasabi namin na napakasarap talaga ng buhay. Dito mo mararanasan ang kaginhawahan at maiisip kung gaano kagaling nilikha ang mundo, na sana hindi ito agad matapos at ng masaksihan at amranasan pa ito ng mga susunod na henerasyon.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Kinabukasan, napagpasyahan ng grupo na umikot-ikot muna. Nag-island hopping kami sa halagang 2,000 pesos. Medyo may kataasan ang halaga dahil inikot lamang kami ng bangka sa loob ng dalawang oras sa kabilang dako lamang ng resort na aming tinutuluyan. Kasama na rito ang pagcave diving na hindi rin ganoon kasulit dahil isang maliit na butas lamang ang iyong papasukan at hindi naman talaga totoong kweba. Medyo nakakadisgana pero kung gusto nyo ring subukan ay sige lang. Hahaha.
Picture
Picture
Picture
Picture
At syempre maslalong pinasarap ang aming bakasyon dahil sa pagkaing iniluto para saamin. Sino ba naman ang hinid matatakam sa pritong talong, tuyo at inihaw na liempo? Hmmmm.
Picture
Picture
Picture
Maraming salamat sa Pamilyang Honorio na silang nag-imbita saamin. Kung hindi pa kami niyaya eh hindi pa sana kami makakabalik dito. Hahaha. Pero isa na naman ito sa masayang trip namin ngayong summer na hinding hindi namin malilimutan. Kaya lagi lang maging masaya! Trip na!
Picture
2 Comments
jingkyperolina
11/7/2014 04:42:18 pm

ganda

Reply
mich
11/23/2015 02:25:38 am

Hi Good Afternoon!

Tanong kolang po ung mga nasa ibaba,

* Entrance Fee?
* May mga villa poba kau? 1 night only for 2girls - magkano? magin kmi around lunch or after lunch then out namin before lunch siguro the next day.
* What time check in at check out?
* Paano pumunta dyan mula manila?
* Ano pwedeng mga puntahan sa batangas na pwedeng mas malapit sa inyo (Kainan at pasyalan)?


Salamat po!

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.