|
Sa init ng panahon ngayon, naiisipan mo pa bang humigop ng mainit na kape? Eh tsaa? Bakit hindi, kung nasa Baguio City ka lang naman. Ano pa't walang kasing sarap ang humigop ng kape habang hinahaplos ka ng malamig na simoy ng hangin habang pinagmamasadan mo ang kahabaan ng nagluluntiang kabundukan ng Baguio City. Yay! Sa sobrang hilig naming magkape at tumambay, napadpad kami sa isang coffee shop sa SM City Baguio. Ito ang Syblings Nook Cafe na matatagpuan sa Skyline Terrace, 2nd flr back Veranda sa loob ng SM City Baguio. Kahit malapit na ang summer ay hindi mo mararamdaman ang init ng panahon sa Baguio City. At sa lamig ng panahong iyon kaya kami nagkagustong magkape. Partner ang yosi at masasarap na kwentuhan, wala nang mashihigit pa sa pagkakataong iyon. Kilala ang Baguio City bilang lugar ng strawberry sa ating bansa. Kaya sigurado kaming dito namin matatagpuan ang masasarap na strawberries. Ngunit hindi namin inasahan na sikat din pala sa Baguio ang strawberry na tsaa. At sa kagustuhan naming matikman iyon ay dali-dali kaming umupo sa mga bangko sa labas ng Syblings Nook Cafe. Sa halagang P80 ay may Strawberry Hot Tea na kami na sulit para sa dalawang tao. Napakasarap din ng Strawberry Cheesecake topped with fresh strawberries sa halagang P95. Kung hindi naman kayo mahilig sa mainit na kape/tsaa, maari nyong subukan ang Nutty Hazelnut Frappe sa halagang P110. Mayroon din sila ng Cold Coffee/Espresso at iba pang malalamig na inumin na swak na swak ngayong papalapit na summer. Tunay na sulit ang aming pagtambay. Dahil sa ganitong mga pagkakataon kaya namin gustong magbakasyon sa Baguio City. Napakamura ng bilihan at walang kapantay ang saya dahil sa masasarap na pagkain, magagandang tanawin at masasayang tao.
17 Comments
Airra Pingol
4/22/2012 05:07:59 am
omg. it looks so tempting! lalo na ung hazelnut frappe.
Reply
4/22/2012 11:19:27 am
Sa mga kuha mo sa masasarap na pagkain, baka mag-SM Baguio kami ngayung taon. Kamusta pala yung stand-off dyan tungkol sa mga punong ililipat daw nila?
Reply
4/22/2012 11:47:13 am
Na-Miss ko bigla ang baguio!!! naku.. to be honest, dahil mahilig ako sa kape at tsaa, kahit sa ganitong init, kasabayan ko pa din tuwing almusal... and wow! Strawberry tea? Makabisita na nga ulit sa Baguio for that! Meron bang binibentang nasa sachets or nasa pack ng ganyang tea? Would love to try it back here sa manila. =)
Reply
4/23/2012 06:14:26 am
Gusto ko ulit bumalik sa Baguio kahit taon taon pa. Strawberries is my favorite fruit. Have tried the strawberry-flavored taho, wine strawberry etc. Ittry ko yang nook na yan sa SM Baguio.
Reply
4/23/2012 02:07:22 pm
Love the tea shot! and the cheesecake looks good, we'll be having a trip to baguio this July, I'm definitely including this one to our go-to list!
Reply
4/26/2012 03:20:58 pm
Wow wow wow! I'm not a fan of hot tea and coffee but I'd surely love to try that strawberry hot tea! Plus I'm craving now for strawberry cheesecake. It looks so yuuuuuumy!
Reply
Hmmm...I am no fan of coffee and tea, but of frappe --- and fruit shakes...
Reply
4/28/2012 10:49:55 pm
I'm into coffee and tea but how you took it makes me wanna try it!
Reply
Hazel
3/23/2013 09:49:36 am
tnx tripapips for the writeup and the nice pictures you posted here... hope to see you again at the cafe...
Reply
Leave a Reply. |
#TRIPAPIPS
|
KILALANIN ANG TRIPAPIPS
Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :) |
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS
If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form. You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook. |