Napakaswerte ko. Puro pagkain ang sumalabong saakin ng pagdating ko sa Singapore. Lalo na ng madatnan ko ang isang malaking pagdaraos ng Singapore Food Festival 2012. Taon taon itong ginaganap kung saan dito matitikman ang iba't ibang lokal na pagkain ng Singapore. Idinaos ito ngayon sa Waterfront Promenade, Marina Bay Sand noong ika-13 hanggang ika 22 ng Hulyo, 3012.
Kasama ko ang aking kaibigan at kaklase ko noong college sa UP na si Elma. Sa Singapore na kasi siya nagtatrabaho. Nagikot ikot muna kami sa Marina Bay Sand, nanuod ng Harry Potter Exhibition sa Art Science Museum at syempre walang humpay na usapan. Nagutom, nauhaw at napagod kami kaya nagyaya si Elmang kumain, kasama ang kanyang labidabs na si AJ. At doon kami napadpad sa malaking tent na puno ng pagkain.
Pagpasok pa lang ay halos maglalaway ka sa bango ng mga pagkain. Iba't ibang pagkain ang iyong makikita. At dahil ngayong taon, ang tema ng SFF ay "Seafood Tales of Temasak" ay napakaraming seafoods ang makikita mo.
Pagpasok pa lang ay halos maglalaway ka sa bango ng mga pagkain. Iba't ibang pagkain ang iyong makikita. At dahil ngayong taon, ang tema ng SFF ay "Seafood Tales of Temasak" ay napakaraming seafoods ang makikita mo.
Marami kang pagpipiliang pagkain, may Indian, Chinese, Malay at marami pang iba. Sa dami ng pagpipilian ay halos para na akong nanghuhula kung ano ang masarap, ano ang gusto ko o ano ba ang dapat ang tikman ko. Kaya hinayaan ko na lang sina ELma na pumili ng aming pagkain. Ang mga napilini ay ang Chicken and Beef Satay, Octopus Satay, Roasted Duck and Pork, Fried Oyster at syempre para masmasarap ang kainan ay dapat may beer. Hehehe.
Sobrang nabusog ako. Napakasarap ng mga pagkain. At para magpababa ng kinain ay naglakad lakad kami sa Marina Bay Sand. Napakaganda talaga dito paggabi. Napakakulay ng mga ilaw at buhay na buhay ito kahit gabi na.
Napakasaya ng food trip kasama ang aking mga kaibigan. At bago ko makalimutan, maraming salamat ulit kay Elma at AJ. Hindi ko nasabi na nilibre nila ako. Hahaha. Oo, libre lahat. Kaya pala may aksabihang masarap daw ang libre. Totoo nga naman! :)