TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Silly People’s Improv Theater (SPIT) Mounts MANILA IMPROV FEST 2012 

7/11/2012

0 Comments

 
Picture
Muling napuno ng katatawanan at walang humpay na kasiyahan ang aming gabi ng aming matunghayan ang pagtatanghal ng Silly People’s Improv Theater (SPIT), ang premiere improvisational theater troupe ng ating bansa sa kanilang kakaibang palabas sa pagdiriwang ng kanilang ika-sampong anibersaryo. Kanilang inihandog ang MANILA IMPROV FEST 2012: The First Philippine International Improv Festival sa Quantum Cafe, Makati. 

Kakaiba ang kanilang palabas dahil kasama ang buong tropa ng SPIT at mga manunuod sa kulitan at sa iba't ibang paraan ng pang-aaliw tulad ng kantahan, sayawan, palaro at kung anu-ano pa tulad ng sikat na British at American show na “Whose Line Is It Anyway?”

Nakisama sa kulitan ang ating Tripapips na si Jong bilang isang hurado sa beauty pageant ng kakaibang uring nilalang na ginampanan ng mga aktor ng STIP. Nagpatalbugan ang bawat isa sa kanilang mga sagot na mamimilipit ka sa sakit ng tiyan sa kakatawa.
Picture
Picture
At hindi lang kami ang nakisali sa kulitan kundi ang iba ring mga nanunuod na talaga namang nakakamangha rin ang mga ginawa. Bata man o mantanda ay siguradong matatawa sa kanilang mga eksena.
Picture
Kabilang din sa malaking selebrasyon ay ang pagtatanghal ng mga sikat at mga bigating aktor ng SPIT na nagmula sa iba't ibang lugar tulad ng Cebu,Bacolod, Xiamen, Beijing, Hong Kong, Taichung at Los Angeles.

Ilan sa mga mapapanuod nyo ay ang mga makukulit at talagang magpapatawa sainyong mga aktor na nagsisipagtagisang talino, nagtutunggali sa talento at umaapaw ang sense of humor. 
Picture
Picture
Picture
Ilan sa mga paburito naming eksena ay ang pagmamala-boy pick up ng bawat isa. Ngunit hindi ito tulad ng karaniwang banatan dahil kailangan dito ang mabilis na pag-iisip, ang tamang tiyempo sa musika at ang kakaibang pick-up lines na talagang swak na swak sa takilya.
Picture
Picture
Picture
At hindi pa dyan nagtatapos ang kanilang pagpapasiya sa mga manunuod dahil maaari nyo pa ring masaksihan ang masayang pagtatanghal ng SPIT sa Quantum Café sa 9590 Kamagong St. corner Bagtikan St. sa  Makati City.  Kaya habang hindi pa huli ang lahat, bisitahin nyo na ang masayang barkada ng SPIT kasama syempre ang iyong pamilya at buong tropa.
Picture
Picture
Makigulo na rin kayo para maranasan nyo ang kakaibang kasiyahan kasama ng barkada ng SPIT! Kung kayo ay may problema, siguradong mapapawi ito dahil patok na patok ang bawat jokes ng mga ito. Kaya ano pa ang hinihintay nyo, maki-SPIT na mga Tripapips!
Picture

Picture
Silly People’s Improv Theater
Facebook: www.facebook.com/spitmanila
Twitter: www.twitter.com/spitmanila
Website: www.spitmanila.com
Phone: 09152952033 (Tetel De Leon)
0 Comments



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.