TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Shopping: It's More Fun At SM Southmall #THEBIGSALE

9/1/2012

4 Comments

 
Picture
Sino ba naman ang hindi mahilig magshopping saatin di ba? At sakto pa dahil kakatapos lang sumahod ng lahat. Ang SM Southmall ay may handog para sa ating laha. Ito ang pinakamalaking SALE na nagaganap ngayon sa ating bansa. Oha! Malamang ngayon pa lang ay atat na ata ka nang pumunta ng SM Soutmall para mamili! Oo, kaya huwag na huwag mo itong palalampasin. Tara na!

Si Tripapips Noks nga pala ito. Dumalaw ako sa SM Southmall kanina sa Alabang upang maranasan ang pinakamalaking sale ngayong taon. Umaabot ng hanggang 70% ang discounts sa mga orihinal na presyo ng bilihin. At sino ba naman ang hindi mawiwiling mamili kung ganon kalaki ang matitipid mo. Bilang isang matipid na manglalakbay, ang sale na ito ay malaking tulong saakin. Sa sobrang laki ng matitipid ay halos gusto ko nang iuwi ang buong SM Southmall.

Masaya bang magshopping ng nag-iisa? Syempre hindi, kaya may kasama akong tatlo pang ibang bloggers na sina Jonel, Marjorey at Ruth. Syempre, masmasayang mag-shopping kapag kasama ang buong barkada, lalo na habang nagkukwentuhan at nagtatawanan habang namimili.
Picture
Picture
Picture
Bilang isang travel blogger, lagi kong iniisip kong paano makakatipid at pagkasyahin ang budget na hindi nakukompromiso ang kalidad at saya na maidudulot ng bawat paglalakbay. Kaya iyon din ang aking naging pamantayan sa pamimili ngayon. At wala na kaming sinayang na oras para libutin ang buong SM Southmall.

Pinintahan ng kulay pula ang buong SM Southmall at dito mo mababasa ang 30% OFF, 50% OFF at 70% OFF na sa sobrang sarap tingnan at dahil sa ang laki ng mga diskwento ay nahirapan akong mamili ng aking bibilhin. 
Picture
Picture
Picture
Para masmasaya ang shopping, sama sama kaming naglibot at una naming pinuntahan ang OUR HOME na kung saan matatagpuan ang mga napakamurang gamit sa bahay. 

Pagkatapos nito ay nagikot ikot pa kami sa iba't ibang shops pero minabuti na naming dumiretso sa SM Department Store. Doon namin natagpuan ang iba't ibang produktong sobra naming nagustuhan. 
Picture
Picture
Nanguna si Ruth at Marjorey na pumili ng mga bags. At bakit hindi dahil nagkakahalaga na lamang ang bawat bags ng 399 pesos na kadalasang mabibili mo sa halagang 800 pesos pataas. Sulit di ba?
Picture
Picture
Picture
Picture
Pero sa tingin nyo ba ay magpapahuli kami ni Jonel? Syempre hindi kaya naglibot na rin kami at naghanap ng aming mga paboritong gamit. 

Marami akong pinagpipiliang bilhin. Naisip kong bumili ng travel bag o backpack para sa mga susunod na trips. Ngunit masnakakita ako ng masOK na bilhin. :) 
Picture
Picture
Picture
Dahil sa laki ng SALE sa SM SOuthmall ngayon, pakiramdam ko ay nakapaswerte ko. Kaya ang binili ko ay "SEIKO Wallet, ang wallet na maswerte!" Hahaha. 50% OFF ito kaya sobra akong masaya noong nakita ko ito at hindi na nagdalawang isip. Sa budget kong 800 pesos ay nagkaroon pa ako ng pampasalubong kay Tripapips Jong. Nagkakahalaga ng 800 ang isang wallet pero dahil sale ito ay dalawa ang binili ko. Naniniwala akong maswerte ito pero higit pa dito ay tanda ito ng masmatipid ngunit massulit na mga paglalakbay.
Picture
Picture
Picture
Sobra akong nag-enjoy sa pagshashopping kasama sina Jonel, Marj at Ruth at syempre maslalo namin itong na-enjoy dahil sa napakalaking discounts na nakuha namin! Kaya hindi pa huli ang lahat. may isang araw pa para humabol! Sugod na sa SM Southmall at makigulo na rin sa malaking SALE!

Paalala na hanggang bukas na lamang ito kaya wag nang magdalawang isip pa! :)
Picture
Pahirit! Isang kanta naman dyan para swertehin din kayo! :)

Seiko, Seiko Wallet
Ang wallet na maswerte
Balat nito ay genuine
International pa ang mga design
Ang wallet na maswerte

Seiko, seiko wallet (2x)

"SEIKO WALLET ang wallet na maswerte" 

Picture
4 Comments
Marjorie link
9/1/2012 03:06:22 am

Salamat Noks sa mga litrato!
kami'y nasiyahan kasama ka! =)

Reply
Ruth link
9/1/2012 03:18:01 am

It was nice meeting you Noks! Thanks for posting the pics kahit mukha akong naka-drugs dun sa isa hahaha

Reply
LetsGoSago.net link
9/1/2012 03:18:32 am

Awesome photos, may video pa! :P

Reply
Turista Trails link
9/20/2012 02:54:16 am

wow 50% sa Seiko wallet?! good deal nga 'yan. I normally haggle with an attendant sa mga boutique shops kapag hindi sale. I got my red laptop backpack for less P100 kasi i told the clerk to request from his manager for the discount hehe. Granted! Nag-Starbucks ako using the savings.

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.