January is the biggest month for the province of Aklan. This is the time for the celebration of Ati-atihan Festival to honor Senor Sto. Nino de Kalibo. The festival was held last January 10-19, 2014, with the theme of "Pagsadsad, Pagpanaad kay Senor Sto. Nino."
Ang probinsya ng Aklan ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Bisayas. Dito matatagpuan ang isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo, ang Boracay, isa sa mga dahilan kung bakit maraming turista ang dumarayo sa probinsyang ito. Ngunit, tuwing Enero, dinadagsa ito ng mga libu-libong tao para makiisa sa malaking pagdiriwang ng Ati-atihan Festival sa Kalibo.
Related Article: Aliwan Festival 2012
Mula Manila, isang oras din ang byahe sa pamamagitan ng eroplano. Araw-araw lumilipad patungo dito ang Cebu Pacific, Air Asia, Philippine Airlines at marami pang iba. Sa kabila ng mayaman at umuusbong turismo sa Kalibo, nananatili pa ring payak ang pamumuhay ng mga tao dito.

Sadsad: the best way to experience Ati-Atihan festival
Ang Ati-atihan ay nangangahulugan ng "paggaya sa isang Atis," - isang pangkat etnikong maitim ang balat at kulot ang buhok o kilala bilang mga Negrito na unang nanirahan sa lugar ayon sa kasaysayan. Kilala ang Ati-atihan bilang "The Mother of All Philippine Festivals" dahil sa engrandeng pagdiriwang nito bago pa makilala ang mga festivals sa mga karatig pook nito.
Masasabi naming isa ito sa mga masasayang festivals sa buong bansa. Mula sa makukulay na kasuotan, sa mga hataw na tambol, sa mga indak ng nakikilahok, sa mga ngiting bumabati at sa masasarap na pagkain, ilan lamang ito sa mga dahilan upang tunay mong maranasan ang saya ng Ati-atihan at ng buong Kalibo, Aklan.
January 17, 2014, ito ang unang araw ng pagdating namin sa Kalibo. Hindi pa kami nakakapagpahinga ay agaran kaming tumungo kami tumungo sa Plaza ng Magsaysay upang masubaybayan ang mga nagaganap dito. Sa lugar na ito nagmumula ang mga naglalakasang dagundong ng tambol. Iba't ibang grupo ng mga tao ang nagtitipun-tipon sa plaza na makikita sa harapan lamang ng simabahan ng Cathedral of Saint Joseph the Baptist. Hindi maawat ang sayawan at hiyawan ng mga nakikiisa sa Ati-atihan. Sumasabay ang lahat sa mala-tribong tugtugin ng mga drums, pito at kalembang. Ito ang tinatawag na "sadsad." Kitang-kita ang tuwa sa bawat mukha ng tao habang paikot na sinusuyod ang mga kalsada. Kinakabilangan ito ng iba't ibang grupo ng kabataan, mga turista at maging mga balikbayan. Sa aming panunuod ay inaya kami ng isang grupo upang makiisa sa "Sadsad Pagpasaemat kay Senor Sto. Nino." Ito rin ang nagbigay saaamin ng pagkakataon upang makasalamuha ang mga lokal dito. Ramdam namin ang mainit na pagtanggap nila saamin. Sa katunayan, ang iba ay nag-alok pa ng mga inumin at isinama kami sa prosisyon at nakipagsayaw pa saamin.

Sa katunayan ay unti-onti na ring naging moderno ang pagdiriwang ng Ati-atihan festival. Hindi na lamang mga Ati ang ginagaya ngayon kundi maging ang mga sikat na karater sa telibisyon. May nagmala-Super Hero, mala-Reyna at ang ibang kalalakihan ay nagdamit pambabae pa. Nakakatuwa ang iba't ibang pakulo at gimik ng mga tao. Ngunit sa kabila nito ay nananatili pa rin ang tardisyunal na pagpipinta ng itim sa buong katawan at ang paggamit ng makukulay na kasuotan.
January 18, 2014, ang aming pangalawang araw ay masnaging makulay at masaya. Mula paggising sa umaga ay maririnig mo nang muli ang mga nakakaindak na mala-etnikong tugtugin ng mga banda kasabay ng pagsigaw ng sikat na katagang, "Hala Bira!" Ito ang hudyat na nagsisimula nang muli ang masayang kapiyestahan sa Kalibo. Tulad ng naunang araw, tumungo kami agad sa Magsaysay Plaza. Halos hindi mahulugang karayom ang lugar sa dami ng taong nakikisaya. Masmakulay at masmaingay dahil iyon ang araw ng Ati-atihan Tribes Street Dancing. Nagmistulang isang makulay na litrato ang kalsada noon dahil sa nagbobonggahang mga costumes ng mga kalahok. Ngunit bago sinimulan ang sayawan ay nagdasal ng rosaryo ang mga deboto, ito ang tinatawag na Dawn Penitential Procession.
January 19, 2014. Ito ang huling araw ng pagdiriwang ng Ati-atihan. Sa araw na ito ginaganap ang Transfer of Senor Sto. Nino de Kalibo image at ang Pilgrims Mass. Halos dumoble ang mga taong sumama sa parada ng imahe ng Sto. Nino dahil isang paraan ito ng pagpapanata para sa mga Aklanon. Iba't ibang barangay ng nakikilahok sa parada, iba't ibang grupo ng mananayaw ang makikita at ang iba ay may dala pang pagkain habang sumasayaw. Maging kami ay napapasayaw din habang nanunod.
Ngunit bago namin ipagpatuloy ang kasiyahan, dumaan kami sa simbahan upang manalangin at sa labas nito ay ang nakapilang mga deboto na humihingi ng bendisyon sa Sto. Nino.
Muli kaming bumalik sa kalsada upang sumali sa huling pagkakataon sa "sadsad". Simula na ng Religious Procession and Dance. Halos ang bawat isa ay sumasayaw bitbit ang imahe ng Senor Sto. Nino. Puno ang kalsada ngunit napapanatiling mapayapa ang pagdiriwang. Nag-aawitan at nag-iindakan ang bawat isa. Nakakaaliw pagmasdan na ang lahat ay nakikisaya, maging bata man o matanda.
Sa tatlong araw naming pakikilahok sa "Sadsad," masasabi naming kakaibang pagdiriwang ang aming naranasan sa Ati-atihan 2014. Hindi kami naging turista dito, bagkus itinuring kaming bilang isang Aklanon. Hindi kami naging manunuod lamang sa isang festival kundi pinaramdam nila saamin na kabilang kami rito. nais din namin pasalamatan ang pamilyang Andong na siyang nag-alaga saamin sa aming pananatili sa kalibo.
Hanggang sa susunod na Ati-atihan! :)
Hanggang sa susunod na Ati-atihan! :)