Matatagpuan dito ang mga nakatayong mga booth ng iba't ibang pagkain at inumin na swak na swak para sa food trip. Umikot kami upang maghanap ng mga masasarap na pagkain at kadalasang makikita rito ay ang mga inihaw tulad ng barbeque, isaw, liempo at seafoods. Maari rin kayong magshopping sa mga tiyanggeng matatagpuan sa paligid.